Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Vincent Liberato Oct 2018
Ang tauhang ito ay kung lumisan sa mundo—mananatili na lamang ang mga salita, ngunit walang kahulugan ang buhay o hindi alam ang kahulugan ng buhay.

'Walang pag-iral ang tao sa lipunan hangga't 'di kailangan ng lipunan ang tao.' Ang bulong ng tauhan kasunod ang buntunghininga na nasa kawalan na. Tumigil lamang ang tauhan upang pagmasdan ang kumukurap-kurap na liwanag sa rurok ng poste. 'Kahit anong tatag at tibay nito, kung ang liwanag nito sa rurok ay pawala na—wala rin.' Ang bulong muli ng tauhan sa sarili.

Biglang bumuhos ang lakas ng ulan habang pinagmamasdan ng tauhan ang poste. Sa lakas ng lagatik ng ulan, ngumiti lamang ang tauhan. Ngumiti lamang sa kabila ng buhos ng ulan sabay tumawa. Sa mga sandaling iyon nasa kawalan ang tauhan—nasa kawalan ng ngiti—nasa kawalan ng ulan.

Umuwi lamang ng may ngiti ang tauhan sa kabila ng buhos ng ulan. Madilim at liblib ang kuwarto ng tauhan katulad na lamang ng damdamin at pag-iisip ng tauhan. Sa pagitan ng bintana't pinto. Kumuha ng lubid at upuan ang tauhan. Inilagay sa pagitan ng bintana't pinto ng liblib na kuwarto ang upuan. Tumungtong ang tauhan habang hawak ang lubid, itinali kung saan dapat itali. Itinali sa sarili—iginapos ang katapusan sa leeg—ipiniid ang mga mata. Tumalon na lamang ang tauhan sa upuan sa pagitan ng bintana't pintuan ng liblib na kuwarto. Pumanaw na lamang ang tauhan ng buhay, ngunit may taning.

Sa ganoong paraan, nalaman ng buong lipunan na kabilang sa lipunan ang tauhan. Nalaman muli ng lipunan ang pag-iral ng tauhan, ngunit nang pumanaw na ito. Kabilang na muli ang tauhan sa lipunan, ngunit kabilang sa mga pumanaw.
Glen Castillo Jul 2018
Umaga na pala,
Subalit tila umpisa pa lang ito ng dilim
Dito sa bayan kong nasa sinapupunan ng mga sakim
Pagpagan ang mga baro't saya habang hawak ang sedula
Nilang mga uhaw sa tronong ipinangako sa kanila

Naluklok na bagong puno,sa pagdaka’y nagpaulan
Ng mga balang hindi man tingga ay tumatagos sa kaibuturan
Sa dati niyang ka giyera na s'yang mga tunay na anak ng bayan
Iginapos sila’t ipiniit sa sandipang karapatan

Yaong mga bago niyang kawal ay matatayog pa sa kalabaw
‘Pagkat kasama niyang magkakamal ng salaping umaapaw
Mag kaka-ututang labi ay iisa ang kaliskis at balagat
Sila na mag kaibigang dila at ngipin sa pilak din mag-papangagat

Habang ang mga dating sadyang tapat sa gampanin
Ay mistulang mga bayani na lang sa hangin
Ang pagka dalisay nila sa maka-kapwang  tungkulin
Parang sa tubig na isulat at hindi na basahin

Kawawang Sta. Teresita bayan kong dinusta
Ng mga ganid sa kapangyarihan at mapang-alipusta
Akong anak mo’y nasa daluyong ng kapanglawan
Kabiyak mo sa balsang itinali sa nagluluksang pampang

Kawawang Sta. Teresita ginahasa ng mga mapag-samantala
Hinubaran ng dangal at piniringan ng telang mapula pa sa pula
Binusalan ang bibig hanggang sigaw mo’y hindi na marinig
Mga araw mo ngayo’y mamumugto sa haharapin **** pag-liligalig

Tahan na Sta. Teresita,Tahan na,
Bayan kong sakdal iniibig
Matatapos din ang sigwa,
Tutulay muli ang lunday sa sapa.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Mahal kong Bayan ng Sta. Teresita sa kasalukuyang panahon
7/31/2018
Vincent Liberato Oct 2018
Iniluwal ka sa sinapupunan,
Ngunit itinali't iginapos ka
Ng taliwas sa iyong mga kagustuhan
Ang iyong mga kaibigan
Ay lumisan na sa dalampasigan,
Ngunit ikaw ay pinagmamasdan mo lamang sila.
Nang isilang ka
Magulang mo lamang ang masaya sa'yo,
Ngunit 'di na nila naisip ang mga hangarin mo.
Ang bansag tuloy sa iyo ay: tao lamang.
'Di ngumingiti, 'di masaya
At higit sa lahat ay walang hangarin
Sa mismong kalooban.
kingjay Dec 2018
Ang maikling kasaysayan ay pilit kinakalimutan
Nang nahulog sa bangin ng nakaraan
itinali sa leeg ng walang pag-aalinlangan
ang maiksi na lubid na pinanghahawakan

Kumikinang na perlas ng silangan
namumukod-tanging mutya sa dalampasigan
Nang makatakas sa karagatan
Di na bumalik sa kinagisnan

Papalubog na ang araw nang hindi namamalayan
Ang liham nito'y kanyang huling alab
Yugto ng masamang pangitain
kung kailan dadapo ang mga paniki

Nagsilbi na piring sa pagsapit ng Biyernes ang takipsilim
Sa walang pakundangan pugon
Nagliyab ang lunggati ng pangangalit
Marahas na pagbati nito ay pasakit

Ang simpatiya ay kumukupas
Sa trahedyang sumira
Nang wala na makakapitan sa pag-aagaw buhay
Walang paghikbi sa kapaligiran
Labis na kasawian
inggo Sep 2015
Hi miss
Pwedeng pakiss
Namimiss na kasi kita
Ang tagal mo na kasing wala

Hinihila pa din kasi ako
Ng lubid na itinali ko sa puso mo
Ayaw maputol sa sobrang tibay
Ilang beses ko nang sinubukan pero sablay

Kung sabagay rurupok din yan pag tagal
Mauubos din yang lubid ng pagmamahal
Matagal pero kakayanin yan
Naniniwala ako na hindi ito suntok sa buwan

Larawan natin ay isa isa ko nang nabura
Ngunit na-aalala pa rin ang maganda **** mukha
Oo dukha na ako
Kasi naghihirap ako makalimutan lang ang mga panahong naging tayo
w Apr 2019
91
Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi,
Malakas man, mahina o pag-pipigil
Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang
Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan
Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog
Sabay tayong lumuha
Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan
Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban
Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan
Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo
Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan
Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig
Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos,
Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit
Narinig ang bawat kilos at galaw
Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri
Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto
Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw
Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto
Ang bawat salitang bibitawa’y
Mistulang mga butil ng ulan.
Dahan-dahang tutuksuhin ang damdaming
Hindi mawari kung saan nga ba lulugar.

At unti-unting magtatago at maglalaho,
Gaya ng mga imahe sa panaginip
Na minsa’y nagigising na lamang --
Kupas na ang mga alaala.

Naglaho at nagbago,
Tulad ng gabing mapanlinlang.
Tulad ng pag-aalinlangan
Kung bubuhos na ba ang unang patak ng ulan
O mananatili’t makapaghihintay
Kung sino ang taya; kung sino ang handa na.

Hindi ko lubos maisip
Na ang tadhana pala ay may katapusan,
At ito’y matagal nang dumaong
Sa kawalan ng tiwala.

At gaya ng mapanuksong dahong
Sumasalo sa luha ng langit,
Siya rin pala'y bibigay at mapapagod --
Mapapagod at lilihis hanggang pangako'y mapako.

Naubusan ang bawat katauhan
Ng sandatang  mas masakit pa sa ligaw na bala.
Hindi na rin nila naggawang humanap ng paraan
Para likumin ang minsang mga butil
Na ngayo'y karagatan na.

Naubusan na rin ng mga salitang maibibigkas
Pero minsan din naman nilang sinambit,
Na “ako’y handa na."
Nagtuturuan at nagtutulakan,
Kung sino ba ang may sala.
Ang rosas na alaala, ngayo'y tinik na sinusuka.

Humahampas ang agos ng nakaraan
Sa mga pusong nanamlay habang naghihintay.
Marahil, napagod nga sila
O talagang naubos na ang alas
Sa kani-kanilang mga baraha.

Naulit nga lang ba ang nakaraan?
O ito ang katapusan ng kanilang sumpaan?
Pagkat minsan na ring nalumbay
Buhat sa distansyang pumagitan sa kanila
Ngunit sa pagitan ng “oo” at “hindi,”
Hindi na nila nagawang sumabay.

Ang bigat na kargo ng isa’y
Hindi na kinayang pasanin ng isa pa.
At sa sabay na pagtalikod
Ay namutawi ang poot at tampo.

Hanggang sa dulo ng sinasabi nilang “simula”
Ay naging hangganan na.
At naputol ang pulang lasong itinali nang sabay.
Sabay nga silang nangarap,
Ngunit sabay din silang naubos.
billie Apr 2020
maaari  bang imulat natin ang ating mga mata,
mula sa pagkakatulog nang pagka haba-haba
pati na rin sa pagkakagapos,
mula sa mga maling desisyon
na itinali sa atin ng administrasyon
ika nga nila, kapag namulat ang iyong mga mata, kasalanan na ang pumikit
#OUSTDUTERTE

— The End —