Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"itanim" poems
Naulit na naman ang paalam (poetman_24) Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito ngunit pagkatao ko'y laging ganito, namutawi na naman ang paalam sa aking puso bakit pag-ibig kayhirap **** matamo? Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas nagbabadya nang pagpatak na walang wakas, wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas. Bakit naman ganyan ang pagsubok mga tinta'y naghihimutok, ano ba ako sa pintig nang pagtibok ako ba'y sawi sa bawat paglunok? Hindi pala sapat ang likha kong tula kaya lulukutin ko na lamang ang talata, mauuwi na naman ang aking bigong diwa sa 'di matatawarang luha. Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin nasasayang lamang ang taglay na damdamin, nais kong isuko ang pagkatha sa hangin sana masagot pa ang aking panalangin. Makatang walang taglay na panulat mga tinta'y mantsa sa'king balat, nasasawi ako nang hindi ko alam isa ba akong tampalasan? Kung masasaktan ka sa aking piling layuan mo na lamang ako giliw, itanim mo na sa akin ang pasakit tatanggapin ko kahit anong pait. Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala at alalahanin na ikaw ay may halaga, kalimutan mo na lamang ako sinta kung 'yan ang palagay **** tama. Babalik na muna ako sa sa karimlan itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan, ililibing ko na lamang sa diwang hagap na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 1:13 AM UTC
Naulit na naman ang paalam
Lantad 'sang digma, sakit laban sa masa. Bungad sa madla, kalabang 'di makita. Kailan ba bibisa? Babad sa pangamba, Basag nang tiwala, saklolo pa'y wala? Ang pobre'y pilit na tinatanikala, Layang haring uri'y, 'di binabahala. Mga biktima ay hindi inalintana. Nakapagtataka ‘yong pangangasiwa! Sino ba'ng salarin, sino ba'ng may lagda? Ano ba'ng dahilan ng pamamayapa? Corona bang sakit na nakahahawa? O ang siyang Ulo na namamahala? Lantad ang huwad nilang pakikisama, Gobyerno'y siniwalat nitong pandemya, Idilat ang mata, bibig ay ibuka. Itanim 'tong aral na sana'y magbunga.
0
Sep 8, 2020
Sep 8, 2020 at 9:01 AM UTC
Hungkag
ARMAS MO'Y PANALANGIN. Bago natin hangarin ang pansarili hiling, Hingin na bawat isa'y makabangon at gumaling; Sa gabay Nya, walang maiiwang nakabitin Pagkat ang DIYOS ay mas higit pa sa bituin. Mataimtim na dasal ang mainam na gawin. Isuko sa kanya ang lahat ng masamang gawain; Talikuran at wag na nating ulit-ulitin Ang Kanyang utos ay di dapat balewalain Normal lang matakot, pananalig mo'y wag hawiin Boung pusong pananampalataya - Sya'y purihin; Huminahon at sa kanya tayo'y manalangin Handa syang makinig, naghihintay lamang sa'atin. Simpleng pagsubok lamang ito kung tutuusin Kung sa kanya ang tiwala mo'y hindi bitin; May dumating mang hadlang at ika'y sirain Itanim sa isipan - armas mo'y panalangin.
0
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 6:39 AM UTC
Armas mo'y Panalangin