Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"itagong" poems
Napapagod ako. Pagod na pagod. Bakit ka masasawi kung ikaw naman ay minamahal ko ng tangi? Nasasabik na akong hagkan kang muli at sa bawat ngiti ay ikaw ang sanhi. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na akong matanaw kang bumubulong sa hangin na para bang hindi ko naririnig. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na itagong mahal nga kita. Dahil ako, mahal kita, noon, noon, hanggang ngayon. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na akong makita at makasama ka sa panaginip ko lamang at sa bawat kanta'y ganda mo'y naaalala. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na umasang maaaring may tayo. Pagod na baka tanggihan mo ang pagmamahal ko. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na akong isigaw ang ngalan sa mga bituin. Pagod na akong tawagin ka upang punan ang pagkukulang na nadarama. Napapagod ako. Pagod na pagod. *Pagod na kung kailan, ibig na kitang mahalin, ang puso mo'y itinatago na sa akin.*
0
Oct 23, 2015
Oct 23, 2015 at 8:33 AM UTC
Napapagod Ako