Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"isusukli" poems
Pag-ibig ang naging sanhi Ng mga luhang dala ng sakit At pagkawasak ng pusong Matagal na iningatan, Sa isang iglap ay muling nasaktan. Pag-ibig ang naging dahilan Ng labis na pangamba ng pusong luhaan Kung kaya't inakalang 'di na magmamahal Ngunit muli ay aking napatunayan Pag-ibig muli ang nagbigay-daan. Pag-ibig, hinanap ko kahit saan Tiwala, ibinigay ngunit hindi man lang nasuklian Hindi mawari kung bakit lagi na lang Ang sabi nila'y pag-ibig ang sagot sa pusong nalulumbay Pero bakit di masumpungan, ano ba ang aking taglay? Pag-ibig na hindi ko naisip na darating pa Isang araw ng ika'y aking makilala Pinilit kong ipinid ang pusong takot na Nagmatigas man ang puso, pero sa hindi inaakala Isip na ang nagpasya na pagbigyan pa Pag-ibig, hindi ko alam na nariyan ka na pala. Alam kong mahirap hulihin ang puso Lalo pa't ito'y nababalot na ng galit at takot Ngunit hindi mo pinansin ang lahat ng ito Ipinagpatuloy pa rin dahil mukhang alam na alam mo Na ikaw ay para sa'kin, at ako'y para sa'yo. Natakot akong mahalin ka dahil ilang beses nang lumuha At nangako sa sarili na hindi na ito mauulit pa Ang muli pang masaktan ay 'di na makakaya Ngunit ang sabi mo nga ay ibang iba ka Kung kaya't pinagbigyan ang iyong pusong umaasa. Tinanggap ko ang pag-ibig na iyong inialay Hinayaan kong ang ating mga damdami'y magkapalagay Binuksang muli ang puso kahit alam kong may takot pa Pinili kong papasukin ka dahil aking nakita Sa iyong mga mata ay may pagtingin na kakaiba. Pag-ibig, hindi ko alam kung kailan ako naging handa Pero para sa iyo, nagpasya akong muling maging malaya Mula sa mapait na nakaraan na siyang bumalakid Ngayo'y natagpuan ka, at muli kong nabatid Kung paanong maging masaya sa piling ng isang tunay na umiibig. Salamat, dahil nariyan ka na. Salamat, dahil sinagip mo ang pusong wasak na wasak na. Salamat, dahil muli kong nadama ang tunay na pagmamahal. Salamat, dahil naramdaman kong ako'y mahalaga pa. Salamat, dahil natuklasan kong maaari pa akong lumigaya. Pag-ibig, kaya na kitang ibigay muli Sa isang espesyal na tao na sa aki'y muling nagpangiti Pag-ibig na buo, tapat, wagas at dalisay Isusukli sa pusong nagmamahal sa akin ng tunay Hindi magdadalawang-isip na ibigay ang buong puso Sa taong minahal at tinanggap kung sino ako. Pag-ibig, kaysarap **** madama Lalo pa't ramdam kong ayaw ko nang umibig pa sa iba Natagpuan na ang taong nais kong makasama Hanggang sa pinakahuli kong hininga Na hiram sa Diyos na sa atin ay lumikha. Tayo ang laman ng kwento ng Maykapal Pinagtagpo upang maging patunay na may totoong pagmamahal Pinaranas man sa atin noon ang sakit na dulot ng pag-ibig Ang nakaraan ay hindi na muling manunumbalik Dahil sa isa't isa, pag-ibig lang ang mamumutawi. Pag-ibig, ikaw, ako at ang Diyos Sa atin iikot ang kwento hanggang matapos Sa piling ng Maykapal, kamay ko'y hawakan lang Hindi ako bibitaw hanggang sa dulo ng walang hanggan Sa'yo lang ang pag-ibig ko, sa'yo lang, aking mahal.
0
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 10:17 AM UTC
Pag-ibig

Continue reading...
67
Noong una akala ko ikaw at ako. Yun pala sa huli ay hindi naging tayo. Mahal na mahal kita pero sa pagkakataong ito handa akong bitawaan ka. Handa akong iwan ang lahat para maging masaya ka, Handa akong magpanggap na okay ako! Na okay ang lahat ng meron tayo. Kaibigan ba o ka - ibigan, pumili sa dalawa kung saan nararapat. Patawad kasi sa pagkakataong ito mahal parin kita, Patawad kasi hangang ngayon ikaw parin ang tinitibok nito. Sabi nila pagmahal mo ipaglaban mo bakit di mo ko pinaglaban? Diba ako karapatdapat sayo? Ano ang kulang? May kulang ba ako? Dating ikaw at ako lang ang masaya walang inisip na problema. Dating ikaw at ako lang ang kailangan pero bakit ngayon walang ikaw at ako. May problema ba sating dalawa? May pagkukulang ba kong ginawa? Binigay ko naman lahat sayo, tapos eto lang isusukli mo. Bakit mo ko hiniyaang mahulog sayo? Sino ba sa ating dalawa ang Tanga? Ikaw o Ako? Sabihin mo para may alam ako? Hahayaan mo na lang ba ako? Hahayaang makuha ng iba? O Hahayaan mo na lang akong na masaktan. Dating ikaw at ako lang ang meron noon ngayong ikaw at siya nalang ang pwede, Hindi na tayo pero bakit ako lang ang nasasaktan. Samantalang ikaw naman ang nangiwan sa tulad ko na handang patawarin ka, pero sa huli sinayang na pagmamahal ay nauwi sa walang naging Ikaw at Ako.
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 7:54 AM UTC
Dating Ikaw at Ako
Hahawakan pa ba ang iyong mga kamay Kung sabi nila’y di tayo bagay Hahalik pa ba sa iyong mga labi Kung isusukli mo ay ang mapagpanggap **** ngiti Sarili ko’y di na ipipilit Kung iba naman ang iyong ginigiit Pwede bang magtanong? Kase ako’y nagsasawa na din Nagmumukang-tanga, Nagmumukang gago sa harap ng madaming tao Bawat patak ng ulan, bawat agos ng tubig Hanggang kelan kita’y mahahagkan muli Kahit anong gawing kasalanan Ika’y aking pagbibigyan Huwag ka ng umalis Please, huwag ka lang umalis Sapagkat sa puso ko, Kailan ma’y hindi ka maalis
0
May 14, 2017
May 14, 2017 at 4:21 AM UTC
Rx.