Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"isinambit" poems
Hindi ako marunong tumula Hindi ako marunong tumula Kahit tinuruan ako ng **** ko sa wika Ng tamang pagsulat Ng may tamang sukat Ng may tamang sukat ng salita Ng may tamang salita Hindi ako marunong tumula Dahil iniwasan kong gumawa ng isa Dahil ayoko ng konbensyunal Dahil ayoko ng sukat-sukat Dahil ayoko ng bilang-bilang Dahil ayokong nahihirapan Kung paano ko ipapahayag ang sarili ko Hindi ako marunong tumula Dahil alam kong ang mga makata lamang Ang may kakayanang makapagsulat Silang mga nakapag-aral ng wika Silang mga matagal nang nagsusulat Silang walang sawang nagsusulat ng mga salitang Kasing bango ng mga bulaklak Kasing tingkad ng langit Kasing linaw ng mga tubig sa dagat Kasing sarap ng paglanghap ng sariwang hangin Hindi ako marunong tumula Kahit naririnig ko sa radyo Ang mga kantang binibigkas Ng mabibilis na mga bibig Ng mga magagaling na mang-aawit ng tula Hindi ko inibig ang tumula Dahil alam ko sa aking sarili Na marunong lang akong magsulat ng kung anu-anong kwento sa buhay Mga kwentong binibigyan ko ng buhay Na akala ko sa isip ko lang maninirahan Ngunit dumating ang araw Natulala sa isang bagong kwaderno Blangkong kwaderno Ni hindi ko alam Kung ano ang isusulat Walang maisip ni isa Maliban sa isa Ikaw Ikaw lang ang laman ng isip ko Nakapaglakbay patungo sa unang pahina Ang salitang aking hinahanap Hanggang sa nagtawag siya ng mga kasama Ng ka-tropa Ng ka-barangay Sunod-sunod silang nagsisidatingan Ikaw lang ang laman ng isip ko Ikaw na lagi kong kasa-kasama Ikaw na lagi kong gustong kasama Ikaw lang Pero sunod-sunod ang salitang naisulat ko At nagulat ang nanlalabong mata ko Tula na pala ang naisulat ko At nagsulat ako Nang nagsulat tungkol sa mga ngiti mo Tungkol sa kung paano kita nagustuhan Tungkol sa kung kelan lahat nagsimula lahat ng nararamdaman ko Tungkol sa kung paano ko nilalabanan 'to Tungkol sa pagkagusto na akala ko hindi dapat Dahil magkaiba tayo ng gusto Nagsulat ako nang nagsulat Hanggang naisulat ko na pala Na mahal kita Hindi ako marunong tumula Ayaw kong gumawa noon ng tula Pero dahil sa'yo Marunong na akong gumawa ng tula Gumawa ako ng maraming tula May maikli May mahaba May hindi tapos May walang kwenta lang Halos lahat ay patungkol sa iyo Minsan sa buhay ko Pero sa'yo lang umiikot ang buhay ko Totoo Ang sarap palang gumawa ng tula Akala ko mahirap Akala ko laging may batayan Akala ko laging may sukat Tulad ng itinuro sa akin ng **** ko sa wika Pero hindi pala May iba palang paraan Basta't may emosyon kang nararamdaman Mahalaga na may emosyon tulad ng Malungkot kasi hindi kita nakasama Mahalaga na may emosyon tulad ng Masaya kahit na tinititigan lang kita nakikita ko na mangiyak-ngiyak ka na sa tawa Mahalaga na may emosyon tulad ng Pagkasawi kasi alam kong walang patutunguhan 'tong lahat Katulad mo ako Isinusulat mo kung anong nararamdaman mo Ang nararamdaman **** hindi katulad ng nararamdaman ko Ikaw na siyang nagmamahal ng taong Hindi ka gusto Katulad mo ako na Nagsusulat ng laman ng puso mo Kung pwedeng ako na lang na ang tinutukoy mo Marunong akong gumawa ng tula Ikaw ang may dahilan ng lahat Nasabi ko na sa'yo lahat Hindi pa pala lahat Marunong akong gumawa ng tula Pero hirap na hirap ako ngayon Dahil wala na akong maramdaman Wala na ang pinanghuhugutan Wala na yatang dapat paglaanan Wala na Habang isinisulat ko ito Wala akong emosyon Walang emosyong nararamdaman Sa'yo Tapos na ata ako sa'yo Wala na rin akong masulat para sa'yo Pero marunong akong magsulat ng tula Kaya Maghahanap na lang ulit ako Ng taong paglalaan ng mga salitang Hindi makatotohanan sa pangdinig kapag isinambit Hindi makatototohan habang binabasa ng mga mata At hindi makatotohanang isinulat ng isang hamak na katulad ko Maghahanap ako Ng isang tulad mo Mahaba-haba na ang aking naisulat Napatunayan ko na atang marunong akong magsulat Pero hindi ako marunong tumula.
0
May 29, 2015
May 29, 2015 at 5:50 AM UTC
Hindi ako marunong tumula

Continue reading...
129
Ilang taon na ang nakalipas ng huli kong masilayan ang haplos ng pag-asa. Ang paghangad na makapiling ka, na siyang nabaon lamang sa alikabok ng kahapon. Halintulad sa isang bangungot, ang sakit at pait na kanyang dinulot. Kahit anung pagsusumidhing magising ang gawin, hindi matanggal-tanggal ang sakit at bakas ng pag-asang paulit-ulit na binigo. Sa mataimtim na panalangin, sinubukan kong idaan. Huwag lamang bumitiw sa pangakong dala ng pag-asa. Sa bandang huli, subalit akin ring napagtanto, mga naturing na panalangin, para bang mga salita, na isinambit lamang sa alapaap, hindi dinidinig ng nasa Itaas. Kaya't ako'y sumusuko na. Tama na. Sukdulan na ang pighati ng aking puso na umaapaw sa kirot, na nagdurugo dahil sa ipinagkait na pag-asa. Parang isang pilas na papel, na sinulatan at minarkahan para lamang lukutin, itapon, at nagmistulang balewala -- walang isinulat at hindi sinulatan.
0
Nov 2, 2015
Nov 2, 2015 at 11:50 PM UTC
Ipinagkait na Pag - Asa
Hindi ko nais na ika'y talikuran, sa aking likuran alam 'kong iyong luha'y pumatak. Hindi ko nais na ika'y bitawan sa aking mga kamay, hindi ko sinasadyang ika'y pakawalan sa gitna ng ulan ngunit kamay mo'y nadulas ako'y minalas. Inakalang walang hanggan. pagmamahal sayo'y nawalay. Patawad. Hindi ko nais na ika'y kalimutan, sa lahat ng bagay Ikaw ay gumabay, Hindi ko nais na mawalan ng pag ibig, sa ibang tao ay napaibig. Hindi ko nais na iba ang naisin, at sa araw araw ibang tao ang nasa isip. hindi ko nais na saktan ka noong araw na sinabi 'kong may mahal na 'kong iba. Hindi ko nais na magsinungaling kaya't katotohanan ay isinambit. Walang nagawa ang iyong mga matang singkit, na dati'y nakakapanindig. patawad. Hindi ko nais na Puso ko'y tumibok ulit, at hindi Ikaw ang dahilan kung bakit.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 11:00 AM UTC
Hindi ko nais