Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"isalita" poems
Paano na lamang kaya, katanungang hindi kayang isalita? Naka-lihim na lamang ba sa bawat titik ng tula? Hanggang kailan? Hanggang saan? Katanungan na lamang na idinadaan sa matatalinhagang katha. May sariling himig patungkol sa pag-ibig ngunit bakit nag-dadalawang isip na ipahiwatig mula sa aking bibig? Sa mga sandaling ito, wala pa dalaw ng antok, Narito at nag-papawihatig nang muli ang lantarang pag-hanga. Madalas ipinapakisuyo sa matatalinhagang salita, sa bawat tayutay at saknong na may lantay at tugma. Lakas ng loob nawa'y magpanhik ka nang ako'y wala nang kinikimkim at hinihibik sa langit. Halos umapaw na, baka 'di na yata kayanin pa. Panalangin ko na iyong mamalas, na laging winiwika ko'y pangalan mo magpa-hanggang wakas.
0
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 8:29 PM UTC
Hanggang Wakas
lahat daw ay pantay-pantay sabi ng mga balatkayong nakaupo sa silya ng salapi, ngunit naguguluhan itong batang isipan, lahat pa ba ng ating gawa ay pantay sa mata ng Maykapal. biyayang ipinagkaloob Nya sa atin, biyayang unti-unting nasisira, puso'y lumuluha sa nakikita; ang may sala, yaong Kanyang kawangis. Kanyang 'kawangis' pa ba kung isalita? kung mga gawa na abot langit ang pinagkaiba.
0
Feb 11, 2019
Feb 11, 2019 at 8:43 AM UTC
save the earth