Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ipinilit" poems
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo tatangggapin mo pa ba? Ako? oo. tanga lang eh noh? oh tapos tatawa tawa ka? Kung sabagay… Hindi kita masisissi. Hindi naman ikaw ang minsang lumigaya Sa ibabaw ng alapaap Sa yakap na mahigpit Sa kamay na minsang nakatagpo ng Palad Palad na handang dumamay Palad na handang umakay sa matarik na bundok Binuo ng mga daliring handang takpan Ang minsang mga matang walang humpay na lumuha sa pait na Dulot ng mapanghusgag tingin ng mundo hindi.. hindi kita masisisi dahil hindi naman ikaw nag nakadama ng matamis na lasa sa pagbigkas ng mga katagang ikaw.. ikaw lang.. ang mahal ko. Hindi. Hindi mo narinig ang bawat ngiting Ipininta ng bawat tawang ibingay Sa mga simpleng kantang inialay. hindi.. hindi mo nasaksihan nung araw na ipinaglaban nya ang pagmamahalang tanging mahalagang bagay na meron ako at sya noon. Hindi.. hindi mo naramdaman ang lambot ng kasiguraduhang Matutulog kang nakangiti dahil sya ang katabi mo At gigising kang may ngiti pa rin dahil panatag ka Panatag kang sa bisig nya parin nakahimlay. Hindi.. hind kita masisisi Dahil hindi mo ramdam Ang kirot na humiwa dito.. Nung araw na sinabi nyang “Ayokona” Ayokona? Walang eksplenasyon ni walang pasubali Nabura lahat! Natabunan ng mga tanong hanggang sa naging panghihinayang at poot at Sinabi kong tama na Tama ka nga siguro Ayaw mo na.. Lahat yan tinanggap ko, pilit ipinilit sa isipang Wala na. tapos na. ending na. Tapos Isang araw Bigla syang kumatok, sabi “sorry” Tanginamo. Para san pa? Ako pa rin daw.. ako parin daw. Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo tatanggapin mo pa ba? Ako? oo. pero di gaya ng dati hindi na ako tanga.
0
Mar 21, 2016
Mar 21, 2016 at 4:47 AM UTC
UTAK VS. PUSO

Continue reading...
60
Isang taon ang muling lumipas, Di ko na namamalayan ang pagtakbo ng oras, Mahal,bagong taon na! Nais ko lamang itanong—may pag-asa na kaya? Ilang taon na rin akong nag-aantay ng sagot Yung puso mo,ilang taon ko nang inaabot— Ngunit hanggang ngayon,nanatiling mailap Kelan ba babalik sa dati ang lahat? Isa lang naman ang hiling ng pusong nalulumbay Makasama kita habang buhay! Tanda ko pa kung gaano tayo noon kalapit sa isa't-isa Pero nagbago ang lahat ng mahulog ako sayo sinta, Hindi ko sinasadyang mahalin ka— Yan ang tangi kong nasambit Ngunit di mo pinakinggan kahit na aking ipinilit, Lumayo ka't iniwan akong nag-iisa Sa gitna ng kawalan,iniwan **** nagdurusa Kelan ka babalik?Hindi ko na kaya! Pagkat sa bawat araw na magdaraan Lumalalim ang pag-ibig na nararamdaman Kahit na aking pigilan— Mahal,Hindi ko matiis na wala ka! Kahit na ba nasanay na sa pag-iisa Ikaw pa rin ang hanap sa tuwina.. Isang taon akong nagtago ng nararamdaman Ngunit tila habang buhay ang epekto ng iyong nalaman! Ang nais ko lang naman,makapiling ka Kahit na alam kong may mahal kang iba— Oo,ako na yung Tng! Masisisi mo ba ako? Masama bang mahalin ang isang tulad mo? Siguro nga tayo yung matatawag na "pinagtagpo ngunit di itinadhana" Kaya siguro din,dapat na akong magpalaya, Alam kong sa iba ka nakatadahana Nagkamali lang si kupido sa pag-asinta ng kanyang pana Kaya mahal, ang tanging hiling ko bago tuluyang umalis, Maari bang ibalik yung "dating tayo"? Bilang " magkaibigan!"— ano ano na namang iniisip mo! Susubukan kong pigilan ang pusong makulit At patawad mahal,sana'y di ka na galit... :)
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:14 PM UTC
"Mag(-)ka(-)ibigan (TAYO)"

40
Aking minamahal, Alam kong 'di mo kayang mahalin Kahit anong dasal Hindi kita kayang angkinin Ikwekwento ko Ang malubha kong storiya Pusong nagdugo Sa maling tao umaasa Malayo ka man Ika'y palaging hinihintay Ika'y inaabangan Sa tagal, ako na ay sinasaway Nang magkatinginan tayo Sa isang programang mahaba Sige, kinilig ako, oo Ayon ba ay masama? Tahimik na tao Ito ang aking nagustuhan Kahit 'di romantiko Hindi ko na yan inaasahan Ang problemang maliit Ang lutas ay paglayuin tayo Sa edad ipinilit Dahil lang mas bata ako sayo Pero tinanggap ko Na mas matanda ka sa akin Kolehiyo naman siguro, no? Konting hakbang lang mula sa'min Ginaganahan pumasok Lalo na kapag institusyonal Pinipiggil ko ang antok Para lang makita ka, mahal At habang umaasa Nanonood lang sa malayo "Sana tumingin siya Sa direksyon kong malabo" Palaging tumititig Dahil ikaw ng inspirasyon ko Ngunit puso ko'y namitig Nang malaman ika'y ****
0
Jan 21, 2018
Jan 21, 2018 at 1:04 PM UTC
Para Kay TanTan
oras ko na inilaan kay daling nalimutan panahon na isinugal sa pagmamahal na wala palang katiyakan ngayo'y nanagnaghoy na sana'y wag **** iwan oras ko na inilaan mga bagay na kay dali kong binitawan na walang pag alinlangan para mapasaya ka lang huli na nang malaman pinaglaruan mo lang para sana sayo to pero ang dali **** tumalikod naglakbay ka sa kabilang daan at bigla na lang naglaho na parang bula hindi man lang nagbabala sana nagpasabi ka nang ako mismo naghatid sayo hindi na sana ako nagbigay ng labis ngayon ako'y naghihinagpis sa pag ibig na ipinilit kong ihandog sa taong hindi naman ako ang kailangan sana nagpasabi ka nang mabawasan man lang ang pagtitiis sa panahon na halos buong buhay ko akalain **** kay dali kong ibigay para sayo kung sana man lang umalis ka ng mas maaga nang hindi pa gaano kalalim ang nadarama nang maagapan ko pa ang sugat na ngayo'y hanggang buto tagos sa kaluluwa ang pagdurusa sana matapos na ang araw gusto ko na magpahinga
0
Jan 3, 2020
Jan 3, 2020 at 2:40 PM UTC
Dapit Hapon
Umiiyak sa  bandang huli Nang masagot ang tanging tanong Natinago ng ilang taon Mga nararamdamang itinabi Akala ko magiging okey pagsinabi At ipinagtapat na walang pagaalinlangan Ang nararamdaman ng puso't isipan Ngunit akoy nagkamali Dahil kamiy ipinagtagpo ng mali Sa panahong may ibang nagmamay-ari At nakatali sa mga na unang pangako Nabinitawan sa inakalang mahalaga na tao Kayat itoy nasagot ng masasakit na patak At  naiwan ang pusong wasak Dahil ipinilit na ipinagtapat Ang nararamdaman na higit pa sa sapat na di dapat
0
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 8:18 AM UTC
HIDE
Ako'y kakatok sa pintuan ng Diyos Dala-dala ang mga kasalanang inipon Sa paglalakad Tangan-tangan ang pagsisisi At labis na pangamba Na baka sa bakod pa lamang ng hardin Ay tanaw ko nang sarado ang Pintuan ng Maykapal Ako'y tatangis na parang paslit Sa mga panahong alam kong gawin ang tama Pero ipinilit na mali Ako'y nagsusumamong pakinggan Ang mga panalangin para sa kamag-anak Gabayan sana ang minamahal na nahihimbing Naghihikahos kong ipinagdarasal Ang aking kaluluwa Kasama ng bawat putik at sangsang na nakadikit Bawat pintas at kahambugan Ako sana'y pagbuksan muli ng pinto O Diyos na makapangyarihan
0
Jun 25, 2020
Jun 25, 2020 at 7:39 AM UTC
Munting Samba