Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ipinaparamdam" poems
Ang saya matulog Ang saya managinip Walang problema Hindi masama ang ihip Ang saya matulog Para lang akong nahuhulog Nahuhulog sa ideyang tayo Pero di masasabihing totoo Pagtulog na mag-isa ka Sa panaginip kasama ka Naka-ngiti, Magkahawak ng kamay, Nakatawa. Pagkagising mag-isa ka. Nakahiga sa kama Malungkot, Walang kayakap, Marahil na nagdurusa. Nagdurusa sa ideyang dapat may tayo, Kung hindi lang ako bumitaw sa kung ano ang totoo. Naniwala at nagpaloko Sa mga sinasabi nilang kuro-kuro Minsan gusto ko nalang matulog Kase nakakapagod na mahulog Mahulog sa kalungkutan Mahulog sa kasawian May oras na ayoko nang gumising, Sa tulog kong mahimbing. Dahil alam kong kapag ako'y namulat, Gugustuhin ko ulit sumulat. Sumulat ng aking nararamdaman, Sumulat ng bagay na ipinaparamdam, Sumulat ng mga bagay na di mo nararamdaman At sumulat ng bagay na di ko mararamdaman. Pagkatapos sumulat muli akong mapapagod Mapapagod sa nararamdaman Mapapagod sa katangahan Mapapagod sa kabiguan Pagdating ng gabi ako'y hindi makakatulog Dahil sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan Pagdating ng alas dos ako'y makakatulog Dahil malinaw na ito'y isang katangahan Sa susunod na pagtulog Sana hindi na ikaw ang laman Ng panaginip At Laman ng puso't isip Dahil masaya matulog Ang saya managinip Walang problema Hindi masama ang ihip
0
Oct 4, 2016
Oct 4, 2016 at 8:34 AM UTC
Tulog.
Tama na! Tama na ang mga pagtangis. Tama na ang mga pagdurusang nararamdaman ng aking puso. Tama na ang mga pasakit na pinapasan ko sa mahabang panahon. Tama na ang mga luhang palagi na lamang pumapatak sa tuwing naiisip kong wala akong kuwenta! Hanggang kailan ba ako dapat na aasa sa wala kung hindi naman akong kayang mahalin ng taong mahal ko dahil ako ay iba? Bakit ko ipagpipilitang isiksik ang sarili ko kung sa simula't sapul ay hindi nila ako maintindihan? Dalawang beses lang ako nagkamali at sa mga pagkakamaling iyon ay humingi ako ng kapatawaran pero bakit tila hindi ako pinakinggan? Nasaan ang kalayaan kong ako ay dapat na pakinggan sa mga isiniwalat kong pawang katotohanan lamang? Anong pruweba ba ang dapat kong ipakita upang mapagtanto nilang karapat-dapat din akong mahalin, at bigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili kong hindi ako ang taong inakala nilang katulad ng taong kinamumuhian nila ng mahabang panahon? Pera lamang ba ang kailangang maging dahilan upang mapansin ang kahilingan kong matagal kong inasam na makamit ito? Tao pa ba ang tingin nila sa akin o bagay na kapag nakuha na ang gusto ay itatapon nalang nang walang pasubali at hindi na kayang balikan o kamustahin? Hindi ako nagmamalimos ng pag--ibig mula sa kanila! Ang gusto ko lamang ay tanggapin ako sa kung sino ako at kung ano ang nakaraan ko. Sana ay bigyan naman nila ako ng puwang sa kanilang puso pagkat ako ay sabik na sabik na sila ay mahagkan nang mahigpit. Kung buhay pa sana ang ilaw ng aming tahanan ay hindi niya pahihintulutang magkakaganito ako. Tama na! Tama na ang mga baluktot na katwiran! Tama na ang mga salitang iyong binibitawang Hindi sumasang-ayon sa nilalaman ng iyong puso at sa sinasabi ng iyong isipan. Ikaw na nagmamahal pa, magmamahal pa ba, Kung kaliwa't kanan ng ipinaparamdam sa iyo na hindi ka nararapat maging bahagi ng mga puso nila? Ikaw na nagmamahal pa, magpapatuloy ka pa rin ba kung tahasan ka nang itinataboy sa pintuan ng kani-kanilang damdamin at isipan? Saan ka nga ba nagkamali? Ang mahalin sila nang buong puso, tapat, at totoo? O ang umasa ka sa mga mabulaklakin nilang mga salita Na kasinungalingan lang pala ang lahat at hindi ikaw ang nais nilang makasama?
0
Feb 11, 2018
Feb 11, 2018 at 4:21 PM UTC
Tiwala at Pagmamahal (A reverese poetry)

Continue reading...
29
Muli na naman akong nagsakripisyo para sa mga taong minahal at mahal ko. Muli na naman akong nagpakabobo para lang matugunan ang mga pangangailangan nilang hindi ko alam kong ito ay totoo. Muli ko na naman naramdaman ang sakit kahit alam kong pansamantala lang itong didikit. Muli na naman akong masasaktan kahit alam kong ito ay paulit-ulit na lang na dumaraan. Sana lang huwag bumitaw ang puso ko sa pait ng katotohanang ako lang naman ang nagmamahal. Sana lang panindigan ng puso ko ang maniwala sa katotohanang totoo ang kanilang ipinaparamdam. Dahil... Kung ang kirot at sakit na aking nararamdaman ang siyang tunay na dahilan kung bakit patuloy sa pagdaloy ang dugo sa aking puso at buong katawan, Itutuloy ko na lamang kahit na habambuhay ko pang ito ay pagsisihan. Pagkat ang mahalaga sa akin ay hindi kayamanan kundi ang tunay na kahulugan ng pagmamahal dito sa aking kaibuturan.
0
Sep 29, 2018
Sep 29, 2018 at 2:41 AM UTC
Muli
Siya, na mahal na mahal ka, Siya, na laging nandyan t'wing kailangan mo siya.. Siya, na lagi kang pinapatawa t'wing malungkot ka. Siya, na mabilis mag reply sayo sa chat at text pag boring ka. Siya, na gusto ka ! Pero ikaw, ang gusto mo ay iba. Hanggang ganito na lang ba? Hanggang kelan ka magiging manhid sa ipinapakita at ipinaparamdam niya? Hanggang sa bandang huli maisip **** mahal mo rin pala siya.  Samantalang siya napagod na at minamahal na ng iba.
0
Apr 17, 2018
Apr 17, 2018 at 5:17 AM UTC
Siya By Chris Forteza Mortel