Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ipinapakita" poems
Ika'y dyosa saking mga mata, Kakayahan mo, sayo'y nagpapaganda, Sayo ako'y biglang nahalina, Naging inspirasyon, tinitingala. Ika'y aking hinahangaan, Lalong lalo na sa iyong larangan, Sa bawat laro, inaabangan, Hindi kumukurap sa iyong paglaban. Ika'y tahimik na kumukinang, Ipinapakita ang mga kakayahang nilinang, Pinagaling ng mga pinagdaanan, Pinagdaanang tagumpay at mga kabiguan. Di ko inaasahang ito'y huli mo na, Mga luha'y parang tutulo sa'king mga mata, Hindi ko matanggap na ika'y lilisan na, Hahayo at di ko na muling makikita. Ngunit wala akong magagawa dahil ito'y desisyon mo, Iyan ay buhay mo na di ko naman kargo, Ngunit aabangan ko ang maaari **** pagbabalik, Ang pagbabalik ng bayani kong sa bawat laro'y puso ko'y pinapasabik.
0
May 14, 2017
May 14, 2017 at 5:58 AM UTC
Paalam na
Mayroon akong kwento, Sana ay mabasa ninyo. Tungkol sa isang bobo, Na minahal ang matalino. Makurba ang katawan ni Matalino. Mapungay naman ang mata ni Bobo. Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo. Kamalditahan naman ang kay Matalino. Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa. Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino. Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao. Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya. Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo. Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw. Gusto niyang mahalin siya ni Matalino. Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw. Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon, Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit. Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon, Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit. Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan. Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan. Abot na niya ang langit sa kanyang harapan, Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
0
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:34 AM UTC
Si Bobo at Matalino
Bathala nga’y di nanghushusga Sa kawangis na nag – iba Mula ulo hanggang paa Lahat ginawa at pinagawa Matupad lamang ang sigaw ng diwa Nagsilabasan matatalas na dila Upang bigyan kami ng kakaibang mukha Bahagharing sa aming makikita Ito’y naging makulilim na sigwa Kami’y ginagawa nilang nakakatawa Kahit sakit na ang nagdudulot sa’ming sigla Mapagbigyan lamang ang kanilang tawa Ngunit ang kagustohang sinta Ay iyong ikinasasam’t pinagdadamut pa Nais lang naman pag – ibig at pag – aaruga Tanggap naming na walang magmamahal sa’min ng tama Wag lang ikumpara sa masahol na hayop sa gubat makikita Pantay na pagtingin kailan kaya ninyo ipapadama Ganito nga ba talaga ang gusto ni Bathala? Mababang tingin saaming ipinapakita Baluktot na paniniwala mayroon sila Siradong utak ay pagbuksan na sana Nang pagkakapantay ay Makita Ako at ikaw ay hinumal ng kamay ni Bathala Na walang pag-aalinlangang kasama
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 10:57 AM UTC
ASAL HAYOP
Binubuhay ng pag-iisa ang iba't ibang pakiramdam. Nalalaman mo na may mga bagay na 'di mo kayang gawin nang ikaw lang. Nailalabas ang kalungkutang ikaw lang ang nakakaalam. Nailuluha ang pighati na sa sarili mo lamang ipinapakita. Lumalakas ang pag-iyak na mumunting hikbi lang sa tuwing may kasama. Nauunawan mo na minsan kailangan mo lang din mapag-isa. Nagagawa **** maging matapang - Na kahit hindi mo kaya ay iyong sinusubukan. Nagagawa **** pasayahin ang iyong sarili. Hindi mo na kailangan pang magpanggap na hindi ka sawi. Dumadagsa ang mga kaisipan na sa pag-iisa mo lamang namamalayan. Ngunit sa lahat ng iyan, Napagtatanto mo na ang pinakamasakit na pag-iisa ay iyong may kasama ka. Wala naman kasing pagkakaiba 'yong pag-iisa na ikaw lang Sa pakikisama mo sa karamihan O sa tuwing napaliligiran ka ng tinatawag **** kaibigan. Pareho lang ang ibinibigay nilang pakiramdam. Pareho lang ang inuukit sa iyong isipan Na mag-isa ka - Kahit ikaw lang o kahit na mayroong kasama. © Tres
0
Jun 16, 2020
Jun 16, 2020 at 4:38 AM UTC
Sa Pag-iisa
Nadudual, nahihilo, walang gana kumain, walang gana gumalaw at gumawa ng pagbabago May motibo pero mabilis ding sumusuko nilalamig, nanginginig, nakatulala, kumukulo na ang sikmura Ibang-iba sa panlabas na anyong ipinapakita katahimikan, kasiyahan, kalituhan, sigaw ng pusong uhaw makakamit kaya lahat bago pumanaw? ika-29 ng Oktubre Nakaligtaan ang lihim na pagkakamali may oras pa bago maputulan ng tubig
0
Nov 29, 2022
Nov 29, 2022 at 10:00 PM UTC
Luha ng Ligaw na Kaluluwang Kailanma'y 'di Makikita (Filipino)
Sa susunod kong iibigin Hindi ko nais ng mga larawan Nakasabit sa mundo upang maarawan Dahil hindi ito isang bulaklak sa halamanan Tubig ang kailangan ng mga bakawan At ang kuwadro ng bulalakaw ay sa kalangitan Hindi ko nais ng mga larawan Hindi mapurol ang lente ng aking mga mata Upang palitan ang pagsulyap ko sa'yo ng isang shot ng camera Nais kong tingnan ang mga labi mo't makita Ang kurba nito't pula, Taingang nag-iinit kung bibiruin kamo kita Sa tuwing sasabihin kong ikaw ay maganda Hindi ko nais malaman nila Hindi sa inaangkin kong akin ka Dahil ikaw ay sa mga tala, kailanma'y hindi ko pag-aari ka Hindi ko nais malaman nila Dahil ang nasa labas ay madalas ipinapakita lamang ay maganda At ang larawan kung minsan ay imahe ng hindi totoo Ng saglit na pagtipa kung 'aayon ba sila dito?' Maikling pagtatagpong hindi itinadhana Hindi ko nais na sa loob ng kwadrong ito ka maalala May kwento ang bawat larawan At madalas sa mga ito ay pulos pighati lamang Hindi ko nais na umayon sa lipunan at kung ano ang kanyang idinidikta Hindi ko nais dumating ang araw na tatanungin kita kung totoo ka ba
0
Jun 14, 2017
Jun 14, 2017 at 5:45 AM UTC
Potograpiya
Meron akong nakilalang babae Kung saan ay hindi ko na ipagsasabi Siya ay hindi maipagkailang kakaiba Walang ibang pwedeng ihalintulad sa kanya Kung sino ka man sa likod ng ipinapakita **** imahe Yan sa ngayon ay hindi na importante Marinig ko lang ang boses mo na kay tining Na nagpapaganda nang tulog ko hanggang sa muling paggising Kung dumating man ang araw na ikaw na ay magpapakilala Sinisigurado kong ika'y bibigyang halaga Sa pagtingin ko ay walang magbabago Kasi pagkatao mo naman ang aking ginusto Kaya ikaw ay huwag matakot Ako'y hindi gagawa ng dahilan para ikaw ay maging malungkot Kasi ang tanging gusto ay lumigaya ka Lalo na kapag ako ang may likha
0
Jan 22, 2021
Jan 22, 2021 at 6:42 PM UTC
Estranghera
Siya, na mahal na mahal ka, Siya, na laging nandyan t'wing kailangan mo siya.. Siya, na lagi kang pinapatawa t'wing malungkot ka. Siya, na mabilis mag reply sayo sa chat at text pag boring ka. Siya, na gusto ka ! Pero ikaw, ang gusto mo ay iba. Hanggang ganito na lang ba? Hanggang kelan ka magiging manhid sa ipinapakita at ipinaparamdam niya? Hanggang sa bandang huli maisip **** mahal mo rin pala siya.  Samantalang siya napagod na at minamahal na ng iba.
0
Apr 17, 2018
Apr 17, 2018 at 5:17 AM UTC
Siya By Chris Forteza Mortel