Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Taltoy Apr 2017
Aking damdamin, aking hinaing,
Dahil sa mga saloobin, mga hiling,
Bilang isang batang walang muwang,
Sa mga bagay na sa paningi'y hunghang.

Nilalaman ng aking mga tula,
Mga dinaramdam sa buhay kong payapa,
Buhay kung saan ako naging malaya,
Buhay kung saan ako ngumiti at lumuha.

Ang mga tula kong ito,
Sumasalamin sa damdamin ko,
Kaligayahan man o panibugho,
O mga nararamdaman lamang nitong puso.

Pagkat di ako sanay sa malayang taludturan,
Piniling may tugma ang hulihan,
Tugmang nagkukubli sa buong ng kwento,
Linimitahan ang mga salitang ginamit ko.

Mas gugustuhin kong itula na lamang,
'tong mga nais sabihing nakakahadlang,
Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya,
Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila.

Dito, puso ang pinapairal,
Paggamit ng utak matumal,
Dahil ito ang pinto ng puso ko,
Bintana ng damdamin ko,

Dito ko nalang linalabas ang gusto kong sabihin sa'yo,
Dito ko nalang linalabas pati mga pangarap ko,
Lahat ng gustong makamit at gustong maabot,
Dahil ang katotohanan, dito ko nililimot.

Ito ang mundo ko ng imahinasyon,
Salungat sa pananaw kong sa realidad sumasang-ayon,
Iniisip ang lahat ng maaaring mangyari,
Kahit na sa paningin ko, imposible.

Ito ang aking naging takbuhan,
Takbuhan sa mga panahon ng kalungkutan,
Kasama sa panahon ng kaligayahan,
At sandigan kung ako'y nag-iisa't iniwan.

Ako'y nasanay mag-isa kasama sya,
Sa lahat ng oras na walang makakasama,
Sa lahat ng oras na walang makausap na iba,
Kaming dalawa, nagbigay buhay sa isang makata.

Akin ang ideya, kanya ang paraan,
Ako'y napalapit na, kinahiligan,
Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan,
Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan.

Ito ang isa sa aking mga katauhan,
Makatang pagsusulat ay naging takbuhan,
Pagsusulat ang ginawang libangan,
Sa tula buhay ay ipinaloob, pati katapatan.
ginawa noon, ipinakita ngayon
LOVE Apr 2018
Sa aking pagising naalalang alala ka nalang pala.
Di ko inakalang lahat ng mga iyon ay mapupunta sa wala.
Na parang walang pakialam at binalewala.
Sakit ang nadarama sa iyong pagkawala.
At ngayo'y idadaan ang sakit sa isang malayang tula.

Mas gugustuhin kong itula na lamang,
'tong mga nais sabihing nakakahadlang,
Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya,
Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila.
Dahil sa takot na nadarama nitong puso kong maduwag.

Natatakot ako sa sarili ko.
Natatakot ako sa iyo mismo.
Natatakot ako sa pag-ibig ko.
Natatakot ako sa paglisan mo.

Natatakot ako kasi hindi ito tama.
Natatakot ako kasi tayo ay di tugma.
Natatakot ako kasi, "Bakit nga ba?"
Natatakot na lang ako bigla-bigla.

Oo sasabihin ko nalang takot akong iwan mo ako.
Kasi sa iyo ko lang nararamdaman ang importansya ko.
At ngayo'y sa paglisan mo'y nararamdaman ko ulit.
Ang pakiramdam kong noo'y piit.

Ako'y nasanay na kasama ka,
Sa lahat ng oras na walang makakasama,
Sa lahat ng oras na walang makausap na iba,
Tayong dalawa, nagbigay buhay sa isang makata.

Akin ang ideya, sayo ang paraan,
Ako'y napalapit na, kinahiligan,
Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan,
Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan.

Ito ang isa sa aking mga katauhan,
Makatang pagsusulat ay naging takbuhan,
Pagsusulat ang ginawang libangan,
Sa tula buhay ay ipinaloob, pati kasakitan.
Tula para sa mga taong takot iwan. Na ang tanging hiling ay makasama lamang ang taong mahal nila.

— The End —