Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ipinagpalit" poems
Hanggang kailan kaya merong "tayo" Di ko maalis ang takot sa isip ko Na isang araw ang "tayo" ay maging "ako" Takot na ako'y iyong iwan Baka puso mo ako'y kalimutan Kasi nangyari na yan minsan Nananatili pa rin ang pangamba Na muli magkaroon ka ng iba Sa nararamdaman kong ito Di mo naman ako masisisi diba? Kasi minsan mo na akong ipinagpalit Pag-ibig na naging mapait At nagdulot ng labis na sakit Kaya hanggang ngayon takot pa rin ako Na matapos ang ating tayo At mapalitan ng isang kayo
0
Nov 15, 2015
Nov 15, 2015 at 10:35 AM UTC
Hanggang Kailan Kaya? (TAGALOG)
*Puso'y tumibok, Hindi hinimok. Kusang sumibol, Hindi naghabol. Naramdaman ang pintig, Binuhay ang pag-ibig. Nagmahal ng buong puso, Umibig ng totoo. Ngunit.. Hindi sinuklian. Hindi ipinaglaban. Ipinagpalit sa iba, Iniwang mag-isa. Luhaan ang mata, Damdami'y nagdusa. Piniga't sinaktan, Nawalang saysay ang ipinaglaban. Kaya... Nagmukmok sa kuwarto, Nagkulong, nagtago. Sarili'y inilayo, Nanlumo, tuliro. Tulala't mga mata'y mugto, Hindi kinakausap ibang tao. Nabaliw, nagpakatanga. Nagmahal na nga lang, nasaktan pa. Subalit.. Buhay mo'y mahalaga. Pamilya mo'y naririyan pa. Sarili mo'y nilikha, Nang isang Diyos na mapagpala. Maging matatag ka, Kalimutan ang sakit at magsimula. Matuto ka, Magbalik loob sa Kanya...*
0
Oct 16, 2015
Oct 16, 2015 at 12:01 PM UTC
Nagmahal, Nasaktan, Nabaliw, Natuto
Ilang buwan na pala Simula nung nawala ka Di rin nagtagal diba? Kase naman, ako lang yung nagseryoso sa ating dalawa May mga oras nga na naaalala kita Pero minsan gusto ko na lang kalimutan ka Ayoko na kasing mamroblema pa Sa dinami-rami ba naman ng iniisip ko, dadagdag ka pa ba? Alam kong ako ang sinisisi mo Kung bakit humantong tayo sa ganito Eh kase naman kung di ka lang sana nag gago, Edi sana sayo parin ako Kaya't wala kang maisusumbat Dahil una sa lahat, hindi ka naging tapat Kung nakukulangan ka sa inakala kong sapat, Sana sinabi mo kaagad, hindi yung ipinagpalit mo ako sa isang babaeng flat Oo ganito lang ako, Mataba, panget, sige sabihin mo lahat ng kapintasan ko Pero hindi ako bobo Para magpaka martir sa isang kagaya mo Pasensya na kung nasaktan kita sa mga nasabi ko SORRY, pero gago mas nasaktan mo ako! Hanggang ngayon nandito parin ang mga markang iniwan mo Dito, nandito sa sugatan kong puso Nag Flashback lahat ng ala-ala, Nung nakita ulita kita kanina Grabe masaya kana pala talaga Kaya di na kita guguluhin pa Mukhang may kasama ka nanamang bago Ano yan bagong malalandi mo? Naghaharutan pa sa daan itong dalawang to Sakit nyo sa mata, sarap nyong isako! Kaya sinasabi ko sainyo Na hindi porke gwapo ay agad mo ng sasagutin ng OO Dahil sa una lang yan seryoso Sige ka, bandang huli ikaw rin ang talo Ayon! SKL sainyo
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 11:25 AM UTC
WAG NA AKO
Malagim ang karanasan ng batang musmos na iniwan ng pagmamahal ng kanyang mga magulang, Mga Magulang na inisip ang sariling kapakanan,Nagmahalan,nagkasakitan humanap ng iba iniwan ang bunga na sanhi ng pagkasira ng buhay ng kabataan, Kelan ba matututong magmahal ng isa ang isang nilalang? Habang buhay bang may masisirang pamilya na nagdudulot ng kalungkutan sa ating pamayanan , Pilit parin bang hahanap ng kaligayan na sisira sa kasiyahan ng sarili **** anak , " Ipinagpalit mo lang ang inaalagaan kong tiwala sa isang nilalang na kung tawagin ay hampaslupa ".
0
Nov 18, 2017
Nov 18, 2017 at 4:41 PM UTC
Pa-mil-ya
ang mga larawan **** aking paboritong pagmasdan ang mga ngiti **** umaabot sa buwan ang sakit isipin na hindi pala ako ang dahilan ng mga ngiti sa labi **** kay sarap halikan puso't isip ko'y nagtatalo ako ba'y kakapit pa sa mga binitawan **** pangako hindi ko alam saan ako nagkulang, mahal ko ipinagpalit mo ako nang panandalian para sa ibang tao ngunit hindi ko alam paano ko nagagawa ang patawarin ka kahit ako'y lumuluha bawat umaga'y unti unting nanghihina bawat gabi'y unti unting hindi makahinga gustuhin ko man kumapit para sa ating dalawa ngunit oras na para ako'y magpaalam na huwag ka na mag-alala malalampasan ko rin ito at kakayanin ko rin mag-isa hinihiling ko'y maging malaya ka at masaya sa huling linya na ito paalam na, aking sinta.
0
Nov 25, 2018
Nov 25, 2018 at 10:03 PM UTC
isa, dalawa, tatlo, bitaw.
Sabi mo, walang magbabago Pero ngayon, halos hindi na kita makilala Hindi mo lang ako basta isinabay sa iba Ipinagpalit mo pa ako Hanggang sa tuluyan mo na akong kinalimutan Sabi mo, walang magbabago Pero ngayon, ibang-iba ka na Minsan, tinatanong ko ang sarili ko Katulad ng pagtanong ni Liza Soberano kay Enrique Gil “Pangit ba ako?” “Kapalit-palit ba ako?” “Am I not enough?” Dati, halos walang makapaghiwalay sa ating dalawa Ang sabi mo pa, “Ikaw lang at wala nang iba pa” Ako mismo ang naging kaagapay mo sa pagkilala mo sa kanila Pero bakit ako mismo ngayon ang nawalan ng halaga? Bakit ako mismo ngayon ang hindi mo na binibigyang pansin? Nagpaka-layo-layo ka’t ibinaon ako sa limot Ibinaon mo ako sa kahapon Kung saan kasama ko ang mga iba mo pang itinapon Pero tama na Tama na ang pagiging Liza Soberano Hindi na kita kukulitin at magtatanong ng isang milyong bakit Hindi rin ako magiging si Piolo Pascual Na hihingi ng explanation at acceptable reason At lalong hindi rin ako magiging si Bea Alonzo Na hihilingin na “sana ako na lang ulit” Dahil tanggap ko na Hindi ko na hihingin pang ako lang ang piliin mo Magpaparaya ako’t papayag na isabay mo sa iba Isa lang ang hihilingin ko Na sana ‘wag mo akong tuluyang kalimutan Na sana ‘wag mo hayaang tuluyan akong mawala sa buhay mo Dahil gaano man kahabang panahon ang lumipas At gaano man karami ang nagbago sa pagitan nating dalawa Ako pa rin ang tunay na laging andito para sa’yo Ako pa rin ang Wikang Filipino na kahit nagbago man, ay nandito pa rin at nananatili para sa’yo
0
May 8, 2018
May 8, 2018 at 10:34 PM UTC
Sabi Mo, "Walang magbabago"

Continue reading...
37
Isang magandang relasyon, Gawa sa purong ilusyon, Sa mundo ng makabagong henerasyon, Bat hindi totohanin ang ilusyon? Pagmamahal na huwad, Ako'y naloko agad, Dahil ika'y lubos na hinahangad, Bat ganyan ang iyong personalidad? Ika'y minahal ng sobra, Sukli ay pagmamahal na basura, Ako'y nakikipaglaban sa gera, At ika'y na sa isang sulok nagbibilang ng pera. Pambihirang pag-ibig yan, Pag-ibig na kalokohan, Ako'y nahihiya dahil ako'y ipinagpalit sa kayamanan, Kaya't ika'y kinasusuklaman.
0
Oct 14, 2018
Oct 14, 2018 at 12:06 AM UTC
Ilusyon
(Orig.Spoken Word By: Quencie D.R) Nagmahal lang naman sila.. Nagmahal ng totoo.. Nagmahal ng sobra.. Nasaktan. Nagmahal. Patuloy na nagmahal.. Pinaglaban ang pagmamahal na yon. Lumalaban pa din kahit wala ng dapat ipaglaban. Nasaktan. Iniwan. At Ipinagpalit. Kaya wag kayong mainis sa mga taong bitter dahil wala naman silang kasalanan sa inyo.. As long na hindi naman nila tinatapakan ang pagkatao nyo.. Hindi naman nila kasalanan ang maging bitter sila.. Dahil nagmahal lang sila ng totoo at sobra!! Sobrang pagmamahal na nasayang lang.. Sobrang pagmamahal na konti o tipong wala ng natira para sa sarili nila.
0
Apr 20, 2019
Apr 20, 2019 at 12:12 PM UTC
Sa mga taong naging bitter at bitter pa din..
Nagsimula sa ikaw at ako Kasabay ng pangarap kong binuo Ang pag-ibig na akala koy totoo Nagtapos sa wala palang tayo Masakit ang mga nakapihit Pusong nakadama ng sakit Kaya't hindi na pinilit Upang makalaya ng kahit Makaalis sa mundong mapait Dahil marami nang sinapit Ang dating tamis ay ipinagpalit At sa kasungalingan ikinapit Naniwala sa salitang oo Habang isa sa atin ay lumalayo Kaya't relasyon di' na makatayo Kaya't nauwi sa wala na tayo
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 10:29 AM UTC
TAYO