Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ipapanalangin" poems
Muling hahanapin ang ningning ng bituin At ipapanalangin sa langit Na sana'y may gintong rosas Sa likod ng kulimlim At may katiwasayan sa alapaap Para doon humimpil Ang mga pagod na bagwis, Ang hangarin na pinagbubuntunan ng pag asa Nanaisin na mamahinga sa disyerto Kaysa lumanghap ng samyo Ng mga dawag Sa paraiso sa ibabaw ng lupa Kung may araw na sisikat Sa silangang kong mahal Kapag nang aakit na ang yaong liwanag Tatalikod at magtatago Sapagkat madaling mabulag sa kanyang kasikatan, Mahumaling sa kanyang kariktan Maglulumbay din sa wakas Kung saan ililihim ang kapanglawan At titiisin ang kahapdian Kung mabanayad na ang pakiramdam Ay dadalawin naman ng kahapisan Talastas ng mga mata Ang anyong nakikita Ngunit di matatarok Parang ang kati ng lawang malinaw Susuungin ang daloy ng ilog O magpatangay sa alon Ang buhay na pinag iingat ingatan Ay nililisan ng katatagan Kaya ang bawat pag ngiti May luhang sinusukli Ang kaginhawaan may pawis na pinupuhunan Sinasagap ng paningin At ng nasa ang pagpahinuhod ng Sandali Sa kapalaran na pinaglilikatan ng mabuting halimuyak Maglalakad na tangan ang lumbay Tungo sa lugar na pinagmulan Sa alabok babalik Ang hiningahang buhay Di na lilingon at mag alalala Sana'y di na mabubuwal sa pag alis Sa maluwalhating pagsalubong ng hangin Mananahan sa likod ng mga ulap
0
Aug 17, 2019
Aug 17, 2019 at 7:29 PM UTC
Sa Likod ng mga Ulap
Kung magiging tayo? Oo, ipagmamalaki ko Na ikaw ang unang tao Na minahal ko. At ipapanalangin ko, Na kahit ano mang mangyari sa mundo Ikaw na din sana ang huli ko. Pag dumating man ang panahon na tayo'y susubukin, Kasakitan,kalumbayan, kabiguan man tayo'y dadalawin, Aking pangako na kahit kailan di ako bibitiw Basta't ipangako mo din na pagibig mo saki'y di magmamaliw.
0
Jan 8, 2016
Jan 8, 2016 at 10:50 AM UTC
Una't huli
Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw, sasambitin ko sa kan'ya na alam mo ba, ikay isang batang maraming talento. Mapapahanga sa'yo ang mga tao nang dahil sa pag-kanta mo. Hahanap-hanapin nila boses na napakaganda, mistulang anghel ang umaawit kapag narinig na. Lahat ng kanilang mata'y sa'yo titig kapag inumpisahang umawit, 'di sila kukurap kahit saglit. Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw, papayuhan ko s'ya na marami kang makikilala kaibigan man at kaaway, mayroong mananatili at aaalis, may mamaalam at 'di na muling babalik. May makikilala ka na isang pag-ibig, mamahalin ka niya. Gabi't araw ka niyang ipapanalangin na sana maayos kalagayan mo. Siya sa'yo mag-aalala kung kumain kana ba o may sakit ka. Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw, Ipapaalam ko sa kan'ya na kay raming paghihirap ang dinaranas mo, pero sa kabila nito ay hindi ka sumusuko, parati mo kinayakayanang lampasan. Isa kang napakatatag na babae na hindi agad aatras sa ano mang pag-subok sa harap, parati kang nag-papatuloy na may bitbit na ngiti sa mukha na hindi basta-basta mabubura. Kung makakausap ko man ang batang ikaw, babanggitin ko sa kan'ya na huwag kang mag-alala ang hinaharap mo ay nasa maayos na kalagayan. Kasama n'ya iyong pamiya at minamahal siya. Huwag kang mag-alala sa kinabukasan, pag-tuunan mo ng pansin ang kasalukuyan, sulitin mo ang bawat araw para maging masaya, dahil ang kinabakusan ay malayo pa ang kasalukuyan ay nasa harap na.
0
Dec 28, 2020
Dec 28, 2020 at 8:26 AM UTC
"Natatangi Ka"