Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ipahinga" poems
Ano na gagawin natin? Pagod kana ba? Mag papahinga ba muna tayo? O pag-ibig ang magiging pahingahan natin? Apat na natatanging sagot na hindi ko masagot. Ngunit kailangan ko. "Gusto mo na ba mag pahinga?" Aniya. Hindi ako napapagod. Ayoko lang mapagod ng husto. Mahal, hindi ako titigil. Hindi naman kita kakalimutan, Kailangan lang talaga natin mag pahinga. Ipahinga ang mga puso nating kinatatakutan kong mapagod. Ayokong maubos ang pagmamahal ko. Kailangan ko lang muna maging buo. Kailangan bumalik tayo sa dati. Kailangan natin ulit maging bago. Yung gaya ng tayo noon. Walang kahit ano at sino ang nakakapag pa hinto. Hindi na tatakot sumugal. Hindi iniisip ang mangyayari na pano kung ganyan, Na paano kung ganito. Ayokong aalis ako kung kelan wala na. Yung matapon ang dating puno. Maging abo ang dating nag aalab. Mag papahinga lang ako habang mahal padin kita. Mahal, wag ka masanay na wala ako. Wag **** kakalimutan na sayo at saiyo parin uuwi at igagapos ang mga braso. Tanging mga labi mo padin ang hahanapin ko. Babalik ako ng buong buo, Handa na muli sa kahit ano. Babalik ako ng hindi nag babago ang ritmo ng puso. Babalik ako na Ikaw parin ang tanging kanta na aawitin nito. Mag kikita tayong muli. Mag hahawak ng kamay. Ngingiti at tatawa. Mahal, ayoko lang mapagod kung kailan malapit na tayo sa dulo. Ayokong masayang ang lahat. Ayokong mawala ang Ikaw at ako. Babalik tayo. Kasi ayun ang mangayayari. Naka tadhana na iyon. Tayo naman lagi. Tayo lang palagi.
0
Sep 8, 2016
Sep 8, 2016 at 10:01 PM UTC
Trahedya ng Tayo
Ubos na ang mga panahong hindi kailangan magmadali Yung pagising sa umaga na hindi na kailangan ng nagwawalang awtomatikong orasan Sa kakamadali ay nalilimutan nating magsoot ng pambahay na tsinelas pagbangon sa kama, Maging ang pagharap sa salamin at pagbati ng "magandang umaga" ay lipas na Ang mga pandesal at almusal na dati'y pinagsasaluhan sa lamesa, ngayo'y sa umaandar na sasakyan na inuubos okaya naman minsan ay dumadaan sa isang kainan para doon makakain Kung noon ay sinusulit ang bawat hakbang ng mga lakad at napapansin ang mga bulaklak at dahon sa iyong paligid Nalipasan na ng oras ang dati'y hindi ka tumatakbo at nagkukumahog, pinabilis ang pag-asam ng panahon Kung babalik pa sa kahapon, Lumipas na ang kapeng ilang beses **** hinalo't di na alam kung tunaw na ba ang bawat piraso ng oras kaya't di na napansing lumamig na sa paglipas ng oras At sana, sa bawat pagmamadali at takbong gawin para makarating Huwag mo sanang kalimutan Na oras man ang kaaway, Nakadikit ito sa ala-alang bumuo sa pagkatao natin Muli, ipapa-alala ko na huwag mo sanang kalimutang pwede ka magdahan-dahan Ipahinga mo ang iyong mga paa Dahil ubos na ang panahong hindi tayo nagmamadali Kaya sana, hayaan mo munang mag-isa ang mundo at umupo ka muna sandali Gumising kang hindi gula't sa nagwawalang orasan at isoot ang sapin sa paang sabik nang ihatid ka sa hapag-kainan Timplahin mo ang kapeng mainit at hintaying matunaw ang bawat piraso At doon, malalasahan mo, ang tunay ng sarap ng bawat segundong matagal mo nang hindi napapansing pinapalipas mo
0
Dec 2, 2019
Dec 2, 2019 at 10:22 AM UTC
94

Continue reading...
20
Alam ko namang ito ang magiging kamatayan ko. Alam ko namang may hangganan din itong mayroon tayo. Ang puso kong pasan-pasan ko, at hila hila ko rin pati na ang sa'yo. Ang pagkahulog ko ay akin lamang, ang pagkakadapa ko'y sariling pagkakasala. Ano ang sasabihin ng aking ina, ang luha pag nakita ang duguang mukha? Abutin mo ang aking kamay, at tulungan mo akong tumayo sa aking paa. At ang mukha ko'y punasan mo, ang labi ko'y dampihan mo ng labi mo. Ang aking ikalawang pagkakahulog, alam kong wala nang sasaklolo. At wag kang iiyak sa ngalan ko ang luha mo'y para lamang sa'yo. Ang ikatlong pagkakahulog, ang iyong kapatawaran ay ibigay mo. Aking kasuotan ay tanggalin mo, aking kabayaran ay tanggapin mo. Ang mga braso ko'y pigilan mo, ang mga binti ko ay isunod. Alisin mo ang paghihirap ko sinta, ang paghinga ko'y wakasan na. Alisin ang katawan ko't ilayo sa aking puso, ang isip ko'y isunod mo pagkatapos. At ipahinga mo ang bangkay ko sa tabi mo, hanggang kamatayan sa'yo lang gagapos. At hintayin mo aking muling pagbabalik, sapagkat ang aking ikalawang pagdating  ay ang paraisong di mo pa nararating.
0
Mar 27, 2024
Mar 27, 2024 at 7:04 AM UTC
Estaciones de la Cruz
Panahon na rin siguro, Para ako'y makasiguro. Ipahinga muna ang puso, Habang ako ay natututo. At sa pagsapit ng umaga, Isa lamang ang mahalaga; Na sa pagmulat ng mga mata, Purong ligaya na ang nadarama.
0
Nov 20, 2019
Nov 20, 2019 at 12:31 PM UTC
Walang Pamagat.
Hayaan ipikit ang mata at matulog kana Ako ang magiging anghel dela gwardiya Sa iyong pagtulog hayaan ipahinga ang isip sa pag-alala Ako ang magiging bantay mo sa pagtulog habang tinititigan kita Hayaang mata ay ipahinga at managinip ng masaya Di man ako marunong kumanta upang ihele ka Ako naman ang magbabantay upang ang pagtulog ang mahimbing Habang tulog ka ako ang iyong mandirigmang ipaglalaban ang katahimikan Katahimikan dito sa mundong puro away at sigawan Matulog ka na...
0
Feb 13, 2020
Feb 13, 2020 at 12:51 AM UTC
Ihele