Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
xxx Nov 2018
Kahit hindi naging tayo,
Masaya pa rin ako.
Hindi man para sa sarili ko,
Basta para sayo.

Kahit hindi naging tayo,
Minahal pa rin kita ng totoo.
Minsan mo na rin kasi akong pinasaya,
Minsan ko na rin kasi sayo naramdaman na ako'y mahalaga.

Kahit hindi naging tayo,
Hindi ako nagsisising dumating ka sa buhay ko.
Pagmamahal ko man sayo'y hindi pa nagbabago,
Hindi ko pa rin ipagsisiksikan ang sarili ko.

Kaya kahit hindi naging tayo,
Nandito pa rin ako para sayo.
Oo, sabihin na nating tanga ako,
Pero ganun talaga dahil nagmamahal ako.

— The End —