Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ayin Azores Aug 2018
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya.
Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga.

Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan.
Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta.

Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no?

Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan.

Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas.

Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan.

Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man”

At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala.

At nahanap mo ako.

Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang  ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala.

... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang.


At ngayon, sa unang pagkakataon.
Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
NadPoet Mar 2018
bayan kong mahal sayo'y ibibigay ang aking buhay
ipaglalaban ang aking katwiran at karapatan
ipagsisigawan ang salitang pagkakaisa at kapayapaan
ngunit bakit sa lahat ang may hadlang?
tuluyan na bang nabaon sa nakaraan ang kapatiran?
mas nanaisin ng karamihan ang kaginhawaan para sa sariling kapakanan
ang paggiging  makabayan ay bibitawan nalang kapalit ay maging sa sariling alipin sa bayan
magbibingi bingihan na lamang sa mga maling nasaksihan sa mga taong naka upo sa mataas na upuan
ang mali ang nagiging tama ang tama ay mailap ng makita
anung silbi ng mga pinaglalaban kung ang lahat ayaw makipag laban?
sakim sa sarili at sarili lang ang mahalaga
wala na ang mga bayani patay na!
kailan may walang tunay na kalayaan sa ating bayan
dahil ang lahat ay ang nais lang ang sariling interes at kapakanan
nasayang lang ang watawat na hinabi ng ating mga bayani
hindi pagkakaisa ang nasa ang nasa isipan kundi paano maka isa sa lahat
bayani ba ay isang nalang alamat?
wala na bang mag aangat at magsasabing dapat ipaglaban ang karapatan?
nagiging mahirap ang mahirap at sa pera silay salat
ang mayaman ay nagtataas ng bakuran upang di makita ang tunay na kalagayan
iiyak na lamang ang mga tunay na nagmamahal sa bayan
wala na nga ang tunay na kahulugan ng kapatiran
di na isa ang bawat kulay ng watawat kundi ito'y kulay kung saan ka dapat mabilang
naging pangkat ang kulay, naging simbolo na ng watak watak na paniniwala
di na siguro magiging buo ang kulay ng watawat ang kapayapaan ay di magiging sapat
wala na! hindi na magiging isa ang mga pulo ng bayan
nagiging paligsahan na lang kung sino ang magiging una at tatawanan ang talunan
sa inaakalang laban ng pinaka magaling, di man lang maiisip na pagkakaisa sana
bayan kung magiliw paanu na? di na ba magkakaisa?
o sadyang mailap na talaga ang tinatawag na pagkakaisa.
patulong sa pag ayos ng letra. salamat
031117

Iniibig Kita
Gaya ng panata ko sa Pilipinas
Ipagmamalaki saanmang dako Mo ipasayad
Ang minsang nalulumpo kong pagkatao
Buhat sa minsang ding pagmamataas ko.

Mas ipagsisigawan kong
Ikaw ang kalakasan ko
Ang kalasag sa bawat oras
Na gusto ko nang huminto
Na gusto ko nang sumuko
Na gusto ko nang magpatalo.

Gaya ng aking panata
Sa bansang pinagsilangan ko
Mas paninindigan na Kita
At hindi ko dudungisan ang Ngalan Mo
Pagkat Ikaw ang tanging baluti ko --
Ang panatang alam kong
*Di ko kayang talikuran pa.
Jessa Asha May 2018
Mali na ang ipaglalaban pa kita
Mali na ang mahalin pa kita
Mali na ang ipagsisigawan pa kita
Sa mga bituin,
sa mga alitaptap,
sa buwan,  

Gusto ko sanang ipadama sa hangin
Pero hindi
Tama na.
Dahil alam kong
Akoy di mo na kayang mahalin.
#Tama na hindi na. Kita mahal pa
Taltoy Jul 2018
Ang agwat, ang layo,
Ang distansya mula sayong puso,
Ano ba ang mga kayang hahamakin,
Para sa munting damdamin.

Ipapaalam, ipagsisigawan,
Ilalahad sa kahit anong paraan,
Pabulong man o pasulat,
Buo't walang kulang, walang daglat.

Itinitibok ng puso,
Nahalo na sa dugo,
Mga katagang "mahal kita",
Dumadaloy sa'king sistema.

Utak, may ibang mga kataga,
"Sana ngayo'y kasama kita",
Hinihiling ng bawat selula,
Ang iyong haplos, ang iyong kalinga.
Sinusubukang kalimutan na hinahanap ko ang pakiramdam na kasama ka subalit di ka maalis sa isipan ko sinta :(
eyndinmncnll Aug 2023
Mananatili akong sa’yo hanggang dulo
Kung hindi man maging tayo,
Hanggang sa huli
Kahit ang Panginoon, ang mga tala at buwan sa kalangitan ang saksi;

At hindi ko kailanman maikubli
Kung ano ang nararamdaman ko para sa’yo.

Mananatili akong sa’yo, sa mga oras na kailangan mo ako
Sa mga araw na wala kang masasandalan
Ako ang kanlungan mo
Ang iyong maaasahan

Mananatili sa iyong tabi
Kahit sa mga gabing hindi ka mapakali,
Sa’yo lang ako naging sigurado
Sa’yo lang ako naging kuntento,

Mananatiling sa’yo
Sa’yo hanggang dulo;

Pero hindi payapa ang aking mundo kung wala ka
Mahal, ikaw ang aking pahinga, ang aking payapa,
Sa mga panahong ako ay pagod at gustong mapag-isa
Sa iyong piling, ikaw ang aking tahanan

Ikaw ang aking magpakailanman
Ang aking tahanan
Ang aking masasandalan
Ikaw at ako’y nasa kanluran

Ang iyong mga kamay ang aking gustong hawakan
Ang iyong tinig ang aking gustong marinig
Ikaw ang aking kasiyahan sa mga araw na ako ay nalulumbay;
At ikaw lamang ang aking mamahalin habangbuhay.

Hindi kita papalitan
Hindi kita bibitiwan,
Hindi kita susukuan
Mananatili akong sa’yo,

Hindi kita iiwan
Dahil ikaw ang aking ligaya,
Ikaw lamang ang nag-iisa
Mananatili akong sa’yo.

Huwag kang mag-alala
Hindi ako mawawala;
Sasamahan kita kahit saan man tayo mapunta
Basta’t ikaw ang aking kasama.

Ikaw ang natatangi
Ang kailanman na hindi ko kayang itanggi,
Ikaw at ako’y isinulat sa mga bituin sa kalangitan
At dahil sa ating wagas na pagmamahalan;

Hindi kita ikakahiya
Ipagsisigawan sa buong mundo
Kung gaano kita kamahal sinta
At dahil ang puso ko’y sa’yo.

— The End —