Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"inuunawa" poems
sabi nga nila sa umpisa lang masaya at nag daan na ang umpisang iyon heto na tayo ngayon sa away bati pilit inuunawa ang isa't isang may mali sabi nga nila mag babago din 'yan hindi ko inakala na mangyayari iyan satin pero nandito tayo ngayon nag tataka bakit tila hindi na maintindihan ang isa't isa sabi nga nila mapapagod ka din ang pinakakinakatakutan ko sa lahat at heto na tayo sa pinakakinakatakutan ko tila ika'y unti unti ng napapagod saakin sabi nga nila iiwan ka din niyan mahal, umaasa ako sa mga pangako **** sinambit noon pero kung hindi mo na talaga kaya baka pwede namang kayanin mo pa, parang awa mo na kayanin mo na mapatunayan natin sa lahat na tayo ay hindi lang basta basta kasi tayo ay hindi kabilang doon sa mga sinasabi nila at tayo'y handang sumubok kahit na paulit ulit nalang ang nangyayari na tayo ay muling babalik sa umpisa na laging masaya dahil sobrang mahal natin ang isa't isa baka lang naman pwede mahal ko, baka lang naman..... sana
0
Aug 17, 2016
Aug 17, 2016 at 2:38 PM UTC
umpisa
Patawarin mo sana kung akin pa ring pinagpipilitan, Nagbabakasakaling maibalik pa ang tamis ng ating pagmamahalan, Hindi naman siguro masamang mangarap, Kahit na sintaas pa ito ng mga ulap. Pilit inuunawa, may pagkukulang ba o sadyang nagsawa ka na lang talaga. May mali bang nagawa o may nakahanap ka na ng mas maganda. Mga katanungang gumugulo sa aking isipan. Ninanais na sana ito na'y matuldukan. Hinayaan ang sariling magpakatanga, Umasa na ang nakaraa'y maibabalik pa, Mga alaalang ubod ng saya, Tila ba hindi na masusundan pa. Mga pangakong pilit na pinanghahawakan, Kahit na nagkabuhul-buhol na ang hawakan, Mistulang kamay mo na unti-unting bumibitaw, Pumipiglas kahit na pilit hinahawakan. Matatapos din ang lahat, kailangan lang ng pagtyatyaga. Maglalaho ang pag-asang magkakabalikan pa. Pagmamahalang paglilipasan din ng panahon, Mga mumunting alaala'y tinangay na ng alon.
0
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 10:18 PM UTC
May katapusan din ang lahat
Pilit inuunawa takbo ng tadhana At mga pangyayari na pilit winawari Sa aking mundong ginagalawan Tadhana'y pilit kinakalaban Upang mga pangako'y manatiling buo At hindi kailan man mapapako Ikaw ay aking nakapiling Sa ilang araw na nagdating Saksi ang buwan at bituin sa aking hiling Na sanay hindi dumating Ang araw na ika'y mawala sa aking piling Iyong pangako ay aking panghahawakan Kahit minsan ako'y nasasaktan Sa mga araw na iyong kinukubli Iyong kataohan sa akin Teka teka sino nga ba ako? Ano nga ba ako sayo? Mga nangyayari'y napakagulo Pilit kong inaayos ang lahat At iniiwasan kung sino ang dapat Ngunit bakit parang hindi sapat? Kailan kaya masasagot aking mga katanungan? Na kadahilanan ng aking minsang paglaho Kailan ko kaya makikilala ang iyong buong katauhan? Na kadahilanan ng aking pagiging toliro
0
Jun 2, 2020
Jun 2, 2020 at 12:09 PM UTC
Pag-ibig na magulo