"inilapit" poems
at doo'y inilapit ko sa Diyos
ang lahat ng aking lunos.
doon ay aking natalos,
na tayo ay kanyang lubos!
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 6:09 PM UTC
Gumuhit ng tula at sa bote'y inilagay,
Inilapit sa dagat at sa alon ay isinibay.
Sa langit umasa na iyong matangay,
Itong apat na taludtod na sa'yo ay inalay.
Ako ay humihiling, na sana'y 'yong malaman,
At kahit na bitin, aking panghahawakan,
At aking dadamdamin ka at ipaglalaban,
Alon man ay dumating, ako ang makakapitan.
Bundok ay tatawirin, kahit na masugatan,
Dagat ay lalanguyin, pipilitin kong lumutang
Ikaw lamang ay marating, at aking masilayan
Sa mukha mo'y may ngiting, abot sa kalawakan.
Ikaw ay sasagipin, hindi ka pababayaan.
At kahit na palihim, ako'y maaasahan.
Sa'kin ay tumingin, ikaw ay maniwalang,
Na tuwing dumidilim ang karagatan, ikaw ang s'yang liwanag.
Jul 5, 2020
Jul 5, 2020 at 2:15 PM UTC