Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"iniintindi" poems
Marami ang natutuwa, Ang iba nama'y naluluha. Mayroon namang naiinis pa, At nagbibitaw ng maaanghang na salita. Masisisi mo ba sila? Amoy na amoy ang bulok na sistema. Yaman ng bayan, saan napunta? Aling daan ba ang susundin nila? Nasaan ang pangakong maka-masa? Gagalawin pa ang pera ng iba. Pangulong hindi makasarili, Ilaw ng bansang hindi mapupundi, Layuning hindi naisasantabi, Iniintindi bawat hinaing ng nakararami. Presidenteng may katuturan ang sinasabi, Ipinagtatanggol ang mga naapi, Nagsusumikap na bansa'y maging mabuti, Obligasyon sa mamamayan ang laging pinipili.
0
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:35 PM UTC
Mamamayang Pilipino (Tulang Akrostiko)
Para akong nag babasa ng libro Na hindi ko binasa at inintindi ang pamagat, Nakaka engganyo, nakaka aliw, at nakaka gaan. Napaka raming pahina, Napapa bilis ang pag basa, napapabilis ang panahon At isang pala isipan. Ginugugol ang oras para sa isang libro Pilit inaalala at iniintindi bawat salita Ngunit napaka rami. Napaka raming pala isipan sa bawat letra, Letrang magsisilbing gabay, Gabay para maniwala sa araw araw na pag basa. Pag basa na hindi mo alam, Hindi mo alam kung matatapos, Matatapos ang pag basa hanggang dulo. Na sa dulo, ay baka, Baka sa dulo, doon mo maintindihan Maintindihan, kung ano ang sinasabi ng libro. Librong pinaka iingatan, Pinaka iingatan bawat pahina, Pahina na binubuhay ng araw araw na pag hinga. Hihinga o hihinga? Di ka pwede mamili, Maaaring ituloy ang pag basa para mas makahinga ng malalim. Malalim na malalim, Kasing lalim ng nararamdaman, Nararamdaman kada pag bigkas sa letra. Letrang I, Sa letrang Ikaw, Ikaw ang libro at pahina na bumubuo sa araw ko. Ang I na sa ingles na nag sasabing Mahal kita Ang I na nag sasabing "Iniibig kita!" Itong mga letrang to ang gabay, Gabay sa librong napaka raming pahina Ngunit hindi pa rin maintindihan. Hindi ko pa rin maintindihan Hindi maintindihan kung sa dulo ba ng pahina na ang I, Ay "IWAN" Hindi ko alam sa bawat pag lipat, Pag lipat na hindi ko sigurado kung saan ako dadalhin, Napaka raming pahina, na sana Pahina, na sana Sana dalhin ako pabalik at papunta sa isang letra, At iyon ay ang papunta Sa' iyo, ang Ikaw na aking libro.
0
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 3:02 PM UTC
Libro

Continue reading...
46
mundong malupit, napakadami **** bitbitin. isa kang manlalakbay, anong landas ang pipiliin? pilit **** dinala, ang bagaheng mabigat. pagkat gusto **** makatulong, sa abot ng iyong kaya. kahit hindi sayo'y minabuting dalin, nang sa iyong kasamaha'y na sa iyo ay binilin. buhat **** bagahe, di maikukubli. isinama mo na ang bagahe ng iba, magandang loob **** minabuti. Malayo na ang narating, ng pagod **** katawang hapo. sa pag intindi mo, sa mundong ikaw lagi ang balato ngunit pagkatapos ng araw, ang balikat mo'y halos mabali. subalit ang puna parin ay sayo, Ikaw pa ang siyang mali. nang tayo ay dumating, sa hating landas dapat pumili, di sinasadyang salungat, ang ninais na tahakin. bitbit mo ang puso, na iniintindi ang iba, subalit may mga desisyong, sa utak mo'y nakatalata. Sila ay bulag, sa kabutihang iyong dulot. ngunit sila ay dilat sa kagamitang nalaglag na hindi mo napulot. Sila'y dilat sa iyong kakulangan, di nakikita ang kabutihan ng puso. di ka nagpapatinag kahit ika'y napapaso mundong malupit, napakadami **** bitbitin. isa kang manlalakbay, anong landas ang pipiliin?
0
Jul 16, 2011
Jul 16, 2011 at 7:40 PM UTC
Landas
Saglit lang ang ligawang nangyari. Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali. Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali, Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali. Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi, Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi. Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi, Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti. Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi, Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki, Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki, Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini. Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti, Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati? Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi, Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi. Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti. Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi. Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili. Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati. Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi. Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi, Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi, Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 4:49 PM UTC
Tamis ng Kahapong Pag-ibig
Espesyal ang tula na ito kasi para 'to sa taong gusto ko,pero 'di ko alam kung tulad ko rin ba'y gusto niya ko. Para 'to sa mga taong minsan nang umasa sa taong mahal nila, minsan na naging tanga at minsan na naging hibang sa kanya. Noong una ka pa lang nakita 'Dii pa sumagi sa isip ko na isipin na gustohin ka Hanggang isang araw,nagulat ako dahil lumapit at kinausap mo. Bigla-bigla ka nalang nagkwento at sobrang nanibago ako sayo. Ang daldal mo rin pala! Sigurado magiging magkasundo tayong dalawa Hanggang sa mga sumunod na araw at buwan Dun ko lang na pagtanto na magiging kuntento na pala ako Magiging kuntento na pala ako sayo. Ang dami nating gusto Pero ang pinaka paborito talaga natin ay ang sabay mag-timpla sa anumang oras ng "Kape" Wala tayong iniintindi basta may ikaw at ako at ang mainit nating kape na pilit nating itinatanong Kung bakit nga natin ito naging paborito? Kung bakit nga ba kita gusto? Sabay mag kape at nag-kukwentuhan ng kung ano-ano lang para humaba lang ang ating usapan habang nakatingin sa kalangitan. Hanggang isang araw nagbago nalang ang ihip ng hangin at mayroong 'di maipaliwanag na kadahilan at bigla nalang ako sayo'y tumabang Bigla-biglaan na may dumating na iba at gumambala sa anumang mayroon sa ating dalawa. Yung dating ikaw at ako lang,napalitan ng siya at ikaw nalang Kaya ako nalang ang nagparaya at dumistansiya Para maging masaya ka na. Kahit ang totoo,mas masaya ka naman sa akin talaga. Pero 'diko na pipilitin pa Na mapasa akin ka pa Diko na iisipin pa kung sa paanong paraan kita mababawi sa kanya At kung paano ka babalik sa piling ko habang nasa piling ka pa niya. Diko alam kung pa'no? Hirap maki-pag sabayan at makipag unahan sa taong sa iba nakalaan Hirap maki-pag agawan ng oras at atensiyon mo habang may nagmamay-ari na sayo. Siguro nga natakot lang akong sabihin sayo ang totoo Na gusto kita! Kahit alam ko may gusto kang iba! Na alam ko iba ang hanap mo at hindi 'yun ako Hindi mo ko makita kasi kahit kailan 'di mo ko magugustuhan Kahit kailan 'di mo ko papahalagahan Kahit kailan 'di mo ko kayang mahalin kasi ako'y kaibigan lang At kahit kailan 'di mo kayang mahalin ako tulad ng pagmamahal na napapadama ko sayo Pero ok lang. Sumusuko na nga rin ako sa kakahintay Pero itong puso pilit paring umaasa na baka pag nalaman mo ang totoo baka magustuhan mo rin ako Baka bumalik ang oras na para bang may "Tayo" Kahit ang totoo ang turing mo lang naman sa akin ay kaibigan mo Kaibigan mo na patago na umiibig sayo Na hanggang ngayon wala ka parin ka alam-alam na ito'y seryoso. Walang biro. Kaibigan mo na laging nandyan sa tabi mo, Pero iba ang hinahanap mo. Iba ang gusto mo. Sana ako nalang! Sana tayo nalang! Sana magkaroon ako ng pagkakataong maging tayo Nang sa ganun ay 'di na mahirapan pa na umasa pa sayo Umasa na mamahalin mo Umasa na magiging ikaw at ako Pero salamat nalang dahil naging parte ka ng masayang ala-ala ko Salamat kasi naging maganda kang inspirasyon ko Dahil kung wala ka at kundi dahil sayo Di ko mabubuo ang ako sa pagkawala mo Sa piling ko.
0
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 7:54 AM UTC
" Sana Ako Nalang "

60
Ayoko na sana mag drama Kaso lagi nalang may nagpapa-alala Ang damot naman nila Ikaw lang naman gusto ko makasama Hindi ba puwedeng ibalik nalang natin sa dati? Kung saan tayo'y masaya at walang ibang iniintindi At kung sana ating iniwasan na may nasasaktan, nahihirapan at iniiwan Nagsimula sa "oo sinasagot na kita" Nagtapos sa "break na tayo, ayoko na" Ikaw naman ang nagkulang hindi ba? Ngunit bakit ikaw ang nangiwan? Ang mga memoryang ito Ay naging aral sa pagkabigo ko At sana'y ako'y matuto na Nang ako'y hindi na masaktan pa
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 7:39 AM UTC
Memorya
Hi tita, Kamusta? Alam niyo naman po na matalik na magkaibigan kami ng anak nyo. Matalik na kaibigan mo rin ang nanay ko. Pitong taon na nung nakilala ko anak niyo, Gwapo at matalino siya, Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming naghahabol sakanya. Malapit pamilya niyo sa amin. Tita, Thankful ako na inaalagaan mo ako. Binibigyan mo ako ng regalo tuwing birthday ko. Minsan inaayusan mo pa ako, Iniintindi ko kasi wala kang anak na babae. Kulang na nga lang pati panty't bra ibigay mo saakin. Ikaw pa ang bumigay saakin ng napkin nung first time ko magkaregla. Ilang beses na rin ako nakasakay sa kotse niyo. Sabi mo pa ako ang mata mo na nagbabantay sa anak mo pag may pasok. Lagi ko pong tinutulungan anak niyo. Pero tita alam niyo po ba ano ang masaklap? 7 billion ang tao dito sa mundo pero anak mo pa rin ang gusto ko. Pero alam niyo po ba ano ang mas masaklap? Anak mo ang gusto ko pero kahit kailan saakin ay hindi siya nagkagusto.
0
Jul 3, 2018
Jul 3, 2018 at 8:52 AM UTC
Tita
Sa relasyon bawal ang makasarili. Sa bawat pagtatalo, pilit kitang iniintindi Sa bawat paglayo mo, pilit akong tatabi Pero nakakasawa pala ang paulit-ulit. Mas mabuti kung hindi ko na ipilit. Hinayaan kitang lumayo, Di dahil di na kita mahal, Hinayaan kitang lumayo, Upang puso mo ay di ko na masaktan. Hinayaan kitang magmahal ng iba, Di para ako'y kalimutan. Hinayaan kitang magmahal ng iba, Kasi sya ang iyong kasiyahan. Hinayaan kita. Ang tanga ko.
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 5:54 AM UTC
"Pagsisisi"
Pinagmamasdan ka lamang ng asawa mo Kung papaano mo sayangin ang gabing ito Napakasaya mo habang nilalaklak ang limang pitsel ng beer Habang yung mga kasama mo ay walang pakialam sayo Pinagmamasdan ka lamang ng asawa mo Habang binibigyan ka niya ng perang pantagay mo Huling gabi na to na kasama sila ang paalam mo Huling gabi na sana… Kasi pupunta ka na sa inaasam-asam **** Amerika Minamasdan ka lamang ng asawa mo Kung paano ka sinipa sa mukha ng Arabo Sa laki at bigat ba naman ng sapatos nun Basag tuloy ilong at ngipin mo Pagmamasdan ka lamang ng asawa mo Sa kung ano na ang mangyayari sayo?! Bibitiw ka sa trabaho tapos ano?! Papaopera ang makapal **** mukha?! Ilang operasyon pa ba sa mukha ang dapat mo matikman?! Para pagiging lasingero mo ay matigilan?! Maawa ka naman sa asawa mo Lahat na iniintindi dahil sa pagmamahal sayo! Tangenang alak na yan!!! Kelan ka ba tatanda?! Huwag mo na sanang hintayin na pagmamasdan ka na lamang namin… sa burol mo!
0
Jun 20, 2022
Jun 20, 2022 at 12:01 AM UTC
Pinagmamasdan
Usok, Mapusok, Tumutusok. Buhay nating parang usok Sa lahat ng bagay nawawalan ng desisyon, mapusok Kaya ang laging mali sa buhay, tumutusok Sindi Landi Intindi Makulay na apoy ng sindi Bawat hithit sa oras, panaho'y malandi Pinipilit na ang realidad, iniintindi. Kasama Tama Masama sa bawat yapak sa daana'y ikaw ang kasama Wala eh, masarap, masarap ang tama Hanggang sa di mo na namalayan na ikaw na, ikaw na ang napasama, ikaw na ang masama.
0
Dec 11, 2018
Dec 11, 2018 at 11:56 PM UTC
Siga-real-yo
Nag Nagpaparamdam Nagpapadama Nagpapaalala Nagpapadala Ang damdamin Sa mga parirala Bagamat Walang sukat Ito ang inaakala Mga salitang Walang tugma Pero ikaliligaya Nalilito Nagtataka Nagtatanong Pilit iniintindi Ang bawat Bulong Hinuhukay ang Anumang natitirang Nakalubong Madumi at pilit pipigilan ito sa pag-usbong Nakita na Nakita ko na Kailan ba naging malinaw ang mali na.
0
Apr 12, 2021
Apr 12, 2021 at 3:02 PM UTC
Nag