Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AKIKO Apr 2017
Ako'y mailap
Pag si Ina'y kapiling
Kung ako'y umasta parang
Hindi sya nakikita
Parabang sa isip ko'y ako lang
Mag-isa

Anong mali?
Tanong ko sa  sarili
Anong mali at ganito ako
Umasta,
Sa harap ni Inay na nagbigay
Buhay sa kagaya kong walang
Kwenta

Pero bakit ba?
Gusto ko ba na isilang nya ang
Kagaya kong basura na ay wala pang kwenta?

Sukdulan na siguro
Ang hinanakit ni Ina sa akin
Kayat luha nya'y hindi na napigil
Ako'y sinumbatan
Lahat ng kamalian ko'y
Sinambit
Sa unang pagkakataon
Si Ina ay nagalit

Ako'y nagtaka
Sa aking nadarama
Ang puso ko'y bakit tila sasabog na
Sa nakitang luha
Na umagus pababa

Isang gaya ko
Ang nagpaluha sa Kanya
O, anung hirap at
Sakit pala
Ang makitang lumuha
Ang Ginang na nagpalaki't umaruga
Sa gaya kong walang kwenta

Ngayu'y alam kuna
Ang damdamin ni Ina
Ako ay nangakong
Magbabago na, upang damdami'y ni Ina hindi na masaktan pa
At brilyante  nyang mata'y hindi na tumangis pa

Ang mahal kong Ina nasa malayo na
Paano na ang pramis ko
Tila naging abo na

Masakit isiping
Pagmamahal ay di naipadama
Sa nag-iisa kong Reyna
Na nagpahalaga sa kagayakong basura na'y wala pang kwenta

Sumilip ang Araw
Sa mata kong nakapikit
Kahit natakluban na ng luha ang mata
Batid kong si Ina'y nasa tagiliran ko pala
Nakatayo at nakangiti,may alay na pagmamahal ang brilyante nyang mga mata

Hinagkan ko si Nanay
Tudo bigay ang dabest kong yakap
Sabay dampi ng matamis kong halik sakanyang pisngi
Batid ko si Nanay ay nagtaka
Tila nagulat pa nga sa bago kung pag-asta

Labis akong nasaktan
Sa panaginip na handa ng may kapal
Tiyak ako'y kanyang sinubok
Upang malaman ko na ang halaga ni  Nanay ay di lamang sintaas ng bundok
Kundi sinlawak din pala dagat

Ang mahagkan pala si Nanay
Ay Walang kasing sarap
Sa haba nang panahon sanay
Noon kupa nadanas
Ang mayakap si Nanay kahit gaano pa katagal
Ay hindi ako magsasawa
Ohh,kay saya maranasan ang ganito
Ang makapiling si Nanay
Buo na ang araw ko

Ang pramis ko Nay ay isa lang
Mamahalin kita higit pa sa buhay kong taglay
basta ba dito kalang at hindi lilisan
Hindi lahat ng sandali'y kapiling
Ka Nanay
Rena Lyn Bala-oy Feb 2019
Duguan ang puso kong sugatan.
Ang puso kong napag-iwanan.
Ang puso kong pinangakuan, pero hindi pinanindigan.

Hindi ko maintindihan.
Akala ko ba walang iwanan?

Pero sinarhan mo ako ng pinto,
Sumama sa iba, tinalukuran mo ako.
Hindi na ba ako mahalaga
Kaya pinili mo sila?

Sila na nasa ibayong dagat,
Na kahit malayo ay sa kanila ka tapat.
Na kahit animo'y nahihirapan ka...
Sa kanila ka pa rin pumupunta.

Inay! Itay!
Paano naman ako?
Ako na naiwan dito.
Mag-isa dahil wala ka.

Mag-isang tinatahak ang aking buhay,
Walang gabay. Walang kaagapay.
Inay! Itay!
Bakit natin kailangang maghiwalay?

Bakit ba natin kailangang maghiwalay?
Pera? Trabaho?
Ang guminhawa ang buhay ko
Kahit... wala kayo?

Inay! Itay!
Ganito na ba kahirap ang Pilipinas?
Na ang mga magulang ko ay luluwas
Magpapaka-alipin sa mga taong labas?

Hahanap ng dolyar sa amo
Dahil hindi sapat ang piso.
Mag aalaga ng anak ng iba
Habang naiiwan sa Pilipinas ang kanila.

Inay! Itay!
Umuwi na kayo.
Nangungulila na ako.
Nagmamaktol. Nangungulila.
astroaquanaut Oct 2015
"bakit 'di mo pa binuhos ang lahat?" nagtatakang tanong sa akin ni inay. inutusan niya akong diligan ang alaga niyang santan sa bakuran. "nagtira ka pa. 'di naman na kailangan," at sabay niyang kinuha ang balde na naglalaman ng tubig na galing sa kanyang pinaglabhan. walang pagdadalawang-isip at bigla na lang niya itong itinapon sa sementadong daanan papunta sa aming bakuran.

sa malayang pagdaloy ng tubig, napaisip ako kung bakit ganoon na lang itapon ni inay ang tubig. pwede pa namang ipandilig iyon sa ibang halaman na nasa tabi-tabi. pero bakit hindi ko man lang din yun naisip na gawin? para nga naman hindi nasayang ang tubig. para may iba pang halaman na pwedeng makinabang at hindi ang walang buhay na sementadong daanan.

oo nga naman, ang tubig na galing sa labada ni inay ay marumi na. umitim at dumumi dahil sa pinaghalo-halong sabon at mantsa ng mga naiwang alaala sa damit. kung nakakapagsalita nga lang din naman ang halaman, hindi niya gugustuhin ang maruming tubig na galing sa labada ni inay.

pero hinuha lang naman ang lahat. paano kung ang mga halaman sa tabi-tabi, ay parang katulad lang din ng patubong santan na alaga ni inay...

nangangailangan
at sadyang nauuhaw.
George Andres Jul 2016
PAG-ASA/ISKOLAR NG BAYANG DUKHA
Madilim na sulok,
Kung san nagdurugo ang mga palad habang rosaryo’y hawak
Gunita’y lumipad habang likod’y dumaranak
Naalala ko pa no'y si Inang ingat na ingat sa isang batang mataba,
Matabang pitakang puno ng libo-libong kwarta
Sahod nilang mag-asawa na sa akin lang ginagasta
Para sa tuition ko, para sa pagkain, pamasahe't libro
O inang minamahal ako nang labis
Kung ang buwaya pa kayang tumatangis
Di maantig sa iyo’t tumalilis?
Sa pagligo sa likod ay laging may langis
Langis ng niyog na kinayod ng ‘yong nginig at mapupula nang kamay
Kung sa gabi’y rinig na rinig ko ang iyong pusong lukso nang lukso
Sa ilalim ng kulambong dinusta na ng panahon
Di mo magawang umalis kung dapuan ako ng sipon
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Sa loob ng tahanan di makitaan itlog ng ipis

Ako ang pasakit ng aba ninyong buhay
Pakiusap, pilitin **** lumakad parin gamit ang 'yong saklay
Hintayin **** mabigyan rin kita ng magandang buhay
Kung pagiging matiwasay ay dahil sa pagkakawalay
Tila di narin kaya ng loob kong patpatin
Sa ideya lamang nito’y tiyak na lalagnatin
O inay! Patawad kung pagod nang tumaas-baba pa aking baga
O Lubid sa inaanay na dingding  na tinitingala
Sa halip ng makikinang at mala diyamanteng mga tala
Huwag mo akong paglawayin sa iyong panlilinlang
Di magagawang sakupin ng depresyon ang tino kong nawawala
Ni ihulog ako nang tuluyan sa mahabaging grasya
Dahil kung sa pag buhos ng kamalasan ay patakan ang huling pasensya
Sa baha na isang pagtaas na lamang ay lulunurin na
At saka lamang ako sa huli'y makakahinga

Isa na akong kawalan na nilagyan ng katawan
Saksakin man, wala na akong maramdaman
Walang kikirot na laman
Walang dugong dadaloy nang luhaan
Sundalong natuyot na ng labanan
Binalot na ng kahihiyan at pagtataka kung mayroon ba akong kakayahan?
Biningi na nga ako ng mga sigaw sa aking isipan

Mas dukha pa akong di makakita pa ng liwanag
Liwanag na sa Bilibid natitikaman miski mga nag-aagawan
May hangin ngunit ako lang ang nalulunod
May dagat at ako lang ang di makalangoy
Mas preso pa akong walang makain nang di hamak
Mata kong bagsak at pula na, tighiyawat na parang sunog at di na maapula
Kakapalan lang ang ipakita ang mukha sa labas
Dahil kailan ba ang mundo'y naging patas sa batas?
Batas ng pag-iral ng matibay na loob
Ito na ang mga taong noo'y tinawag kong ungas
Bumubuhay na ng pamilya't may pambili na ng bigas

Sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Salamin ng ninakaw na kabataan, ng inuman at kasiyahan
Repleksyon ng mga desisyong sa nakaraa'y napagpasiyahan

Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
Bakit call center lang ang aking babagsakan?
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Piso lang ba  halaga ng lahat ng aking pagsisikap?
Ito ba ang direksyon ng matamis na buhay na sa huli'y inalat?
Madali pa pala ang unibersidad
May kalayaan, oo tao'y mga mulat
Marami umano  ang buhok ng oportunidad
Hatakin man ay nasa harap ang bagsak

Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Inakalang sa tren isa akong bagon
Sa bilis ng oras ay papadayon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Interbyu sa opisinang may pagka-amoy baygon
Ugali sa trabaho’y ako raw ay patapon
Kaklase sa hayskul aking nakasalubong
Nagsimula sa wala, ngayo’y umuusbong
Eh ilang beses ba ‘yong umulit ng ikatlong taon?!
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong
Habang ako rito sa kumot ay nakatalukbong

Hawak ko ang kwintas na mistulang ahas sa aking leeg
Nawalang pag-asa ng bayang tinakasan
Sasablay ako hanggang sa huling sandali
Kagitingan at kagalingan ang aking pasan pasan
Taas ang kamao habang dama ang gasgas ng tali sa aking lalamunan
Hinding hindi ninyo ako magiging utusan

Ito na ang mga huling salita sa aking talaarawan
Sinimulan kong isulat nang matapakan bukana ng Diliman
Bitbit ang banig at walang pag-alinlangan sa kinabukasan
Tilapiang pinilit sumagupa sa tubig-alat
Hinayaang lamunin ng mga pating na nagkalat
Nag-iisang makakaalis sa aming bayan
Dukhang nakita ang yaman ng Kamaynilaan
Dustang panliliit ang aking naging kalaban
Gabi-gabing basa aking banig sa malamig na sahig
Paulit-ulit sa aking pandinig ang salitang isang kahig!
Sa huli'y ano bang idinayo ko sa pamantasan?
Oo! Oo! Kaaalaman at pag-ahon sa kahirapan
Sa agendang ito ako pala ay tumaliwas
Sa mumurahin ako’y umiwas
Anupa’t sa aking kabataan, naging mapangahas
Ginamit nang ginamit pag-iisip kong nawalan na ng lakas
Sumama sa lahat ng lakara’t laging nasa labas
Tinapos agad-agad mabalanse lang ang lahat
Gabi-gabing sunog kilay pati balat
Waldas dito waldas doon, yan lang ang katapat
Sa huli’y doon na nga natapos ang lahat

Singsing ng pangako sa kanya,
Sa pamantasang sinisinta
Sa kahirapan di niya ako makikita
Bayang yayapusin mala linta

Ako raw ang pag-asa, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Oo, naghikaos ang pamilya makalusot lang
Taas ng pinag-aralan, kung sa ibang bayan, sahod lang ng bayaran?
Mamamatay akong may dangal at pagmamataas sa aking kinatatayuan
Tatalon sa bangko't idududyan sariling katawan
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Patawad sa bayan kong di na mapaglilingkuran!
Paalam sa bayang di pa rin alam ang kahulugan ng kalayaan!
7816
Edited this again for a schoolwork.
050916

Minulat tayong may sukli ng kasaysayan,
Saksi sa matinding gisahan ng rekado sa Tahanan.
Pangako'y iniukit ng mga Anak na payak
Nagbabasagan ng plato, nagtitilamsikang tubig,
Pagbili ng lakas ng loob
at talas ng dila sa Pulitikang Tindahan;
Luha't dangal, pawang huling hain
Ng Ama't Ina ng Lipunan.

Nakakangalay makisabay sa uso
Kung nawalay pati ang yupi-yuping puso.
Hindi tayo nagpaampon sa Lipunang mapanukso,
Yakap ang Langit, uhaw lamang sa pagbabago!

Sumisigaw ang damdaming nilusaw ang galit,
Ang pait ng kahapong sinabuyan ng panlalait.
Minsan, sobra ang demokrasya kaya't may kapalit.
Kaya't minsa'y susulong bagkus panay ang subalit.

Hindi natin kayang palayasin ang Ama't Ina,
Kung ngayon pa lang, may mga multong rebelde na.
Hindi natin kayang itaboy ang kamay ng Hari ng mga Isla,
Pagkat tayo'y ibinigkis, iba't iba man ang pananampalataya.
At higit pa sa pulso ng Bayan ang nagluklok sa kanila.
Mainam na ngang masaktan sa una,
Kung saan dunong at talino'y maituon sa pagpapakumbaba.
Masakit sa loob kapag tinatama ka,
At bawat palo't kusang pagdidisiplina.

Kung hindi susundin silang Ama't Ina,
Kung hindi magpapasakop sa babaguhing sistema,
Kung hindi huhubarin ang estadong may ibang klima,
Hinding-hindi bubuhos ang pagpapala.

Umaasa tayo pagkat di natin kayang mag-isa,
Sandigan nati'y hindi na Pulitikang Balisa,
Sana'y pag-iisip ay mabago ng Amang may grasya,
At tayo'y maging bahagi ng paghilom ng bansa.
Lumaki ako na kinukwentuhan ng aking inay bago ako tumungo sa panaginip ko tuwing gabi.
Kinakantahan niya ako ng mga oyayi’t hele. Hinding hindi ko malilimutan ang mga gabing iyon.
Hindi lang ang tugtog ng awitin ng kanta niya ang pinakinggan ko, pati na rin ang pintig.
Pintig ng tibok ng puso naming mag ina na onti onting nagtutugma sa tugtog ng kanta na inawit naming dalawa.
At tuwing magsisimula ang awit, ako’y sumasabay… A-Ba-Ka-Da…
Ngunit hanggang ngayon, hanggang Da lang ang aking natandaan. Ang aking inay ay may katawa-tawang paraan ng pagkanta ng awiting ito. Matatapos siya sa Da, ipagpapatuloy sa Du at magsisimula ulit sa A at sasabihing “aking anak hindi kita sinukuan.” “A-Ba-Ka-Da-Du-A-Ba-… aking anak hindi kita sinukuan.” Hindi ko naunawaan ang kantahing ito at hindi ko inisip na unawain. Isang gabi, kumuha siya ng pluma at papel. Sumulat siya ngunit hindi ko ito nabasa. Ibinilin niya saakin na basahin ito sa tamang panahon. Hindi ko ito naintindihan pero talagang naghintay ako para sa sinasabi niyang panahon. Ilang taon ang lumipas, ngayon, ako’y nakaharap sa kanya(sa puntod niya), hawak ang papel na sinulatan niya noong ako’y munting musmos pa. Nakatingin ako sakanya, hinihiling kay Bathala na maibabalik ko ang mga taon na lumipas.
Isa. Dalawa. Tatlo. Onti-onting tumulo ang aking mga luha.
Umawit ako ng mahinhin… A… Ba… Ka… Da…Du… A… Ba… Aking inay, kailanma’y di kita sinukuan…
Ito na siguro ang tamang panahong ihinahayag ng aking mahal na ina. Binuksan ko ang papel na kanyang sinulatan. At saaking pagbuklat, ako’y nagulat at natulala. Mayroong labing apat lamang na salitang nakasulat dito. “Ang BAlakid ay KAkalat at DAdating. DUmating Ang BAlakid, aking anak hindi kita sinukuan.” Ngayon ay naunawaan ko na ang ipinararating ng aking inay. Gusto ko siyang kausapin sa huling pagkakataon para sabihin na salamat. Salamat sakanya kasi kahit na DUmating ang mga balakid ay tinuruan niya akong lumaban. Kaya ngayon, handa na ako sa mga DAdating na pagsubok dahil alam kong nasa tabi ko lamang siya.
The language used is filipino.
ESP Mar 2016
Lasapin ang bunga ng paghihirap
Puso, isip at kaluluwa lang naman
Ang iyong nilaan para ikaw ay
bigyan ng kaunting sahuran.

Kung minsan, napapagod
Ay, madalas nga palang pagod
Ang katawan man ay bumabagsak
Gagaling ka rin at
Itutuloy ang paghihirap

Sabi ko noong bata pa ako
"Inay, gusto kong maging doktor
pagkalaki ko.
Pagka't gusto kong pagalingin
ang bawat maysakit na tao."

Hanggang sa nagpagtanto ****
Habang lumalaki
Ni hindi naman pagiging doktor
ang gusto mo paglaki

Ako ay sinanay upang maging alipin
Upang siyudad ng sikat na
Politiko ay yumaman sa aming kamay
Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad
Nalilipad-lipad at napunta sa
"tagapaglingkod ninyong totoo,
kami ay kasangga ninyo."

Sabi nga ng ilan ay
Buhay ay sadyang gulong ng palad
Hindi ako naniniwala dahil,
ikaw mismo na nabubuhay ang
siya lamang makapagsasabi at
makapagdidikta ng iyong kapalaran
Nasa iyong kamay ang kasagutan
Kaya pakilusin na ang mga paa
Buksan ang iyong mga mata
Pakinggan ng iyong mga tenga
ang bawat hinaing
Ito ay magbabago rin
kung bawat katawan ay kikilos
sabay-sabay muling galawin

Tayo ang sagot
sa hirap na dinaranas
Tayo rin mismo ang makapagbabago
Ng kung ano mang ang nakasanayan
Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil
Tayo lamang
Tayo lamang ang pagbabago.
AUGUST Sep 2018
saan nga ba nagmula ang aking masamang balak
Kung kapupulotan ng aral o kapupulutan ng alak
Anong kahahantungan nitong simpleng inuman
Sa sobrang kalasingan katabi na ang naging pulutan

Papel na madaling mapunit madali ring nagliliyab
Kanyang Damdaming malupit madali ring nagaalab
Nang nakipaglaro ako ng apoy lahat biglang nalaglag
Ang abo sa mga panaghoy dali daling pinagpag

Saplot ng mahinang katawan lahat natupok dahil sa init
Pusong may kapahangasan Naging marupok sa labis na galit
Ngayon alam ko na kung bakit di masaya kumain ng magisa
Dahil ang luto ng Diyos sinta  pinagsasalonan para lang sa dalwa.


Patawarin ako ng aking mga magulang, inay at itay
Pagkat di ko namalayang nasusunog na pala ang aming bahay
08=19=18

Panatiliing nasa katinuan lalo na pagnalalasing. Basta may alak, may balak.pagibig
Anak kumusta na ang Dodoy ko diyan sa syudad, Masaya ka ba diyan , ha?

Kami ng itay mo at ng mga kapatid mo dito ay ayos naman.

Natanggap ko nga pala yung sulat mo nakaraang lingo alam kong mahirap mabuhay at mag-aral dyan sa syudad anak, pagbutihan mulang at mairaraos ka rin namin.

At yung itay mo hindi na umiinum ng alak at di na naglalasing, meron na rin siyang tatlong-daang katao  na under sa kanya. Sa sobrang busy niya nga sa trabahao, hindi niya na  nga masabi mensahe niya para  sayo ngayon,  nasa trabaho kase siya naglilinis at nagdadamo sa sementeryo.

Nanganak na nga pala ate mo kaso di pa namin nakikita ang yung bata, di pa tuloy naming alam kung tito kana o tita, kaya dodoy tulungan mo kaming magdasal nasana maging tita ka para di matigas ang ulo ng bata at di magmana sa kuya mo.

Nandoon sa bundok  nagtatraining sa Army, eh nakapagtataka may mga baril wala namang uniporme.

Okey naman ang lagay ng panahon dito sa atin, dalawang beses lang umulan ngayong lingo. Noong una tatlong araw tas nung sumunod apat na araw naman.

Ang itay mo okey lang din, naalala mo na yung sinabi ng doktor na mabubulag na daw siya buti nalang pumunta kami sa albularyo nakaraang lingo at pinigaan siya nang binendisyonang kalamansi, ipapatak daw yun sa mata ng itay mo at gagaling na daw ang  katarata niya sa makalawa.

Anak wag ka magalala sinusulat ko to nang dahan-dahan, alam ko naming di ka mabilis bumasa.

P.S. Maglalagay sana ako ng pera sa sobre  kaso nalawayan  ko na anak, di bale sa sususnod na buwan nalang ako magpapadala ng pera sa iyo anak, magaral ka ng mabuti!
Short funny story written in tagalog. Hope you enjoy.
Huehuehue
AKIKO Apr 2017
Nais kulang Tumula
Tumula ng mahaba
Ngunit ang isip ko'y
Tila Ayaw makisama

Itutula kulang naman
Ang mga nilalaman
Ng puso't isip kong nasaktan

Sadya talagang ako'y
Mabait
Ngunit bakit
Ang damdami'y kaydaling sumakit

Kung nandito sana si Inay ako'y may mayayakap
Nangulila tulo'y ako
Sakanyang yakap

Naghahanap ako
Ng makaka-usap
Kaya pala dito ako'y
Napadpad

May dulo kaya ang
Kwento kong ito?
Sana'y sa wakas nito'y wakas narin ang
Paghihirap ng damdamin
Ko
Tula Ni Akiko
Jandel Uy Mar 2017
Ikaw na babaeng sumasayaw sa dilim,
   Ikaw na nakakapit sa patalim:

Di ba nasusugat ang porselanang palad
    Na kasing lambot ng puwit ng sanggol?

Sa matalim na kutsilyong kinakapitan
      Ano mang oras hahatulan ng lipunan?

At sa higpit ng piring mo sa mata,
     Pasasaan pa't mabubulag ka na

Ikaw na babaeng gumigiling-giling,
   Iba't ibang laway ang pinanghihilamos gabi-gabi

Ang sugatan **** puso'y walang gamot
    Ngunit ang kandungan mo'y sagot

Sa mga problema ng mga lalakeng–
      Naghahanap ng panandaliang saya.

Ikaw ba, babaeng hubad,
   Naranasan mo na ba ang lumigaya?

Kumusta na ba ang anak mo sa una **** nobyo?
     Balita ko'y di ka na niya kilala.

Hindi ba't may tatlo ka pa sa probinsiya
   Na pinagkakasiya ang padala **** barya?

Naalala mo ba ang bilin sa 'yo
     Ni Karla na siyang una **** bugaw?

"Huwag **** bigyan ng puwang sa utak mo
      Ang sasabihin ng Inay mo.

Sasampalin ka niya, di ng palad niya,
     Kun'di sakit na dama ng isang Ina.

At iyon ang pinakamasakit
    Sa lahat ng puwedeng sumakit."

Ilang ulit mo na bang tinanong ang sarili
   Kung saan ka nagkamali?

Kung ilang liko ang ginawa
     Para mapunta sa hawlang 'sing dilim ng kuweba

Na pinamamahayan ng mga paniking
     Takot sa liwanag na magpapakita ng mga galos

Na bunga ng mga gabing kinukurot ang sarili,
     Tinatanong, hinihiling na sana'y bangungot lamang

Ang buhay nila sa dilim,
    Pasasaan pa't nasanay na rin.

Ikaw na isang mabahong lihim
   Ng mga mister na may misis na bungangera

Ha'mo na't sa iyo naman sila panatag
     Sa mga suso **** malusog, pinili nilang humimbing.

Ikaw na pantasiya ng karamihan,
   Ano ba ang pakiramdam ng pinagsasalsalan

Ng mga nagbibinatang hindi pa tuli,
      Ng mga lalakeng di kaya ang presiyo mo,

O ng matandang libog na libog sa mabango **** kepyas
      Ngunit nanghihiram ng lakas at tigas sa ******?

Saan ka na ba nakapuwesto ngayon?
    Sa Malate, Morayta, Quiapo, o Aurora?

Ilan na ba ang napuntahan mo?
  Ilan pa ba ang bibiyayaan mo ng iyong alindog?

Sa Makati Ave, Pasay, o sa Parañaque?
      Ha'mo na't langit pa rin naman ang dala mo

Kahit na alam ninyo ng Diyos
    Na nakaukit na ang pangalan mo sa impyerno.

Ikaw na babaeng walang pangalan,
   Ano ba ang itatawag ko sa 'yo?

Ilan na ba ang nahiram mo sa tabloid
  O sa mga artistang iniidolo mo?

Kathryn, Julia, Nadine, Meg, Yen, Anne
    Yna, Katya, Ara, Cristine, Kristine, Maui

Daria, Pepsi, RC, Susan, Gloria, Lorna, Aida, Fe
    Vilma, Sharon, Nora, Maricel, Dina

Ikaw na babaeng 'sing nipis ng balat ng sibuyas ang saplot
   Di ka ba nilalamig sa pag-iisa mo?

Ikaw na babaeng marumi,
  Sadsad na sa lupa ang lipad, saan ka pupunta?

Wala ka nang kawala sa dilim,
     Pasasaan pa't malalagutan ka rin ng hininga
        at  magpapasalamat sa biyaya.

Ikaw na babaeng bukod tangi,
   Ginawa **** lahat pero hindi naging patas ang mundo.

Lunukin mo na lang ang mga hibla ng pagsisisi
    Ipagdadasal kong huwag nang magdilim sa hawla mo.
Malalagkit na mga halik
Amoy ng alak at yosi,
kumakapit sa damit
Kaunting barya,
puri ang kapalit
Eto ang turo ni inay
"Kapalan mo ang lipstick anak,
hindi magtatagal ikaw di'y masasanay"
manipis na tela
ang bumalot sa murang katawan ni Teresa
"Sariwang-sariwa!"
hindi magkamayaw ang mga kalalakihan
Sa entablado kinalimutan
ang nagdurusang puso
binalatan nang dahandahan



-Tula XI, Margaret Austin Go
Ysabel Nov 2017
Ang aming salita ay unti unti nang naglalaho.
Ang mga karanasan noong unang panahon ay hindi na nababasa.
Ang mga masining na kultura´t tradisyon ay mistulang larawan na lamang ng nakaraan.
Ang mga masasayang okasyon ay isa na lamang pangarap.

Ang lahat ng ito ay nawala sa pagdating ng bago, Inay.
Pilit ka man nilang palitan, ang dugo mo pa rin ang nananalaytay sa amin.
Ang pagkaPilipino ay hinding hindi mapapalitan gaano man karaming lenggwahe, kagamitan o oportunidad ang dumating.
Ako ay titindig at magsasalita pa rin ng lenggwaheng aking ipagmamalaki saanman sa mundo.
Para sayo aking Inang Pilipinas, kami ay aasenso nang hindi nakakalimut sa nakaraan.
astroaquanaut Feb 2016
Tuwing nalalapit na ang pasko, darating si itay mula sa kanyang opisina na may dalang kahon. Ang kahon ay naglalaman ng hamon. Ang hamon na mutlong taun-taon na lang sumusulpot. Ito yung hamon na hindi na pinapansin ng karamihan kasi lagi na lang andyan. Pabulong na sasabihin nila, "Ay sus. Pwedeng iba naman?" pero dahil nga sa nakasanayan na, ang hamon ay mananatiling nariyan kahit nilalampasan.

Lilipas ang selebrasyon at mag-uuwian ang mga bisita. Mananatili ang hamon na wala man lang gumalaw. Naubos ang macaroni salad, graham, kahit ang kaldereta ngunit ang hamon ay nanatiling tahimik, mistulang kawawang bida sa isang maaksyong pelikula.

Taun-taon, sasabihin ni inay na bakit hindi na lang ipamigay? At taun-taon akong hihindi at sasabihing sayang.

Hindi ko naman paborito ang hamon. Sadyang ayoko lang sayangin ang lahat ng nakahain. Kaya't kahit paulit-ulit, kahit nakakasawa, kahit minsan gusto ko na lang ipamigay, pilit ko pa ring kakainin ang bawat hamon na nakahain. Pilit ko pa ring lalasapin ang cholesterol, magpapataba, magpapakatanga, magsasawa hanggat sa maubos.
Aking inaninag
Itong bughaw na kalangitan
Hindi nga ba
Parang kailan lamang
Nang ako’y kanyang tinalikuran?

Napako ang pangako
Na ako’y pangangalagaan
Luha niya’y umabot
Di lamang sa’king talampakan
Nalasap ko ito
Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo
Ngayong timplang kape
Mula sa mga mata nitong
Tila ba kaytayog.

Tinangay kami ng malakas na alon
Kami’y nagpatangay na lamang
Wala akong alam
Kundi and makipaglaro
Ng tagu-taguan
Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan

Sakay kami ng pridyeder,
Ako at aking ulirang mga kapatid
Puno ng pighati’t pangamba
Sa uulitin,
Ito na lamang ang magagawa ko.

Sabi nila, tutulungan nila kami
Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa
Kanino nga ba kami magtitiwala?
Kung mismong kalam nga ng sikmura’y
Di na mainda?

Wala na akong mailuluha pa
Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan
Wala na ngang pag-asa
Wala man lang naiwan sa amin
Sana kasama nalang kami
Sa mga buhay na nalantang
Parang bula
Tulad nila Itay at Inay
Di sana’y masaya kami
Sa kalangitan.

Pumikit ako,
Habang mahimbing ang paghikbi
Ng aking mga kapatid
Sana nga may buhay pa.

Sinagip nyo kami,
Noong una, nagalit pa ako
Ayoko sana
Kaso wala na rin kaming magawa
Sasama na kami
Kasama kami sa pagbangon
Oo, ngayon ako na’y magtitiwala
At ipapasa-Diyos na ang lahat
Siya na ang bahala.

(11/17/13 @xirlleelang)
KRRW Aug 2017
Si Jamaeda:
Isa siyang matrona
na ang pangarap
ay ang wagas
na kagandahan.
Palagi siyang
nilalait ng kanyang
mga kaeskwela.
Maging mga kapatid niya
ay nilalayuan siya.
Samantala,
ang mga magulang niya
ay ikinahihiya
ang kanyang
kakatwang presensiya.

Isang araw,
kanyang natuklasan
isang natatanging pormula
upang makamtan
pinakamimithing kagandahan.

Mula sa laboratoryo
lumabas ang isang
mestisang diyosa
na siyang nagdulot
nang tiyak na pagkahulog
ng bawat panga
na nilalampasan niya.

Puri dito, puri doon.
Ang tainga niya
ay pumapalakpak.
Kaway rito, kaway doon,
hindi siya matigil
sa kahahalakhak.

“Sa wakas,”
ika niya,
kagandaha'y napasakanya.
Subalit,
ngunit,
datapwat,
langit biglang
kumulog,
kumidlat.

Habang ang diyosa'y pauwing
mahinhing naglalakad,
nakasalubong niya
ang isang matrona
na siyang nagpaalala
ng mapait na nakaraan niya.
Itsura ng matrona
sadyang kasuka-suka
mas masahol pa
sa dating muka ng diyosa,
wika ng marami
pinagsukluban ng langit at lupa
maging impyerno ay nakialam pa.

Hiling nito sa diyosa
ibahagi ang sikreto niya
sa pagbabago ng uling
at naging isang ginto,
ngunit ang kagandahan
ng diyosa'y panlabas lang
sapagkat kanyang budhi
lubos-lubos ang kaitiman.
Itinaas ang kilay
at saka pumanhik,
hindi niya namalayan
ang nagbabadyang panganib.

Plok! Plak!
Inay ko po'y kaysakit!
Ang diyosang marikit,
napasubsob sa putik.

Ngunit sa halip
na malambot ang lupang hahagip
'yon pala'y sa ilalim
may nakatagong talim.
Matigas niyang mukha
ginuhitan ng pait
ang maladiyosang matrona
nasiraan ng bait.

Lahat ng tao'y
naengganyong lumapit,
sa lakas ng kanyang sigaw
dahil sa sobrang sakit.
Imbis na tulunga'y
pinagtawanan, nilait.
“Hahaha! Buti nga sa 'yo,
mayabang ka kasi,”
ang kanilang sambit.
Luha niya'y nangingilid,
ngunit walang pasubali,
ang kutya nila'y sumasabay
sa ulang masidhi.

Sa hindi niya inaasahan,
dinamayan siya ng isa.
Isang pamilyar na mukhang
hindi rin naman
naiiba sa kanya.

Magbuhat noon,
natutunan niya
ang isang malaking
leksiyon:
“Mas masarap ang maging duryan,
kaysa maging isang mamon.”
Written
31 August 2013


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Cris Artist Jul 2016
OFW
Andto pa din sa Dubai, para maghanapbuhay
Na kung saan miss na miss na sina Tatay at Inay, at an lht ng ngmhl sa buhay., mahirap nga plng mawalay
lalo na kung minsay pagkain lng ay tinapay, toink! Pero ptuloy an buhay pra sa hinahangad na tagumpay.
1st poem in dubai, more to come.
112615

Sa kwadradong hawla
Doon nagsipagtirapa ang bawat paslit
Sila'y mistulang sabik sa yakap ng Ina,
Pagkat kalinga'y hindi maupos-upos na kandila.

Minsan sila'y naging malaya,
Si Inay nga pala, siyang nagpaubaya
Tila martir ang minsang naging paslit,
Pag-asa nila'y sa alikabok na sinisipa.

Bagkus ang Inang siyang nagsaplot sa kanila,
Nilisan at hinayaang maibigkis, walang kasarinlan.
At doon sa iisang hawla'y magtatagpo muli,
Sa bentelasyon, sila'y may kakaunting sandali.

Tunay ngang ang paslit ay magiging Ina rin,
Oras niya ngayong kabiyak sa salamin.
Iniwang Ina'y may ikalawang henerasyon,
Sa kanila nama'y may namutawing leksyon.
(Sabi ng Engineer namin, lahat ng sisiw, iiwan din ang nanay nila. Sa una, sunud-sunuran, pero tama nga siya. At matira matibay pa ang labanan.)

7:36 AM
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Yakapin mo ako....
Upang lubos **** mapagtanto,
Na ako sana'y isinilang na santo,
Hindi mo ako mababanaag,
Dala ko'y misteryo sa buhay mo.

Ako sana'y lumaking isang inhinyero,
Isa sana ako sa mga batang naglalaro sa may kanto,
Iiyak kapag pinapalo mo,
Magsusumbong kapag binabato.

Bakit di mo ako ipinaglaban?
Bakit sakit ang siyang aking nararamdaman?
Hanggang sa di mo namamalayan,
Na ako'y unti-unti  **** pinapatay sa iyong sinapupunan,
Wala ba akong puwang
diyan sa puso mo kahit minsan?
Kahit katiting lamang?
Bakit mo ako binitawan?
Pinabayaan?

Mama ....nais ko sanang mabuhay,
Ako ang magbibigay,
Sa iyong daigdaig ang magkukulay,
Ikaw sa aki'y gagabay,
Ngunit ako'y unti-unti **** pinapatay,
Hanggang sa----- ako'y naging matamlay,
Ngayon pagmasdan mo ako inay...
Wala ng buhay,
Ako'y payapa nang nakahimlay,
Paalam...mahal na mahal kita aking inay...
Buhay na hindi binigyan ng pagkakataon
lovestargirl May 2015
TAGUAN:
Sa ilalim ng nakakapasong init ng araw,
Tumatakbo tayong magkahawak ang kamay,
Nagbibilang hanggang isang daan,
papalayo sa tayang kalaro.

Sabi niya’y tagu-taguan,
at tayo nama’y nagbilang.
Ng isa, ng dalawa, hanggang tatlo.
At hangggang doo’y nanatili sa likod ng puno.

Ngumiti ka, at ako din. Tumawa ka, at ako din.
Saka napuno ng tawanan ang buong mundo ko.
Napuno ng ikaw at ako ang buong maghapon.
Hanggang sa bumaba na ang araw.

Rinig ko na ang tawag ni inay,
At naramdaman ang pagbitaw sa kapit ko.
Hindi mo man pansin ito,
pero para itong isang malagim na pagtatagpo.

Ngayo’y paalam muna,
Hanggang sa muling pagtatago, at pagtatagpo
Ng ating sabik na mga puso sa larong tayo’y tinago.
Sa mundong ating binuo, na tayong bumubuo.
tarma-de Nov 2018
Impyerno.

Im.. im.. impyerno ang nadarama.
Nakabilad sa sikat ng araw. Taya
at buro pa yata.

Sabay na inaabangan:
ang pagkakamali,
at tawag ni inay —
mas importante ang nauna
ngunit parehas nakakatakot.

Sa isip-isip ko:

“Mahulog ka sana,
upang mataya na kita.”

Pero ang ninanais ba ay totoo
o para lamang masalo? Ang puso

at marahil
noon ko rin unang nalaman
ang agwat ng mga platapormang
inaapakan.

Malapit ngunit malayo.
Ako'y isa lamang kalaro.
Langit ka; lupa ako.
a tagalog piece written way, way back.
Kael Carlos Aug 2017
"Pag-ibig ay darating sa'yo" sabi ng mga makata,
Wari'y sa edad ko ang pag-ibig ay mahirap makita,
Ilang beses nga bang kailangang sabihin?
Talaga bang mapait ang dapat kong sapitin?
Higit isang dekada na 'ko sa mundo ngunit ang pag-ibig ay 'di mahagilap,
Ganito ba talaga ito kahirap?
'Di ko naisip na ito'y aabot pa sa ganito,
'Di ko napaghandaan at wari'y 'di napagtanto,
Lingid sa aking kaalaman,
Kaya 'di ko natandaan
At mas lalong 'di ko napaghandaan,
Ayaw na niya pala at matagal na niyang kinimkim,
Ako'y nasugatan at nagdusa ng mataimtim,
Sabi ni Inay: "Ba't ba wala kang dala?
Ilang beses ko ba dapat sabihin na wag mo ng hahanapin ang wala?"
I am Kael Carlos
Babelyn Hije Jun 2020
Tuwing sumasapit ang Setyembre,
Ako ay kinikilig.
Makikita ko na ang mga parol
At mga christmas tree.

Napakagandang masilayan.
Bumabalik ang aking pagkabata.
Ako ay natutuwa
Makita at matanaw
Ko lamang.

Nang sumapit ang bisperas,
Kinabahan na ako,
Baka hindi na dumating
Ang bukas.

Umaga, kinabukasan.
Dali-Dali akong pumunta
Sa sinabit kong medyas.

Wala ka na doon.

Sa tingin ko,
Ako ay tumanda na.
At naintindihan
Na hindi si Santa Klaus
Ang naglalagay ng mga regalo.

Kayo pala
Inay at Itay.
082021

Mas malalim pa ang gabi
Kaysa sa aking mga matang alikabok ang tinta.
Ang mga kulisap at kuliglig
Ay nagtatagisan ng mga boses
At sabay-sabay na nakikipagtalastasan
Kung kanino ba papanig
Ang buwang hugis pamato sa larong kalye.

Sinasabi nilang ang aming lugar ay dating liblib
Noong panahon pa ng mga Hapones.
Kaya’t nagbakasali akong
Kaya ko silang paniwalaan
Pagkat ni minsa’y hindi naman ako
Nakapagpantig ng mga salitang
Nakakahon sa iisang pangungusap.

Natatandaan ko pa ngang
Sa tuwing tumatanghod ako
Sa aming bintana sa umaga’y
Sabay ding magsisiingay ang nagtitinda ng taho
At nambabato ng dyaryo
Patungo sa aming pintuan.

Si Inay ay gagayak para sa bagong balita,
Habang ako’y gagayahin ang sigaw ni Manong
At titikim ng paborito kong agahan at panghimagas.

Habang sya’y papalapit
Ay kusang malalagas
Ang mga pakpak ng kanyang tsinelas
At kanyang ilalapag ang papel na inilimbag daw
Sa pabrika ng kanyang kaklase noon
Na anak-mayaman.

Sa isip ko’y nais ko sanang masiyasat rin
Ang mga letrang nakatambad sa aking harapan
At bigyang buhay ang mga papel
At baka sakaling,
Maging bihasa rin ako gaya ng iba.

Kung sabagay, ang lahat naman ng aking mithiin
Ay kusang maglalaho
Kasabay ng aking mga panagip.
Ang lahat naman ng nasisinagan ng apoy
Ay maya-maya ring magpapalamon
At magpapaubaya
Sa kadilimang bunsod ng panahong
May paulit-ulit na panimula’t katapusan.

Sabagay, ang lahat nama’y
Magmimistulang pandagdag lasa na lamang
Sa nanlilomos na alab at nagmimitsang pagpapaalam.

Naubos na ang bawat pahina
Ngunit di ko man lamang nagawang simulan
Ang pangangalap kung nasaan na ba si Itay.
Saan nga ba ang aming magiging tagpuan?
Saan at kailan nga ba ang hangin
Ang mismong sasabay sa aking paghikbi nang walang katapusan?
110621

Noong bata pa ako'y
Saba-sabay kaming mag-uunahan
Sa pagsalubong kay Inay.
Yayakap at magmamano sa kanya,
Sabay uupo ang nauna sa laylayan ng kanyang palda
Habang syang namamahinga sa lumang upuang
Yari pa sa Narra.

Ni minsa'y hindi ko naisip
Na ang pagkalong ni Inay
Ay may katumbas pala sa aking paglaki.
Marahil bata pa nga talaga kami noon,
At wala kaming ibang inatupag
Kundi ang pag-aaral at paglalaro.

Ilang taon na ang lumipas
At malapit na rin ang araw
Na ako mismo'y lalayag sa sarili kong bangka.
At hindi na ito laru-laro lamang,
Pagkat sa bawat pasyang aking susuungin
Ay iba na ang aking kasama.

Sabi nya nga sa akin,
Handa na syang akayin ako.
Hindi lamang sa kanyang mga bisig
Pero maging mga responsibilidad
Na itatangan ng panahon at tadhana sa kanya.

Ganito pala ang pag-ibig,
Kung saan handa tayong humakbang nang humakbang pa.
Hindi tayo maaaring huminto dahil tayo'y pagod na.
At alam ko, sa tamang panaho'y
Handa na naming kalungin ang isa't isa.
Martee Joanne Dec 2018
Habag ang loob, pinto'y tinungo
Suot ang lumang sando, aburido
Sa paglabas,  saka napagtanto
Suot na tsinelas, hindi terno.

Hindi inalintana kahit kalangita'y nagbabadya
Sa parke, doon magbibisekleta
Kumulog, kumidlat, saka naalala
Si Inay kaya ay nag-aalala?
Guido Orifice Dec 2016
You told me once that I am your favorite writer.

I was hesitant and unsure. Your innocence might jinx me this time. Then you laughed, as you always do, like a child giggling while waiting the rain from the summer sky. Everything becomes clear. After all, whatever comes from you is never you.

Of course, you are as always an empty being.

Your emptiness tells many stories. Your emptiness fools me. Your emptiness is the real vessel of soul. Your emptiness is a parchment for budding thoughts. Your emptiness is a magic.

No wonder, I fell in love with that emptiness. I just do not know if emptiness loves me back.

Or, was it me who stares at the abyss long enough that a centenary gone by.

1900: The Boxer rebellion begun. Freud published his Interpretation of Dreams.

1903: The Wright brothers marked their first flight. In turn, Curtiss decided to invade the sky.

1912: Titanic anchored to Atlantis, to its final resting place.

Two years after, the first World War broke out. Horses galloped to the killing fields.

1925: The first among many trials of the century began. That day, Darwin risen for the second time.

1934: ****** became Fuhrer. The world becomes a theater. “Absurd,” says Beckett. “Cruelty” for Artaud.

1939; 1941: Second World War broke out; Pear Harbor bombed. Asia Pacific meets its infernal fate.

1945: Three mushroom clouds seen: New Mexico, Hiroshima, and Nagazaki.

1960’s: Humanity becomes obsessed with multiple wars: cold, space, nuclear, music, universities; not counting the mutants who played major roles in between.

1986: Itay wrote a letter to Inay. The letter reached Manila after a few days from Jeddah.

1989: Capitalism won. Berlin wall fell like a paper plane after its victorious flight. My parents met for the first time. Months later, they decided to cut the cake and get married.

1993: The World Wide Web saw its day. I was born.

Twenty two years later, I met her. A year after, Phil Collins sang once again Separate lives.

That time, I know, I will never be your favorite writer.
Ysabel Nov 2017
Patawad Inay sa walang pakundangang pagsuway sa iyong mga pinaguutos,
Sa walang kagatol-gatol na pagsumbat sa bawat pangaral,
Sa walang lamas na pagwaldas sa mga pinaghirapan niyong salapi,
At sa patuloy na pakikipagkaibigan sa mga kaaway.

Ako,
kami,
ay hindi na nakikinig,
hindi na natututo mula sa mga nangyari noong pahanon mo,
mula sa mga karanasang hindi mo malilimutan.

Kaya´t Inay sa susunod na mga taon ay sisikapin ko, sa tulong ng aking mga kapatid, ng aking mga kaibigan na patuloy na nagtitiwala sa akin, ay babaguhin ko ang aming bansa. Kami ay magiging radikal upang ang pagbabagong ito ay hindi masayang at maging isang panaginip lamang.
s i r May 2019
Ulap sa lupa ang maputlang buhok
Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok
Isang obra maestrang handog ng Panginoon
Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon

Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon
Tigib sa pinong linya at kulubot
Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos
Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos

Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan
Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan
At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa
Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha

Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa
Marka ng walang katapusang pag-aalaga
Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod
Upang tayo ay mabuhay ng malugod.

Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot
Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot
Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko
Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
Pusang Tahimik Feb 2019
Nang isilang ka'y kasama mo na ako
Kita ko ang tuwa sa mga magulang mo
Lahat ng kilos mo tinutularan ko
At kahit nasaan ka ay naroroon ako

Panahon ang nagturo sayo na mamulat
At sa unang pagkikita tiyak ang iyong gulat
Sa ilalim ng buwan sa gabing pagkagat
Naghahabulan tayo sa gitna ng gubat

May isang gabi lahat ng ilaw ay nakapatay
Ikaw'y nakipaglaro sakin ng walang humpay
Mga anyo ng hayop na likha ng iyong kamay
Sa harap ng kandila na sindi ng iyong inay

Sa gitna ng dilim ay di ka nag-iisa
Bagamat madilim hindi mo makikita
Halika sa liwanag at aking ipapakita
Ang aking anyo na dati mo nang nakita

Kahit saan ka magpunta ako ang buntot mo
Hindi mo lang pansin ako'y karugtong mo
Sumayaw ka at tutularan ko
Ngunit huwag sa dilim upang makita mo

Magbalik tanaw sa iyong ala-ala
Tuklasin ang aking talinhaga
Paalam tapos na akong magpakilala
Narito lamang ako lagi, aking paalala

JGA
raquezha Aug 2020
Mudtū nanaman akong nagisəng
Kwasa lawod na sige panaŋgad
Piripildit kadtong kompyuter
Tambak a  gigibohon pauno
Malang sakit pag naədâan ikang trabawo
Dāwâ unong mag-ābot tinitira
Magka-income sanā nguwan na pandemya
Masakit a pagbuɣay nguwan
Bana niloloko kita ka kanatəng gobyerno

"Urāsâ ayy!" Sabi ni inay
Kwasa kaya nakakape ika malaka mudtū
Pano ka diri iinitan ka tramuya **** iton

Nalingawan ko, paborito palan niya a kape
Ay ta dawa malang ŋisnitan na malaka-pwerte paghigop niya.

Siguro tinutuod kita sa pasakit na tinatao kanatə arog kading gibo ko, nagkakape naman ako dāwâ malaka-mudtū, diretso sa lalawgə̄n ko a sulô galin sa langit, pinipirit na indahon a kulog tas pait, ŋata ta kaipuhan kitang pasakitan kin pwede man sanang ayoson a nasasakupan, ay inda maray pa magkape na sanā.
1. Urāsâ, hot, warmth, sweltering; "Urāsâ ayy!", An experession you say when feel very very hot and sweaty.
2. https://www.instagram.com/p/CDZI4TUHKck
leeannejjang Oct 2017
Isang tahimik na panalangin.
Habang ang mundo’y nagkakagulo.
Hinahanap ang paraiso
Sa lugar na puno ng mga armado.

Maaari bang ako’y sagipin?
Sa madilim na kwartong akin kinaroroonan.
Tunog ng baril at wala humpay na pagsabog ang akin hele sa gabing malalim.

Nasan si inay?
Nasan si itay?
Ang katawan nila ay kasing lamig ng yelo.
Hindi na sila nagsasalita.
Hindi na sila gumagalaw.
Tulog na ba sila?

Maaari bang ako’y sagipin?
Sa bangungot na sa akin ay kumakain.
Sana sa akin pagising isa maliwanag na kinabukasan
Ang sumalubong sa akin.
John AD May 2020
Y
Wasak aking atay , Nangungulila ako itay
Nais kong mamatay ng hindi ako mapapaaray
Nagtawag ng uwak habang ako'y nakahimlay
Darating ang mga araw lumbay ko'y kapalit ay lamay

Sitwasyong gulong-gulo hindi ako sanay
Lungkot na kalaban , isip ko ay pinapatay
Hinahanap ang kahapon , Saya ay nahiwalay
Nagbabakasaling magkaayos muli kayo ni inay

Katiting na porsyento , yan ang mahirap ibigay
Pisi ay napigtal, dumilim ang buhay
Tarik ng hagdan , makulimlim loob ng bahay
Datdatnan madilim na umaga , pagmasdan,damhin malamig na ang aking bangkay
Konektado ang isip at pisi pati ang pagiyak ng uwak
raquezha Jul 2019
Sādi Riŋkonɑdɑ
akō pinaŋigin
Sādi man akō nagdakələ
Ŋāmin na natərān
sādi natərakān
Ŋuwān na arayô kanimō
migbalik na 'kō
Nalilipuŋəw na akō ki Inay
lalô na ki Itay
Sabi ŋanî kan ku mga guraŋ
"A dirî tattaoŋ maglīlî sa pinaŋgalinan,
dirî makaaābot sa pig-iyānan"
ta migābot a aldəw
na migbalik kitā sa abo
aŋgan sa maliŋawān na
kitā ku ŋāmin na
nakakabisto kanatə
riŋkonɑːdɑ, rinconada poetry, iriga city
Alaska Young Jul 2021
dearest inay,

you won't be able to read this
but still I wanted to write
hoping that angels will whisper my words to you

inay, your passing is the most painful I ever had
no words can explain the pain I felt on that November morning
and after half a year, tears still streaming
I wish I could blame someone
I wish I could just say that it's just a matter of time
and everything will be okay
but I know deep down, everything will never be the same

I didn't tell you before
but you are the definition of a mother to me
you are so selfless and caring and loving
and when I'm with you
I feel like I'm a child that needs protection
not an independent girl people have known me to be

I pray, God will let me meet you again in another lifetime
I wish you could be my child
so that I can show you how good mother you are.

i miss you so much and it breaks my heart knowing that in this life, we will never have a chance to speak again

— The End —