Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"inahon" poems
Sa aking pinakaunang alaala ako’y nalulunod sumasabay sa pwersa ng agos tumatama sa mga hitang walang nakakaramdam sa pangyayari sa ilalim tanging nakikita ko lamang ay ang bughaw na katubigan at mga bulang pilit kumakawala sa aking bibig. Tanggap ko na naman kung yaon na lamang ang itatagal ng aking munting buhay handa na ako sa aking kasasapitan, nang may mga malaking kamay na inahon akong walang hirap patungo sa liwanag na inakalang hindi ko na ulit masisilayan. Labing siyam na taon na ang lumipas biglang tumimo sa utak ang pangyayaring nagpalapit sa kamatayan paano na lang kung yaon ba’y natuloy mababago ba ang buhay nang mga taong nakasalamuha ng mga sumunod na mga panahon? Sapagkat isa lamang akong basura na parang muling binalik nang mawaring may pag-asa pa upang muling gamitin at muling maging patapon sa mga matang mapanlait dito sa mapanlinlang na mundong patuloy na umiikot para ipamukha sa akin na isa akong pinaka walang kwentang tao.
0
Jun 25, 2016
Jun 25, 2016 at 10:13 AM UTC
Pinakaunang Alaala
ang mabagal na takbo ng ambon 'tila ba ay may ibang pahiwatig katawan ay unti-unting inahon sapagkat sayong mata ay naantig. sa bilis ng bugso ng bagyo na nagpaikot sa aking tingin, kusang pumunta patungo sayo at sa balikat mo ako ay 'yong diniin. mumunting butil ng luha ang umagos habang yakap ang tanging inalay. naisin mang sumigaw ngunit paos tanging sa hawak mo lamang ako hihimlay kaya't sa huling patak ng rumaragasang ulan, hinanap kita pero huli na ang lahat. para kang tubig ambon na sa akin lamang dumaan, matamis sa una ngunit sa huli'y umalat.
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 8:49 PM UTC
patak