Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Hindi na ikaw ang gusto ko
Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko
Sa twing nakatingin ako sa sayo.
Ayaw ko na ng mga mata mo.
Ayaw ko na ng mga ngiti mo.
Ayaw ko na ng lahat sayo.
Pinili kong maging pusong bato
At hindi pansisinin ang nararamdaman ko.
Parang normal lang
Gaya nung wala pang ikaw.
Kaya ko nung wala pang ikaw
Nagkandaletche letche lang nman ako nung may ikaw
Kasi nung may ikaw
Para akong baliw na laging nakangiti
Nakatingin sa langit
Iniisip ka palagi
At
Ayaw ko na non.
Kaya araw araw akong magiging bato
Sasanayin ang sarili magmukha lang na malakas ako.  
Kahit nakatingin ako sayo ngayon.
Ngayon.
Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko
Bakit ikaw parin ang gusto ko
Sa pagising sa umaga
excited pa akong pumasok
kasi ikaw ang makikita ko
kuntento sa sandali
HINDI
kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo
“pasulyap sulyap”
Ibig sabihin Segundo
Pero sa bawat segundo ng isang oras na gunugugol ko
Ang gusto ay ang tumitig lang sayo  
Sa mga mata mo, sa ngiti mo
Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo
Tanggap ko.
Kasi ikaw parin ang gusto ko
Ikaw ang gusto ko
Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba
Kaya sinunod ko sila
Pero sa twing ikaw ay makikita
Parang madilim na kwarto
na ikaw lang
Ang tanging ilaw na bukas
Sa sandaling yun
Walang ibang gamit
Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat.
susubok akong magsalita pero lalayo kana
tinatawag ka ng kaibigan mo
kasi ang isang oras ay tapos na.
“SANDALI” sabi ng prof.
muling napinta ang ngiti sa labi
dahil sa huling sandali
sumulyap muli sayo.
   Patapos na ang sandali
At tinawag kana muli
ng mga kaibigan mo.
habang hinihiling ko,
Na sana ay muling magsalita ang prof ng kung ano,
Pero sa oras na yon unang lumabas
ng silid ang propesor.
dahil tapos na ang sandali
Tapos na.
Ang isang oras.
KHAYRI RR WOULFE Nov 2018
Unang gabi sa huling sandali
Nag-aagaw ang ilaw at dilim
Katahimika'y namamayani.


Nakatayo sa gilid ng bangin
Isang hakbang tungo sa libingan
Nakapikit ngunit nakatingin.


Sumilip ang buwan sa kalangitan
Hudyat ng katapusan ng duyog
Tuluyang bumukas ang pintuan.


Lumiyab ang bawat alikabok
Mga alitaptap na dumadapo
Sa bawat sugat nangingimasok.


Buhok ay nagsimulang lumago
Sabay sa pag-ikli ng hininga
Nagpupumiglas sa bawat pulso.


Isang bulaklak na bumubuka
Dugo at ginto ang tanging dilig
Usbong sa hungkag at tuyong lupa.


Buto at laman ay nanginginig
Balat ay nagsimulang uminit
Halik ng apoy sa pulang tubig.


Umuungol sa bawat pagpunit
Likuran na may bagong pasanin
Ngipin na sukdulang nagngangalit.


Nakalutang sa payak na hangin
Kamay ang nagsisilbing kandila
Maglalakbay sa tulay na itim.


Isang sulyap bago kumawala
Ibinuka ang pakpak na pilak
Huling yugto ng pakikidigma.
Written
11 November 2018


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Hayag ang liwanag ko sa gabi
Kung walang ulap sa aking tabi
Ako'y malaking ilaw na nakasindi
Na tila hindi napupundi

Ako'y gising sa gabi'ng malalim
At nagsisilbing ilaw sa daang madilim
Ngunit ang lahat ay matatago sa lilim
Kung ang langit ay makulimlim

Ako'y tiyak na masisiyahan
Kung sandaling pagmamasdan
Lumabas mula sa iyong tahanan
At mamangha sa ilalim ng buwan

Buwan ang aking pangalan
Masdan ang aking kagandahan
Bituin ang aking mga kaibigan
At ang tahanan namin ay ang kalawakan

JGA
(Check on Wattpad - Rafaelkravidel-Buwan)
rom Dec 2
susunugin ko ito sa aking ala-ala —
hindi ang tangkang pag-abot ng mga kuwitis sa mga tala
o ang pagpinta nito sa langit ng bughaw, lungti, at mabaya
ngunit ang ating kinatatayuan kung saan walang mga braso o daliring nagdidikit
walang mga sulyap na nagtatago't nag-aasaran
ngunit ito kung saan tayo'y parehas na nakatingin sa langit
hinahangaan ang pulburang makukulay
sa kanilang dahan-dahan na paghulog
sapagkat sumabay na rito ang aking damdamin
at sa'yo lamang ito nais ipagkaloob.
naught Oct 2018
ika'y
parang
buwan,
nag-iisa
sa kalangitan;
tumanglaw
sa mundo
kong walang
ilaw.
#1
aL Jan 20
Natapos na uli ang ulap na makulimlim
Nariyan na ang init kasunod ay magandang takipsilim

Nagbabagang araw na pumaparoon na sa kanyang pagtago
Ang ganda ng iyong ilaw ay pagmamasdan ko
kingjay Jan 23
Ang matamis na lunggati
Debosyon sa dapithapon
Ang pagkurap ng liwanag na  kuyad-kuyad ay
sinapupo ang emosyon

Sa paglakad ng relo -
bilog na mayroong guhit ng oras
Gabing panaginip ay umimbulog
Sa malamayang tanawin
Naka sambalilo nang nanood

Nang natawid ang gabi't araw
Nasilayan ang bagong buhay
Regalo ng Panginoon
Sa bintana hinintay
ang muling pag-ahon ng ilaw

Sa pagtutungka na parang lango
Wari'y gumapang sa kalawakan
Pagawpaw ng pangarap
Di maabot kahit sa panaginip man lang
Nakasalubong si Dessa ngunit kagyat nang lumisan

Ang kanyang mabuhaghag na buhok
humahaba nang malubay, medyo pakulot
Naniniwala kahit sa kalagimlagim na sandali
Na ang mga nakaraan ay maalala muli
nadine Sep 19
bawat pag silip ng araw
di pa rin malunasan aking panglaw
pagka’t naglaho na ang pumukaw
ang kaisa-isang nais matanaw
ang aking hiling sa bulalakaw
ang aking irog, tanging ilaw
sadyang hindi ka na abot-tanaw
at sa panaginip nalang dadalaw
ang kaluluwa ng kinalimutang ikaw
kingjay Dec 2018
Sa siglaw ng pagkapanaw ay lumamlam ang ilaw
Sa dibisyon ng dalawang kaharian ay ang larawan na inalis sa pananaw
na pumitlag-pitlag

Mas malamig pa sa yelo ang istorya kung dadamdamin ang ipinapalitaw
Ang dulo ng kidlat na ipinukol ng langit ay gumawa ng sugat
na dahilan ng antak

Ang mala-tanso niyang buhok paano kakalawangin
Gumaganap ang pag-ibig nang palihim
Darangin sa apoy ng katotohanan sa pagsisinungaling-
nang hindi pagsabi na talagang umiibig

Nahimlay sa kamposanto
Di malikmata ang natatanaw na santilmo na umaalab
Tanglaw sa salamisim na siyang nagrereplek-balik

Ang dyamanteng hikaw ay pawang tala ikinabit sa kanyang tainga
Kariktan ay lalong nadadagdagan
Bumuyo para magnakaw ng halik
kingjay Dec 2018
Hindi panggagayuma
Lubos ang kagustuhan
kaya ang aguha ay itutusok sa mannekin
At si kupido ay sumibangot
Mapapamahal o mamaalam
Itugon kahit alinman

Pakinggan ang katwiran kung bakit di kaagad nagtapat
May kaparasuhan man ay hayaan na lang
Sapagkat parang binidbid ang buong katawan sa pag-uusig
ng mismong salang pang pag-ibig

Sapagkat kapatid ng pipi, di nagsasalita
Ayaw sabihin sa minumutya
May kaba sa dibdib
Nag-aalangan nang labis
Likas na mahiyain

Gaya ng linta na sumusupsop ng sigla hanggang sa naghinagpis
Matinding kirot ang dahilan ng pagnguyngoy na abot-langit
Kumukurap ang ilaw sa paligid
Natagpuan na nabuwang na umaaligid

Sa yungib nagtago ang takas sa pag-ibig
Mga bitak sa bato ay inihahambing
Ang bahagi ng buhay kung saan naglaho ang mga bituin
kingjay Jan 4
Sa malayong baryo ng lalawigan ng Antigo, ng bayan ng San Arden
Nakatira kapiling ng ama
Sa murang edad, sanay magtrabaho
Magpukpok ng pako sa tabla

Sapagkat naulila sa inang nagluwal
Ikinapahamak ang matagal na pagpapakasakit
upang mailabas lang kapagdaka
bilang anak niya
sa kamalig ng kanyang ama

Kinalong ng lolo
Mga kamag-anak ay humingi ng saklolo
Bumugalwak ang dugo sa patadyong
May pag-asa pa bang mailigtas
kung dadalhin pa sa bayan nang gamutin ng pantas

Sa daraanan sa palayan, kay lakas ng ulan
Pumapagaspas ang dahon ng palay
Kakaunti lang ang hininga sa di magkamayaw na hangin
Talagang binawian na
Nautas ang ilaw ng pamilya

Sapagkat iisa lang ang bunso't panganay
Kailangan sundin ang utos at patnubay
Kung nabagot sa kahihintay,
sa pag-uwi may sasalubong-
hampas ng latigo na maglalatay
Napa-ibig ako sa aking kinakaibigan.
Sa una siguro’y ang pakiramdam ay magaan.
Nagkakilala ng basta-basta, walang dahilan.
Siguro dahil na rin sa  mabuting kapalaran.

Isang araw’y nalaman ko,
Magkapit-bahay lang pala kami.
Lalong nagkalapit ang puso’t damdamin.
Makalipas ang isang taon ng pagkikilala,
Sa dami ng tambay, kain, at gala,
Sa problema ng tropa o kaya’t sa pamilya,
Sa ngiti at ngisi sa bawa’t asaran,
Sa halip na ika’y may pagkasira,
Sa iyong puso na palaging hinihiwa,

Naroon ako sa iyong tabi,
Unti-unting napapangiti,
Napapamahal,
Nahuhulog ang dibdib,
Sa iyong pagkatao’t diwa.

Naaalala ko pa noong ika-siyam ng Mayo,
Bago matapos ang taon ng pag-aaral,
Sa isang buwan magkakahiwalayan na,
Magkokolehiyo na’t iiwan ang mga pinagdaanan.
Umiyak ka sakin habang nakain pa ng pakwan.
Na natatakot lang magsimula ulit,
Na makaranas ng bagong landas,
Na magbago, at maging kung sino man.
Na mahal mo ang iyong mga kaibigan,
Na ayaw mo silang iwanan.

Sinabi ko sayo,
Ika’y minamahal,
Ika’y itinatangi.
Ngunit hindi ko masabi,
Na ako ang magmamahal,
Ako ang magtatangi sa’yo.
Kaya ako’y gumawa ng katwiran,
Na kaming mga kaibigan mo,
Ay naririto lamang.

Ang pag-ibig ay parang nota,
Sa musika ng tadhana,
Sa teatro ng buhay.
Ito’y maligaya,
Upang hikayatin,
Ang ating puso na makinig.
Ngunit hindi kang saya ang ipinaparating.
Kundi’ hirap, lungkot, at paghihinagpis.

Parang emosyonal na gitara,
Na minsan nasisira,
Napuputol ang kwerdas,
Nasasaktan ang kamay,
Nalulumbay sa tono,
Habang humihiyaw,
Kumakanta ng buong puso,
Para sa ating mga sinta.

Dumating ang Agosto,
Miyerkules ng unang linggo,
Sa ika-beintidos ko nalaman,
Na galing pa sa iyong dila,
Na ako’y huli na sa paligsahan,
Na mayroon ng nanalo sa laban.
Ang puso mo’y nasagip na ng iba,
Ika’y nagkwento ng matagal-tagal.
Ang ningning sa iyong mata’y,
Parang ilaw sa entablado,
Nakikita ko ang mga sumasayaw,
Ligaya ang aking nararamdaman,
Habang ang aktor ay ako,
Na iyong tinitigan ng husto.
Pinipilit makinig nang maigi,
Sa kwentong busilak ng pag-ibig.

Ngunit pagkatapos ng kwento,
Naiwan akong mag-isa.
Sumigaw ng wala sa tono,
Sa kanta na puro hiyaw.
Hindi ko inakala,
Na ang kanta ko’y ganito,
Naisulat na ang mga nota,
Ngunit bakit masakit sa tenga?
Sa simula ng ika’y makita,
Nagsimula na ang tugtog.
Ngunit hindi ikaw ang aking kasayaw,
Hindi rin naiwasang mahulog.
Kahit pigilan ko man ang sarili,
Ako’y nahatak ng iyong tunog.
Magaling ka sumagaw,
Kwento mo’y ako’y napaikot.

Napapaisip ako,
Anong nangyari,
Bakit natapos,
Ang ating kanta.
Ng wala man lang paalam.
Ika’y bumula.
Nawala sa aking buhay.
Na para bang multo.
Hindi ko malapitan,
Mahawakan,
Matawag,
Ni mabanggit ang iyong pangalan.
Nawala ang ating teatro,
Nagkahiwalagan ang magkaibigan,
Ang direktor ay lumisan,
Upang maiwasan ang drama.

Napapaisip ako ngayon,
Bakit ikaw pa rin sa ngayon!
Ikaw na multo ng nakaraan,
Ang aking minamahal hanggang ngayon.
A Filipino poem about this girl I became close friends with. Originally a spoken word poetry for other purposes. I decided to post it here because, why not. I’m still in love with her up to this day. Well, it’s only been six months so this will be a long painful process.
M e l l o Jul 19
ang buhay
ay parang pagtawid
sa kalsada
tingin sa kanan
tingin sa kabila
nag aantay na maging
berde ang ilaw
na nasa kabila
mabilisang pagtawid
sa kalsadang abala
sumasabay sa mga taong
hindi kilala
wag kang tumawid
pag ang umilaw ay pula
mas mabuting mag-antay
kesa masagasaan ka
Poem of the day.
BL Mar 12
Matapos ang bawat kanta ng aming pwedeng kantahin
Dasal na alay para sa mga taong may ilaw na bilog sakanilang ulo

Hihinga ako ng malalim
Ngunit di maaalis ng aking paghinga ang kaba at takot sa aking dibdib

Tubig at bolpen lang laman ng aking bag
Sa pagdarasal
Alam kong hindi sapat ito para ako’y manatili sa aking kinalalagyan

At tulad ng aking dalangin
Naghihintay ang aking ina sa ibaba
Sa kanyang puso at mata
Dama ko ang kanyang pagmamakaawa


                                  “Bigyan niyo po kami ng awa”


                                              “Maawa po kayo”


Rosaryo, rosaryo, rosaryo, rosaryo, rosaryo
Rosaryo sa Huwebes
Rosaryo na aming kailangan sabihin sa wikang ingles


Siguro sa aking pagdarasal ng rosaryo ng malakas
Ay maawa sila saamin
Masakit man ang tuhod sa pagluhod
Hindi pa rin nito maalis ang takot at kaba sa aking puso


                     “Alam ko pong hindi sapat ang aming dala”


Ang Ikalimang Misteryo ng aking pagmamakaawa


                            “Pero sigurado po na ako’y may alam”


Naghihintay ang aking ina sa ibaba
Nananalangin na sana’y hindi niya ako isama sa kanyang pag-uwi

Matapos man ang mga Misteryo ng Rosaryo
Alam kong hindi pa tapos ang aking kalbaryo
Dahil ilang minuto na lang alam kong tatawagin na aking pangalan


                                               “Maawa po kayo”

                                                         ­    .
                                                             .
                                                             .
                                                             .
                                                             .
                                                             .


Hindi maaalis ng lamig ang pagpawis ng aking mga kamay ng buksan ko ang pinto
At sa ibaba, nakita ko agad ang aking ina

Itinaas ko ang aking kamay
Sabay ng kanyang pagngiti

Ako’y mananatili
Hindi na niya kailangang mag-alala
Magsisimula na ang aming pagsusulit
At kailangan kong pumasok na




© 2019 B.L.
All Rights Reserved.
Erikyle Aguilar Oct 2018
Si tatay,
siya yung tipong gagawin ang lahat,
kahit buong buhay niya ibibigay,
pupunta kahit saan, kahit kailan,
masuportahan lang ang buong pamilya.

Siya rin yung kahit na may mali ka,
pilit pa ring iintindihin ka,
grabe ‘yan kung magalit,
pero pagdating sayo, may pusong mamon.

Ang haligi ng tahanan, ang tagapagbantay,
hahanapin ka pag napapahiwalay,
walang sinumang pababayaan,
hangga’t kaya, ipaglalaban,

Kahit sobrang daming problema,
kinikimkim nalang, hndi pinapaalam,
kasi ayaw niya kayong mapahamak pa.

Kaya ‘tay, kahit marami kang ginagawa,
pinararamdam mo pa ring andiyan ka,
pero ‘tay, kamusta ka na?


Si nanay,
siya ang ilaw ng tahanan, totoo nga naman,
iingatan ka, pakakainin ka, ipagluluto ka,
minamahal ka,
hindi ka niya iiwanan, kahit gusto **** makapg-isa.

Siya yung sa simula palang,
naghihirap na, nasasaktan na, nagtitiis na,
lahat ng ginagawa niya mula sa simula ay para sa’yo,
siya yung kahit madaling araw na, gigising pa rin,
makita ka lang na natutulog nang mahimbing, sapat na,
at kahit walang tulog, pagsisilbihan ka pa rin.

Kahit galit, mahal ka niyan,
“makuha ka sa tingin”, lagi niyang sinasabi,
magbibilang pa siya, kasi mahaba ang pasensya niya sa’yo,
“isa, dalawa, dalawa’t kalahati, magtatatlo na”.

Kahit madalas siyang galit, mas umaapaw pa rin ang pagmamahal niya,
hahanapin ka hanggang makauwi ka, hindi pa ‘yan makakatulog nang wala ka,
makakailang tawag pa sa’yo,
kahit puro “asan ka na?” ang naririnig mo,
mamimiss mo, at hahanap-hanapin mo pag hindi tumawag.

Kahit may pasok, kahit may sakit, kahit pagos,
hindi siya magiging tamad, nagpapahinga lang,
kaya mahal ko ang nanay ko,
kasi siya ‘yong laging nasasandalan ko.

Walang kontrata ang pagmamahal ng mga magulang,
dahil kahit matanda na tayo, tatay pa rin si tatay, at nanay pa rin si nanay.


Si kuya,
siya yung kapatid na hindi mo maintindihan kung paano magmahal,
siya yung kapatid na grabe mangasar, mangulit, at magpahiya,
ganyan naman talaga 'yang si kuya,
ganyan niya pinapakita ang pagmamahal niya sa'yo.

Hindi man siya magsabi ng "I love you",
ipakikita naman niya ito sa pamamagitan ng
pagmamalasakit niya sa kaniyang mga kapatid,
ipapaubaya ang kahit ano,
kahit na mas kailangan niya pa.

Hanga ako kay kuya,
dahil hindi madali maging isang panganay,
lahat ng galit o sermon, sakaniya napupunta,
kahit madalas ang kapatid niya ang may kasalanan.

Walang papantay kay kuya,
kaya kuya.
andito lang ako kung hindi mo na kaya.


Si ate,
bibigyan ka ng atensyon kahit may ginagawa siyang iba,
madalas na nagbibigay ng payo,
mapagsasabihan mo ng mga lihim,
parang isang talaarawan.

Siya ang kanang kamay ni nanay,
kasama sa pamimili sa palengke, kasama sa kusina,
kasama sa pagluluto at pagkakain, kasama sa pagpupuyat.

Aasarin ka niyan, pero mahal ka niyan,
sasabihan ka niyang, "Uy, binata ka na".
o kaya, "Uy, dalaga ka na",
Maiiyak ka sa tuwa sa pang-aasar niya.

Siya ang unang yayakap sa'yo sa kalungkutan mo,
malambing, parang anghel ang boses, mainit ang yakap,
lahat ng init na kailangan mo sa malamig na gabi
ay mabibigay niya.

Parang mga bituin sa langit,
kaya si ate, mahal ko 'yan,
mahal na mahal ko 'yan.


Bunso,
siya yung pinakamakulit sa lahat,
kahit anumang suway mo,
sige, tuloy pa rin sa pagkakalat.

Siya yung nagpapasaya sa bahay,
ang kaniyang paglalaro
o presensya palang ay sapat na.

Siya yung nagmamakaawa,
makamit lang ang gusto niya.

Kahit na pagod na kayo,
tuloy pa rin ang pangungulit,
tuloy pa rin ang kaniyang pagpapatawa,
hanggang sa sumakit ang panga mo sa katatawa.

Ading,
salamat dahil andiyan ka,
salamat sa pangangamusta,
mahal ka naming lahat.
a collab work of Chester Cueto, Jose De Leon, Danver Marquez, Erikyle Aguilar, and Ericka Kalong
Stephanie Aug 2018
Para sa Pusong Iniwan
: A Spoken Word Poetry by Stephanie Dela Cruz

Umuulan na naman pala
Basa na naman ang kalsada
Malamig na naman ang dampi ng hanging nagmumula sa bukas na bintana
Gabi na rin pala, nalipasan na nang gutom,
Nakapatay ang ilaw sa kwarto, pero maya’t mayang binibisita ng liwanag ng kidlat
ang malungkot na gabi
Ang hirap pala ngumiti kung may luhang dumadampi sa mga pisngi
Nakakatawa kasi eh. Buti pa ang kidlat bumibisita
Buti pa ang kidlat, may hatid na liwanag, tapos yayakapin ka ng kakaibang lamig ng haplos ng hanging dala nito
Mabuti pa ang ulan, bumubuhos na parang malayang-malaya
Bumubuhos kasama ng mga luha
Bumubuhos kasama ng mga sakit na iniwan
Bumubuhos kasabay ng pagluha ng pusong iniwan.

Umaga na naman pala
Buti nalang nagising ng maaga
Haharap sa mesa, at kagaya ng nakasanayan, magtitimpla ng mainit na kape
Tatangkaing gisingin ang diwa, susubukang palitan ng init ang hatid na lamig ng gabi
Iba talaga ‘pag hinahatid ka ng sariling paghikbi sa kapayapaan ng mundo ng mga panaginip
Doon kung saan walang sakit, yung bang walang imposible
Heto na naman, panibagong araw
Araw-araw kong nasisilayan ang sigla ng sikat ng araw pero bakit dama pa rin yung dilim kinagabihan
Hindi pa rin matanaw ang liwanag
Tinangay mo kasi
Sinama mo sa pag-alis
Bakit naman kasi ang bilis? Hindi man lang ako nakapagpaalam

Tanghali na pala
Oras na ng kain.
At tulad ng dati, inaaya pa rin nila ko kumain
At tulad ng dati, tumatanggi pa rin
Kasi alam ko pupuntahan mo ko tapos sabay tayong kakain
Dun sa dati, sa paborito natin
Tanghalian na pala
Pero imbis na sa pagkain ay sa telepono ako nakatingin
Hindi man aminin pero sa loob loob ko’y naghihintay pa rin
Para sa iyong “kumain ka na ba?” o “Puntahan kita, kain tayo”
Hingang malalim, yung may kasamang matinding damdamin

Ilang tanghalian pa at malilimutan rin kita

Malilimutan ko rin yung ningning sa’yong mga mata kapag kausap kita
Yung mga biro **** corny pero tatawanan ko pa rin kasi habang binabanggit mo yun, natutuwa  ako
Natutuwa ako na kasama kita
Natutuwa ako na kausap kita
Natutuwa ako kasi akin ka
Natutuwa ako kasi ang cute mo, para kang batang masayahin
Natutuwa ako kasi magkasama tayo
Natutuwa ako kasi solo natin ang bawat sandali
Natutuwa ako kasi ikaw yan at mahal kita

Yun. Tumpak! Mahal pa rin kita.


Matagal na rin pala.
At hindi na tulad ng dati
Memoryado ko na lahat ng pasikot-sikot ng pagkatao mo
Ginawa kasi kitang mundo ko
Mahirap.
Masakit.
At para lang malaman mo, hindi kita kinabisado na tila mga salita sa paborito nating kanta para lang limutin
Mahirap.
Masakit.
Hindi naman kasi kita ginawang mundo para lang lisanin
Pero hindi naman talaga kita nilisan, mahal.
Ikaw yung nang-iwan
Ikaw yung sumuko
Ikaw yung bumitaw
At matagal na rin pala
Nung sinabi mo sakin na “Malaya ka na” alalang-ala ko pa. Yun yung panahon kung kalian ayaw kong lumaya. Ayaw kong lumaya sa pag-ibig mo. Gusto ko masintensyahan ng habang-buhay na pagkakulong dyan sa puso mo, sa buhay mo.

Pinilit ko kumapit pero kinalagan mo ako, pangako, pinilit ko pero pinalaya mo ako

Matagal na rin pala
Mahirap pa rin.
Masakit pa rin.
Ako nalang ang hinihintay. Siguro’y panahon na.
Para sarili ko naman yung palayain ko
Hindi naman siguro kailangang pilitin
Hindi naman kasi ganoon kadaling kalimutan ang isang taong naging parte na rin ng pagkatao ko
Pero para sa ikalalaya ng pusong iniwan
Para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan
Sisimulan ko na…..                makalimot.

Pero teka…


Umuulan na naman pala.
Wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala


Maaalala na naman kita.
I just have every pain and smiles enough to write this piece, not necessarily the experiences. Perhaps, with all my heart
Ri 10h
"tangina naman."

napamura nalang siya noong narinig na ang pamilyar na tono ng kantang kinamumuhian niya.

"putang ina talaga." at sa mga oras na iyon, malutong na ang pagkakasabi.

siguro'y hindi magandang ideya na inimbitahan niya ang kanyang matalik na kaibigan sa toyota music festival dahil a) nandoon si ely buendia; at b) hindi matatapos ang gabi kung hindi tutugtugin ang paborito nilang kantang "ang huling el *****".

“i love this song.”, sabi ng kanyang kaibigan. narinig niya ito at nagulat na biglang sumigaw nalang siya ulit ng "we love this song!"

"yeah, we do." sinabi niya ng pabulong.

kanta kasi niya ito para sa kanya. wala namang espesyal na nangyari sa pagdudulot ng pagmamahal sa piyesa. sadyang nagkataon lang na lagi nilang kinakanta ito tuwing sobrang traffic sa edsa.

gusto nalang niyang umalis bago pa siya umiyak ng husto,

at baka hindi na niya pakawalan ang hindi naman sa kanya pagkatapos ng gabing ito.

patuloy na tumugtog ang kanta. ang kaibigan ay hangang-hanga sa lalaking tumutugtog sa harapan niya at siya naman ay nahanap ang sarili niyang nakatitig lamang sa kanya.

at ayun, sumabay na sa pag-awit ang kaibigan, at hindi na niya napigilang ngumiti dahil napakaganda ng gabing ito. napakaganda ng kasama niya.

"let’s just enjoy this moment." sambit niya sa sarili.

ngunit unti-unti na siyang ginigising ng realidad habang tumatagal ang kanta. noong dumating na sa punto na kinanta na ang 'sana noon pa man ay sinabi na sa iyo', tila ba'y nawala na ang sayang panandalian lamang pala.

nagulat nalang siya nang nakita niyang tumutulo na ang mga luha ng kaibigan at naramdaman na ang kanyang kamay ay hinanap ang kanya. hinigpitan ang kapit at hiniling nalang niya na sana'y hindi matapos ang gabing iyon.

inisip na lamang niya na walang kahulugan ang nangyayari. siguro'y nadala lang sa emosyon ang kaibigan at ayaw na rin niyang umasa pa dahil iyon ay isang pagkakamali.

pinunasan nalang niya ang mga luha sa kanyang pisngi. tinignan siya ng kanyang kaibigan at natawa na lamang na napakababaw ng kanyang iniiyakan.

'lumipas ang maraming taon, ‘di na tayo nagkita.'

siguro'y ganoon na nga ang magiging hantungan ng lahat. mababalitaan nalang niyang may nagagawa na siyang hindi na siya kasama sa mga planong uukitin niya sa hinaharap.

siguro'y kapag nagkita ulit, maalala nalang ng kaibigan niya ang gabing ito ngunit wala na halos sa isipan ang lahat ng nangyari.

para naman sa kanya, hindi niya siguro makakalimutan kung gaano kabigat sa damdamin ang dinulot nito.

'lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw.'

hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob noong niyakap na niya ang kanyang kaibigan.

kaunting saglit na lamang naman ay mawawala na siya sa piling niya.

huling gabi naman na ito. pagbigyan na.

'sa panaginip nalang pala kita maisasayaw.'

minsan, sana'y nagawan nalang niya ng paraan para umamin. siguro'y may malaking pagbabago kumpara sa mundong ngayon ay kinagigisnan. siguro kung inamin niya na mahal niya ang matali na kaibigan, siguro'y hindi na siya naghanap pa ng pagmamahal sa iba.

at siguro, hindi lungkot ang nananaig na emosyon sa pagkagandang-gandang gabi na ito.

dumarating na ang mga huling sandali ng kanta at panatag na siya sa kanyang nagawa. naiyak na rin niya ang kailangang iiyak. namahal na rin ang dapat mahalin.

"i love you." pabulong na sinabi sa kaibigan. hindi naman siguro narinig at nasa kalagitnaan ng parteng instrumental. hiniling na lamang na sana'y hindi narinig.

wala nang pagkakataon pang ipagsigawan sa mundo ang tatlong salita. mahirap nang sirain ang pagkakaibigang tumagal na ng halos tatlong taon.

huling hirit na ng banda. tinatapos na ang kanta.

“this has been toyota music fest. good night!”

sa pagsapit ng huling tunog at pagpatay ng ilaw, sabay niyang kinalas ang sarili sa piling ng kaibigan.

at noong gabing iyon, natuto siyang magmahal at magparaya.
at tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.
Vid May 30
Araw

Akala ko ikaw na yung mundo ko
Akala ko ikaw na yung araw at gabi ko araw lang pla kita

Araw nag bibigay liwanag sa daang madilim salamat naging liwanag kita binigyan mo ko ng pag asa lumigaya

Pero malayo ka hinabol kita sinundan kita tinakbo ko kahit mainit pa nag papaltos ang paa tumagatak ang pawis ng parang lawa okay lang kase binigyan moko ng pag asa para sumaya

Pawis na tumatagaktak na parang nota humihimig ng maganda sinasabe sa aking tengga na malapit kana

Binilisan ang takbo para mahabol kita walang pake kahit maka bangga subalit akoy nadapa
sugat ang nag silbing sakit na nadama

Sinusundan ang liwanag na nag sasabing may pag asa pa

Umiitim nako pero bat ang layo kopa  dumidilim na nawawalan na ako ng pag asa baket oras na para na umalis kana baket ngayon pa

Baket sa oras na madilim staka  ka mawawala  Kay langgan kita baket sa oras na madilim ako dun kapa nawala

Pano ko makikita yung daan kung wala ka diko kaya pag wala ka nahihirpan ako sa dilim ilawan moko para makita ka

Gusto kitang kalimutan gumawa ako ng paraan para lubayan nag umbrella para maiwasan ang sinag mo pero nahihirapan ako diko pala kaya kalimutan ka

Pero baket hanggang ngayon hinahanap hanap ko paren yung araw ko kung saan iikot ang mundo ko yung parang kulang yung mundo pag wala yun araw ko

Kaya siguro hinahanap ko pa yung taong nag papaliwang sa madilim kong mundo yung nag papainit sa nan lalamig kong minuto segundo

Naalala ko di pala hindi kita mundo kase nasa mundon kita ikaw yung nag papa ikot ng oras ko sa buong  buhay ko nag babalanse sa wordwide ko

Sa mundo mo ako si buwan yung palihim **** na sulyapan magandang umaga ako nga pala si buwan yung simpleng mahinang ilaw na laging na diyan sa tabi tabi mo lang

Magandang tanghale ako nga pala si buwan yung hindi kayang mag paliwanag ng  daigdig sa kalawakan pero pangako lagi kang sasamahan kahit sa kadiliman pangako magandang gabi ang madadatnan

Ang pag ikot ng araw sa mundo ko ang pag ikot ko sa mundo mo ay habang buhay ng mananatile

Magandang gabe ako yung buwan na pipiliting biygan ilaw ang madilim **** daan ako yung buwan nag bibigay panaginip maging masaya ka lng ako ang mamanatiling ilaw mo sa gabi para pag gising mo safe ka lng

Tandaan mo ako yung buwan na bibigyan ilaw sa paligid mo buwan na laging bibigay buhay sa gabi mo bibigay ningning sa mga mata tandaan mo buwan ako dimo nako maales sa mundo mo
Xeril Zapanta Sep 22
Isang madilim na kalungkutan
bumabalot sa aking isipan na para bang may
Nagpapahiwatig na mawawala na ako sa mundong ito.

Sa huling gabing sandali na aking nararamdaman
Nag-aagaw ang ilaw at dilim
Katahimika’y ang namamayani.

Nakatayo sa gilid ng bangin
Isang hakbang patungo sa kamatayan
At nakatingin sa kalangitan.

Sumilip ang pulang buwan sa kalangitan
Na hudyat ng kamatayan
At tuluyang bumukas na ang pintuan.

— The End —