Sige, mag paulan ka lang. Hanggang sa may lumapit sayo at pasilungin ka sa kulay dilaw niyang payong. Aalagaan ka niya na parang kuting na inabando na sa lansangan. Ipaparamdam niya ang pag mamahal, at makakalimutan mo ang pait ng nakaraan. Bubusugin ka niya ng pag mamahal, ilalayo ka sa kapahamakan at kung umulan nanaman at narinig mo ang bawat patak mula sa bubong na inyong sinisilungan, yayakapin ka niya ng mahigpit, pupunasan ang bawat luha na pababa mula sa marikit **** mga mata. Hahalikan ka ng bahagya at ibubulong na “Huwag kang matakot, hindi kana mag isa at hindi kana muling mag iisa.” Kasama mo siya sa lahat ng ulan, kulog at kidlat.
Kasama mo ako, at wala akong balak maging panandaliang silungan mo, kung maaari lang ay manirahan ka sa tabi ko.
Monday
4/13/20