Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ilalapat" poems
Andito na naman ako sa pagitan Sa pagitan ng ating pinagsamahan Ayoko na ba? O itutuloy ko pa? Susuko na ba? O magpapahinga? Hindi ko alam ang nararapat Pero alam ko ako'y tapat Sa pag ibig na sayo ilalapat At ako'y magiging tapat Mahirap pigilan Pero sinusubukan ko naman Dahil walang patutunguhan Hindi pang sawalang hanggan Pero alam mo nakakapanghinayang Yung samahan natin baka masayang Yung samahan na pagkakaibigan Na hindi magiging pang kaibigan Andito naman ako sa pagitan Ang isip ko ay nagpapalitan Puro salitang nagtatalastasan Mamahalin pa o bibitawan?
0
Apr 6, 2017
Apr 6, 2017 at 6:38 AM UTC
Sa pagitan
Wala ang pamagat, Malalim parang dagat. Marahil isang alamat, Puno ng lamat at sugat. Patuloy pa rin ang aking kwento, Kahit ano pa ang naging engkwentro. Ang bawat katagang hindi imbento, Ilalapat sa aking pulang kwaderno.
0
Jul 8, 2019
Jul 8, 2019 at 11:03 AM UTC
Wala.
"sabi mo gawan kita ng tula. bakit nga kaya hindi? pero sa twing ilalapat ko ang tinta ng aking panulat sa papel at isusulat ang mga salita na para sa'yo. hindi ko maiwasan ang malungkot maluha at matakot, na baka hindi na muling dumating ang pagkakataong ito, ang magpagawa ka uli sakin ng tula."
0
Jun 21, 2020
Jun 21, 2020 at 3:47 AM UTC
Tula para sa'yo