Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ikuwento" poems
*Gusto kitang makausap muli Habang naglalakad tayo pauwi Nais mapakinggan ang iyong mga kuwento Habang nakatingin sa mapupungay na mata mo Ikkuwento ko sayo ang parte ng buhay ko Baka sakaling magustuhan **** maging parte nito Ikuwento mo rin ang parte ng buhay mo At magbabakasakali ako na maging parte din nito Bagalan sana natin ang paglalakad Nang masulit ko itong pagkakataon Kasi baka hindi na ito maulit pa Darating pa nga ba ang tamang panahon? Humantong na tayo dito sa lugar Kung saan dapat ng maghiwalay Hindi ko man gusto matapos oras na ito Sana bukas ay muli kang makasabay*
0
Feb 9, 2016
Feb 9, 2016 at 10:31 AM UTC
Sabay na tayo
Sabi nila, kapag napapaginipan mo ang isang tao, iniisip o naaalala ka nila o kaya sila ang naiisip at naaalala mo. Pinili kong hindi maniwala sa mga sabi-sabi kasi napapaginipan kita tuwing pinipilit na kitang kalimutan. Tila bang pinapaalala ng mundo kung anong nawala sa'kin. May mga gabing hindi sumasagi ang pangalan mo sa isipan ko bago matulog Ngunit ipapaalala muli sa panaginip, ipapaalala kung gaano ako kasaya tuwing makikita ka, ipapaalala kung gaano tayo kasabik ikuwento ang araw ng isa't-isa, ipapaalala ang mukhang natutunan kong mahalin. At sa isang iglap, magigising ako, alas-kuwatro ng madaling araw, kasabay ng pagmulat ng mata, ang mabilis na tibok ng puso at tumatagaktak na pawis na parang kakatakas lamang sa isang bangungot. At kasunod nito ang malalim na buntong-hininga. Ibang klaseng katahimikan ang sasalubong sa'yo kapag alas-kwatro ng madaling araw, Rinig ang bawat segundo sa orasan, ang bulong ng mahinang volume ng TV na iniwanan **** bukas. Walang mga busina, walang humaharurot na motorsiklo, at walang boses na magtatanong kung binangungot ka ba. May mga katotohanan din na parang mas nagiging totoo, Halimbawa, ang katotohanang hindi mo na ako napanaginipan simula noong gabing ako'y iyong nakalimutan. Sa kabila ng dilim at katahimikan, Naiwan akong nakatulala Iniisip kung alin nga ba ang mas gugustuhin ang panaginipan ka tuwing makakalimutan ka o makalimutan ka hanggang sa panaginip. Nalaman ko ang sagot sa mga gabing sinusubukan kong kalimutan ka.
0
May 18, 2017
May 18, 2017 at 7:10 AM UTC
Alas-Kwatro

Continue reading...
27
Kwentuhan mo naman ako. Kahit na saglit lang, kahit ilang minuto lang. Pag usapan naman natin ang pag ibig nating tila'y tinapos mo agad ng hindi pa natin nasisimulan. Pag ibig na hindi mo binigyan ng pagkakataong mag simula. Ang pag ibig na pilit kong binubuo ngunit pilit **** winawasak. Ikuwento mo kung paano ka niya ipinagtulakan at Ikukwento ko kung paano kita hinabol Ikuwento mo kung paano mo siya binalikan at Ikukwento ko kung paano kita hinintay Ikuwento mo kung gaano mo siya kamahal at ikukwento ko kung paano ako nag pakatanga. Ikuwento mo saakin kung bakit siya pa rin ang pinili mo kahit na ako naman 'tong nandito. Ikuwento mo saakin lahat kung ano ang dahilan kung bakit ako nasasaktan para naman makuwento ko na kung paano kita bibitawan. Sa huling sandali, ikuwento mo saakin kung gaano ka kasaya at sasabihin ko sa'yo ang katagang "ayoko na". At ikukwento ko dito kung paano ako nagpapakatanga sa pag ibig na alam kong hindi naman mahalaga.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 1:05 PM UTC
to the man i thought was already moved
Walang pumuwersa sa iyo na magsalita ka. Walang nagsabi sa iyo na ikuwento mo ang iyong pribadong buhay. At lalong walang nagtulak sa iyo na ibahagi mo ang lahat tungkol sa iyong nakaraan. Kaya, kung ano man ang kinalabasan ng pagkukuwento mo sa ibang tao, huwag mo silang sisihin. Nakinig lamang sila sa iyo. Walang labis. Walang kulang
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 1:54 AM UTC
Nakinig Lamang Sila