Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ikinintal" poems
Kinakanlong mo ang Hiwaga at kahulugan ng Isipang sumisipat sa Walang kapares na Alindog ng paralumang Itinatangi ng engkantasyon. Tumila ka man, tila ang Unos na tangan mo ay Bitbiting papasanin ng Agam-agam at gunita. Lisanin man ng ulap at Ikubli ng bahag-hari ang Nagbabadyang pangamba, Ang iyong pagdatal ay Lumbay at ligaya na sa puso'y ikinintal.
0
Oct 11, 2013
Oct 11, 2013 at 7:11 AM UTC
Ulan
Sa mata nila, ako'y walang saysay Sa mata nila, ako'y walang boses Sa mata nila, ako'y walang karapatan Sa mata nila, ako'y isang pagmamay-ari Hanggang kailan ko tatamuhin ang ganitong katayuan Ang pakiramdam na para bang wala akong kahalagahan Dahil sa ako'y mahina, maamo't inosente ay wari bang inaangkin n'yo na ang katauhan ko? At sa hindi inaasahang pagkakataon itinaas Mo ang mga gaya namin at sinabing sa amin naghahari ang Diyos, lumundag ang puso ko sa tuwa Pinatayo mo kami sa kagitnaan ng mga mas may dunong at kapangyarihan Ang pagkilala mo at pag-ibig mo sa bawat isa Lalong lalo na sa mababang gaya namin ay tunay naming 'di maarok Sa pamamagitan namin, binasag mo ang tradisyong nagpapaalipin at inimulat kami sa tunay na kahulugan ng kapakumbabaan at nang tunay na kahulugan ng kaharian ng Diyos sa iyong halimbawa at aral, maraming nagulantang.. Hinayaan mo kaming lumapit sa Iyo At ikinintal ang iyong iniwika Na ang sinumang 'di tumulad sa isang maliit na bata sa pagtanggap sa paghahari ng Diyos ay hindi mapapabilang sa mga taong pinaghaharian niya.
0
Nov 19, 2019
Nov 19, 2019 at 12:39 AM UTC
Ang Batang Gaya Ko