Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ikinalulungkot" poems
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki Mga mata **** nakatitig sakin Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?” Ang sabi ko’y “wala” Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?” Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.” Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko” Naisip ko na baka kasi lasing ka na Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.” Ako din.. Kaya ko pa. Kaya ko pa…. Alam mo ang hindi ko kaya? Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko” Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo “Gusto kita.” Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong “Tangina! Tangina! Tangina!” Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?” Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.” Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako Hindi sa paraang ikakasama mo.. Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa Ayoko  ng umasa.. Pagod na kong umasa.. Napagod nalang akong umasa.. Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya Hindi kita kukunin sakanya Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta Para matapos lang tong salaysay ko Magiiwan ako ng mga salita na para sayo Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw Gusto ko lang malaman mo 'to Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko “Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko Para kong tanga na mabilis masawi Nakakahiya.. Pero totoo to “Gusto rin kita” Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin Yung mga titig mo Yung mga titig mo Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko Yung mga haplos **** namimiss ko Yung mga salitang lumabas sa bibig mo Yung ikaw Yung ako Pero… Yung akala kong may “tayo” Bigla ka nalang naglaho.. Bakit? Anong problema? Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 12:26 AM UTC
ALAK

Continue reading...
72
Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko, Ginusto ko naman ba 'to? Pinakawalan nga kita, Ngunit ako'y naging masaya ba? Ang mga dating alaala, Parang bula'y naglaho na Kung maibabalik lang ang dating samahan Gagawin ko ito ng agad-agaran Ang pagkawala ng tulad mo'y Sadyang ikinalulungkot ko Ang malaking parte ng buhay ko, Tila tuluyan ng nagbago. Nasaan na nga ba napunta, Ang pangakong binitawan Nung tayo'y masaya pa, Sabi mo'y di mo ko iiwanan. Ngayon ay aking napagtanto, Lahat ng tao ay nagbabago At wala na akong magagawa pa Kundi tanggapin nalang ito.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 8:17 AM UTC
"Dati"
Nagpalit ang mga numero sa aking relo Bigla itong tumunog at nabahala ako Labing-isang minuto makalipas ang alas onse na Oras na para humiling na ika'y muling makita Lumipas na ang apat na buwan Mula nung aking sinimulan Pagtigil at pagpikit ng mga mata Nangangarap, humihiling na magkatotoo nga Ikaw, oo ikaw, ang rason kung bakit Isang minuto akong nakatingala sa langit Hiling na makasama ka kahit ilang sandali Makita ka lang ay kumukurba ang aking lahi Dumating ang panahong ikinalulungkot ko Kawalang pag-asa sa buhay ay naramdaman mo Dahil doon nag-iba ang aking hinihiling Sana'y maging masaya ka kahit ako'y wala sa 'yong piling Bawat hiling ko ay laging tungkol sa'yo Hindi na iisipin kung may lugar ako sa puso mo Sana naman hindi maaaksaya Hiniling ko sa langit na ika'y maging masaya na Lumipas ang ilang taon, ikaw pa rin talaga Ang tanging hinihiling na makasama Muli akong pumikit at humiling Pagkamulat ng mga mata'y ika'y dumating
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 10:16 AM UTC
11:11