Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ikaliligaya" poems
Isa pa, isa pa, Isang beses pa, Isa pa, hanggang ako'y makuntento na, Isa pa, isa pa para sa aking ikaliligaya. Isa pang tula na ikaw ang inspirasyon, Isang tulang damdamin ko'y aking binaon, Isang tulang pinuno ng kaligayahalt pagmamahal, Isang tulang di kukupas, tulang tatagal. Dahil lahat binubuhos ko nalang sa tula, Bawat saknong, taludtod, kataga, Lahat ng elemento iisa ang diwa, Pinagkaisa ng pusong makata. Kaya isa pa, Isa pang tula na ikaw ang pinaghugutan, Dahil kahit na di sayo umiikot ang mundo ko, Ikaw parin ang gusto kong laman nito.
0
Sep 20, 2017
Sep 20, 2017 at 7:26 PM UTC
Isa pa
Nag Nagpaparamdam Nagpapadama Nagpapaalala Nagpapadala Ang damdamin Sa mga parirala Bagamat Walang sukat Ito ang inaakala Mga salitang Walang tugma Pero ikaliligaya Nalilito Nagtataka Nagtatanong Pilit iniintindi Ang bawat Bulong Hinuhukay ang Anumang natitirang Nakalubong Madumi at pilit pipigilan ito sa pag-usbong Nakita na Nakita ko na Kailan ba naging malinaw ang mali na.
0
Apr 12, 2021
Apr 12, 2021 at 3:02 PM UTC
Nag