Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ikakasal" poems
Sana, bata na lang tayong lahat… Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!” Sana , bukas ay bakasyon na… Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo. Sana, pasko na lang bukas… Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko. Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan … Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo. Sana ikakasal na ako bukas… Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo. Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 2:27 AM UTC
SANA

Continue reading...
12
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan; Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik. Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba? Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit. Nalulunod ako sa mga luha sa bawat oras ng pagkadapa, Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati; 'Sang pinsala dulot ng pag-ibig na nawaglit lang ng bigla Nasa'n ka na nga ba? Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali. Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal, At sa pagdating ng hating-gabi, ginagapos ng lubid ng karimlan: Walang mahagilap na dahilan sa paglayo mo mula sa 'king piling, Bukod-tanging kahapon na lamang ang aking sinusubukang gunitain. Subalit gulo ang s'yang aking batid, pait ang s'yang aking lasap; Ni walang kapayapaan, ni bigkis man lang ng galak. Tayo sana'y ikakasal na, ba't ka pa lumisan? Nasa'n  ka na nga ba? At kung hindi ka pa rin darating, sa panahong mundo na'y magdidilim, Maghihintay pa rin ako sa 'yo hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
0
Nov 27, 2011
Nov 27, 2011 at 8:42 PM UTC
Takipsilim
Palaisipan ang pagpili ng regalo para sa taong minamahal Syempre hindi pwedeng pandesal... pero di rin naman importante kung mahal Gusto ko sana yung personal, yun sa lungkot tagapagtanggal Para sa katulad **** espesyal, sana sa puso at isip mo magtatagal Syempre hanggat maari kasing bisa ng dasal, yung kasing saya gaya ng mga ikakasal Yung tipong pag-abot ko pa lang sayo, yung ngiti mo mula U.P hangang La Salle Maligayang kaarawan!! Dapat ngayon puro saya lang Kasi araw mo ito.. sayo lang.. walang pwedeng humadlang Hayaan **** mabahiran ng tsokolate ang iyong matamis na ngiti Kasi yung nagiisa **** TSOKOLATE.. wala ng sino man makakabili Written: 01/08/2011
0
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 4:32 AM UTC
Kaarawan
Naalala ko nung umamin ako sayo, Di ko alam na gusto mo rin pala ako. Niligawan mo ako, Sinagot kita. Naging tayo nun. Masaya ang relasyon natin, Lagi pa tayong kumakain. Ngayon ikakasal na tayo, Tuwang tuwa ako kasi ikaw ang kasama ko kapag tatanda na tayo. Pero bigla akong dumilat sa katotohanan. Ikakasal kana ngayon, Pero di ako ang babae na katabi mo sa altar ngayon. Oo nga pala, Di mo nga pala ako gusto. Lahat nang yun ay kathang isip lamang. Kathang isip lang nga ba iyon? O sadya mo akong iniwan?
0
Jun 25, 2018
Jun 25, 2018 at 5:58 AM UTC
Untitled
15 Subalit si Prinsipe Sibo Naitali na ang puso 16 Sa tulad din niyang maharlika Na isa namang prinsesa 17 At ‘di magtatagal Sila na’y ikakasal 18 Kahit pawang walang nadarama Na pag-ibig sa isa’t isa 19 Sila’y sunud-sunuran lamang Sa batas ng mga ninuno’t magulang 20 Ganoon talaga kapag maharlika Ang pag-aasawa’y mariing itinatakda 21 Upang mapangalagaan Dangal at riwasa ng angkan. -06/16/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:48 PM UTC
Siboloria 3 -Prinsipeng Nakatali-
36 Subalit ang binata Ikakasal na pala 37 Sa babaeng taga-Silangan Lugar na kanyang tinitirahan 38 Ang hindi lang niya alam Dalaga’y isang mangkukulam 39 Kaya isang araw nang malaman Na sa iba ang puso nakalaan 40 Hinanap ang karibal na babae At kinulam ire 41 Katakut-takot na mga pantal Ang kay Pina bumalabal 42 Mahal parin siya ni Ihib gayunpaman Maging anuman ang kaanyuan. -07/07/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:51 PM UTC
Ihipna 6 -Mangkukulam ng Silangan-
Kapag kayo'y makita Wala ng lumalabas na salita Pinipilit pigilin ang sarili Dahil dapat supporta lang ako lagi Alam kung dapat walang ganito Yung nasasaktan ako Dahil akoy kaibigan mo At siya ang tinitibok ng Yung puso Pero brad bakit ganito Bakit ayaw huminto Sasabog na ata puso ko Sa kaseselos sa Inyo Pero brad wag kang mag alala Dahil susuportahan lang kita Pero sana wag kang mang imbita Pag dumating ang araw na ikakasal ka sa kanya Mamahalin kita Kahit alam kung wala ng pag-asa Kaya matatapos man ang tulang ito Pero hinding Hindi ang pagmamahal ko sayo
0
Feb 23, 2019
Feb 23, 2019 at 11:46 PM UTC
Bakit