Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Allan Pangilinan Dec 2015
Disoras na naman ng gabi,
At ‘di ko alam kung saan ako aabutin ng kahangalang ito.
Andaming sabi-sabi sa mga tabi-tabi,
At naisipan kong isulat ang ilan sa mga ‘to.

Kung mabasa ito ng iba kong kakilala,
Siguradong pagti-tripan ako ng mga tangina.
Pero ayos lang, ano pa bang mawawala?
Sanay na ako’t sobrang kapal na ng aking mukha.

Nais ko lamang ibahagi ang isang kwento,
At marining kung ito’y naranasan na din ba ng iba.
Pagkat sa ikot ng ating mundo,
Ang kwentong magkapareho’y anong ginhawa.

Hayskul ako noon nang una kong masabi na, “Shet, gusto kita.”
Ano pang mga ka-kornihan ang ginawa ko’t sumulat ng tula.
Napainom pa ako ng energy drink para lang masabi,
Na sa tuwing nakikita kita’y abot langit naang aking ngiti.

Ngunit ayun lamang at ako’y ‘di pinalad.
Sa mga rasong tila dapat ay batid ko naman.
Paano nga ba ang sarili’y mailalakad,
Kung sa mga simpleng salop ako’y walang mailaman.

Naging mabuti naman pagkat ika’y minahal ng isang tunay na kaibigan,
‘Wag niyo na lamang akong imbitahan sa inyong kasal.
Sa ngayo’y ang alaala na ito’y dumaraan na lamang,
Tuwing napag-iisa’t ubod ng pagal.

Limang taon ang nalipas at muli kong sinubukan,
Sa ibang babae naman binuksan ang kalooban.
Akala ko ay pwede na,
Ngunit, puta, ‘di rin pala.

Ang hirap mo maging kaibigan,
Lahat ng tao sa paligid mo’y ako’y sinisiraan.
Batid kong may pagkakaiba ang ikot ng ating kaisipan,
Ngunit inakala kong posible ang pagkakasunduan.

‘Di ako ng tipo ng madalas magkagusto,
Lalo na din siguro sa mga pangyayaring nasulat rito.
Tingin man ng iba’y dapat maataas ang aking tiwala sa sarili,
Mga taong ‘may kaya niyan’ ay sadiyang pili.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko.
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako,
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?”

Nanay ko lang tumawag sa aking gwapo,
At sa mga manininda at drayber ko lang narinig ang, “Uy, pogi!”
Ngunit sa katotohanan pala’y iba-iba talaga ang pagtingin ng tao,
At minsa’y may mga tunay sa magkakagusto sa’yong mga ngiti.

May mga lumapit na rin,
Babae at lalaki, nagparamdam ng pagtingin.
Ngunit ayaw ko ring lokohin sila at ang aking sarili,
Kung ‘di naman tunay ang magiging pagpili.

Kaya siguro ako tumatandang ganito,
Malakas ang loob at mukhang masungit,
Dahil sa loob ng 20 taon ay kinaya ko ang sarili ko,
Mag-isa akong bumabangon at pumipikit.

Kinaya kong mamuhay ng mag-isa,
Kaya mahirap hanapan ng lugar ang para pa sa iba.
Ngunit ‘di tayo nawawalan ng pag-asa,
Na merong ‘siya’ na darating nga.

Andami nating hinarap na mga problema,
Iniyakan ‘to, uminom dahil dun at kung anu-ano pa.
Ngunit kung iisipin, masa madali **** malalampasan yan,
Kung may isang taong tunay kang pakikinggan.

Sa lahat ng ‘di buong nabiktima ni kupido,
Na sa’yo lamang lumipad ang palaso,
‘Wag kang bibitiw kapatid ko,
Ang araw ng iyong kasiyahan at ligaya’y pinapangako ko.

Patuloy na managarap at managinip,
Tadhana’y nariyan at unti-unting sisilip.
Malay mo bukas paggising mo,
Kayakap mo na ang taong pinapangarap mo.
Nasa banyo ako nang maisip ko ang ilang mga taludtod para sa likhang 'to.
Sirsison Feb 2017
Unang pagkikita natin sa ating pinasukan
Parang hangin lamang na dumaan
Tuloy tuloy pa rin sa paglalakad
Na parang may importanteng lakad.

Ako ay parang isang sirang mata
Na walang kakayahang makakita
Nang isang rosas na putuloy na bumubuka
Dahil sa taglay nitong glamorosa.

Subalit sa mga sumunod na araw at tayo’y nagkakilala
Para kang isang ilaw na hindi maalis sa aking mga mata
Na kahit saan magtungo ang aking mga mata
Ikaw pa rin ang nakikita.

Ako’y nagagalak
Sa tuwing tayo ay humahalakhak
Na parang ang puso’y pumapalakpak
Ang paglisan ay hindi ko minsang binalak.

Sa sandaling tayo’y magkausap
Pakiramdam ko ako’y nasa ulap
Na kung maaaring hindi na kumurap
Upang ang pag-uusap ay lalong sumarap.

Subalit ang oras ay napakabilis malagot
Kaya’t ako’y nakaramdam ng matinding takot
Na mangyari ang isang bangungot
Na baka sa susunod hindi ka na sumagot.

Nagpatuloy ang mga araw na dumaan
Ika’y patuloy kong pinagmamasdan
Na habang ako’y  umiisip ng daan
Upang ika’y malapitan.

Nagdaan ang araw at buwan
Habang ika’y aking pasekretong pinagmamasdan
Ako’y lubusang naguguluhan
Kung bakit laging ganyan.

Di nagtagal ako’y may naramdaman
Na pakiwari ko’y dahil ika’y nasilayan
At nakilalang lubusan
Na pilit kong inaalis sa aking isipan.

Subalit ako’y nabigo
Sa aking pagtatago
Nang nararamdamang nabuo
Sa palagiang pagtatagpo.

Isang araw ako’y humantong sa isang pagtatapat
Na isang daang pinag-isipan kung ito’y nararapat
Kahit na natatakot na ako sayo’y di pa sapat
Pero ito’y aking nilabanan dahil ang layunin ko sayo’y maging tapat.

Sa  aking pagtatapat lubha akong nalungkot
At natakot;
Na baka ako’y masangkot
Sa isang pangyayaring masalimuot.

Nang ika’y makilala mahal na kita
Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka pa lang iba
Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman
Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan.

Ilang araw ang nakalipas ako’y di mo na pinapansin
Mga matatamis na ngiti na dulot natin
Unti unti nang nagiging asin
Na sa alat di na maatim.

Iniisip na lang na ika’y natatakot akong mahalin
Na baka saan pa tayo dalhin
Na sana’y aking dasal ay dinggin
Na ako’y iyong mahalin.

Nagdaan ang mga araw
Ako’y nahumaling makinig ng malulungkot na kanta
Na nagpapabalik ng masasaya nating alaala
Na sa isang iglap lamang nawala na--na parang bula.

Ito ang nagdulot sa akin ng pighati
Dahil simula pa noon ikaw na ang tanglaw sa aking mga gabi
Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi
Na ikaw lamang ang makakapagbalik ng kulay sa pusong nagbigti.

Paano kung sabihin ko sa’yong ayoko na?
Hindi ko na kaya kung patatagalin pa
Sapagkat ga’no man kalalim akong nahulog
Natatapos din ang himig ng awit at tugtog.

Paano kung sabihin ko sa’yong napapanahon na
Na ako’y lalayo na
Dahil kahit gusto ko mang kumapit pa sa’yo
Pareho tayong mahihirapan kung ‘di lalayo.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?” .

Subalit puso ko’y ikaw ang pinili
Na kay tagal kong itinago sa aking sarili
Sa isang iglap at sandali
Ako’y napapili kung ikakasaya mo ba o ikasasaya ng aking sarili.

Labis man akong nasisiyahan pag ika'y nakikita
Labis man akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya
Kahit nasasaktan,
basta masaya ka Okay na!

Dahil ang pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit
Pag ibig na handa siyang palayain
Pag ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan  
Pag ibig na nauwi sa masakit na paalam.

Dahil sa’yo natutunan kong maging matatag
Natutunan ko ang tunay na pagmamahal
Pag ibig na minsan, nagsisimula sa katapusan
Na sanay pagmamahal ay mapalitan.

Kaya’t ngayon dahil sa ako’y lubusang nasaktan
Akin munang kakalimutan ang magmahal
Dahil sa luha kong mahal
Kinalimutan kong magmahal dahil baka ikaw at ako’y di magtagal.
Naka-tadhana bang masaktan o naka-tadhanang makahanap ng taong gagamot sa pusong nasaktan?
myONE Aug 2017
Pinipigilan ako ng pagprotekta sa'yo
Na lambingin ka tuwing maaalala kita
Gusto kitang kausapin sa tuwing namimiss kita
Pero hindi ko pwedeng gawin dahil baka awayin ka n'ya

Tinuturuan kitang kalimutan ako
Paunti-unti at nasasaktan ako
Pero paunti-unti 'ring nadudurog ang puso ko
Tuwing ginagawa kong tanggalin ako sa sistema mo

Gusto kong makalimutan mo ako
At lumayo sa'yo ng di mo nalalaman
Umalis ng walang paalam
Kahit masakit, 'pag talagang kailangan

Isipin ka sa buong magdamag
Ang tanging pwede kong gawin
Dahil hindi kita maaaring lambingin
At sabi ng konsensya ko'y huwag

Aalis ako mahal sa panahong hindi mo iisiping mawawala na ako
Sa panahong masaya ka at maayos ka
Aalis akong hindi nagpapaalam
At hindi mo nalalaman

Masanay ka ng hindi ako dumarating
Sa ating tagpuan, sa ating pinag-usapan
Hindi mo na ako dapat hintayin
Sapagkat ako nama'y aalis din

Kapag hindi na ako sumisipot
Sa tagpuang sa akin ay ipinaabot
Masanay ka na mahal
Baka saglit na lang at 'di na magtagal

Dahil ang labis na pagmamahal ko sayo'y bawal
Kahit gusto kong makasama ka ng napakatagal
Lahat ng alaala **** meron ako
Ang laging nasa puso't isip ko
'Pag nalagot na ang hininga ko
Doon magtatapos ang lahat ng ito.
082917
miss na kita mahal
pero kailangan kong magpaalam
Random Guy Oct 2019
Kausap ka.
Tungkol sa kanya.
Alam naman natin na sinasaktan ka lang n'ya,
at nasasaktan mo lang ako.
Bawat mura ay puri,
bawat reklamo ay bati,
bawat salitang lumalabas sa iyong bibig ay akin na lamang ding kinakain,
nilulunok hanggang sa hindi na malasahan ang pait
dahil tamis naman ang hatid sa iyo sa mga payong sasabihin.
"Ganyan lang talaga sa isang relasyon,"
"Intindihin mo na lang"
at "lalambingin ka rin non."
Mga katagang eksakto sa mga gusto **** marinig,
ngunit hindi malaman.
Mga katagang pupuno sa mga paglalambing n'ya,
pilit na pinaiintindi sa'yo na ayos lang s'ya
at mahal ka pa rin n'ya.
Pilit na ipipilit na sa relasyon ay ganito,
sa relasyon ay ganyan,
mistulang kay tagal na talagang umiibig at sanay na sa relasyon.
Na kung iisiping mabuti ay sanay lang naman ako masaktan,
katunayan,
sugat na nilatayan at hinampas pa ng kay diin,
parang ako na gumagawa ng mga paraan para kayo ay pagbatiin.
Andy May 2020
Sa unang tingin, mabibighani
Iisiping napakaswerte
Tila kasingsaya ng mga tumaya
At nanalo sa lotto
Nakapipigil-hininga ang ganda
Imbis na pumikit upang manalangin
Na magkatotoo ang hiling
Pilit na dinilat ang mga mata
Sa pag-asang
Masulit ang bawat segundong
Nariyan pa
At maaaring masilayan
Tala ang tawag ng iba sa kanya
Tawag ko naman ay bulalakaw
Sa unang tingin pa lamang
Kinatatakutan na ang paglisan
Dahil ang mga bagay
Na nakapagbibigay ng ligaya
Madalas ay nawawala

Pilitin man ang dumilat
Hanggang hindi na kaya ng mga mata
Kinailangang pumikit
Ilang segundo lang, isang saglit
Pagmulat ng mga mata
Nawala ka na
Napunta sa lugar na hindi ko na mararating
Hindi na maabot
Pagmulat ng mga mata sa umaga
Bigla akong nagtaka
Mahal ko, saan ka nagpunta?
Kung di ba ako pumikit
Hindi ka rin mawawala?

Naririto lang ako, naghihintay
Kahit abutin ng dekada
O ilang taon
Umaasa pa rin ng pagkakataong
Masilayan ka muli
Kahit pa ika'y
Isang bulalakaw
Here's a Filipino poem inspired by a Pahintulot, a Haikyuu!! social media au that I read :) There are people we know will leave us eventually, but we still appreciate the short while that they've been with us, and hope that they come into our lives again, no matter how slim the probability.
Gamaliel Jan 2021
I
Patuloy kong napapatunayan na mahal ko siya habang patuloy siyang nahuhulog sa kanya.

III
Maari nga. Hindi rin naman ito ang panahon para gisingin ang pag-ibig na maaring mamagitan sa aming dalawa. Nakuha ko na lang na maging masaya para sa kanya. Bagaman napakalungkot pag kausap ko siya. Lahat nag iba na. Di na rin ako nagtaka. Ganun naman talaga. Tanggap ko na. Kahit simula pa lang, inaantay ko na siya. Aaaaaaaaa.

V
Hindi para sakin. At hindi ko naman talaga pipilitin. Bagaman pusong mandaraya ay nabibitin. Lahat ng nararamdaman, lalabanan at kakagatin. Hahayaang malunod ang mga alaala at hindi na iisiping sagipin. Bibitaw at sa malayo na lang tatanawin. Sa dulo ng kahapon ko na lang siya aangkinin. Wala lang siguro akong kain.
II
Baka hindi mo na dapat pang patunayan sa kaniya yan. Baka hindi siya ang para sayo.

IV
Naiintindihan kita. Walang masama sa nararamdaman o intensyon mo. Nais mo lamang ang magmahal nang totoo. Pero kapag talaga hindi para sayo, hindi para sayo.

— The End —