Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
inggo Sep 2015
Ilang bundok pa ba ang aakyatin
Ilang tuhod pa ba ang dudurugin
Ilang guide pa ba ang kikilalanin
Ilang litro ng tubig pa ba ang iinumin

Ilang hugot lines pa ba ang sasambitin
Ilang magandang panahon pa ba ang hihilingin
Ilang packed lunch pa ba ang lulutuin
Ilang tao pa ba ang sasabihan ng "Good Mornin"

Gusto ko lang naman limutin
Na sa puso ko ikaw pa rin
Hirap na kasi itong damdamin
Hanggang kelan pa ba titiisin
JOJO C PINCA Nov 2017
kumikinang ang mamahaling parol na nakadambana sa bintana ng mansion na nasa loob ng isang malaking subdivision. nagniningning ang patay sindi nitong kulay na umaaliw sa balana. salamat sa malaking pakinabang na kanyang kinita nang walang anomang pakundangan sa dugo at pawis ng mga abang manggagawa.
nasa kanyang sala naman ang mataas na Christmas Tree habang sa paanan nito nakahandusay ang kahon-kahon na magagarbong mga regalo. malayong-malayo ito sa barung-barung ng mga nagtitiis sa siphayo ng dusa at karalitaan.
ang mahabang lamesa na nasa kanyang komedor ay talagang pinagpala sapagkat nakapatong dito ang hiniwang hamon, keso de bola, spaghetti, carbonara, lasagna, ubas at ang lahat ng masasarap na pangarap ng isang batang kalye na kumakalam ang sikmura habang tinitiis ang ginaw ng Disyembre.
matapos ang kanyang masaganang Noche Buena ay mauupo sya sa kanyang malambot na sofa na di halos mabilang ang libong halaga. dun n'ya iinumin nang buong pagmamalaki ang mamahaling brandy o di kaya naman ay whiskey.
katabi ang kanyang pamilya sabay-sabay silang manonood ng misa habang nakatuon sa higanteng flat screen na telebisyon. ang homily ng ingleserong pari ay patungkol sa pag-ibig sa kapwa at pagbibigayan.
George Andres Jul 2016
kumukulong dugo ko
kamao sa labi mo
dugo iinumin mo
mamatay ka na.
Mimi Feb 2019
Baby...I still love you so much... I don't know kung bakit sobra kitang gusto... I tried to do everything to forget you pero  wala eh,mahal pa din kita alam ko na di ka maniniwala sakin kasi di pa tayo nag me-meet in person ...at di pa talaga natin kilala yong isa't-isa ...pero di ko alam bat sobra kitang mahal...

And I can't handle it anymore ....it's killing me inside ... I don't want to let you go....I really don't want you to go...because I love you ...kung alam ko Lang na magiging ganito tayo ... di sana napigilan ko ung sarili ko para di mahulog sayo

I'm tired to pretend na ok lang ako...na di ako nasasaktan...alam mo kung may gamot Lang iinumin kona un...ayoko na...I'm really tired in this situation ...

Why!? Bakit sobrang mahal kita... my heart now is broken ...I don't know if i can still fix it,
Just tell me how can I forget you...
Don’t be sorry, I trusted you, My faults not yours.maybe I just love you too much...

— The End —