Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"iindak" poems
sayaw, Eriko isayaw mo lahat ng sinabi niyang “mahal kita” na pakiramdam mo’y totoo nung mga panahong umaalis kayo ng isang araw kada-linggo kasi dinadayo ka pa niya sa Maynila sayaw, Eriko iindak mo at isigaw mo sa mikropono ang pabulong niya pa noong unang sinabi, “ako na lang, iingatan naman kita” sa maulan na gabi na ‘yun noong iniiyakan mo pa ang mga pangyayari na kinagigitnaan mo isayaw mo, Eriko itawa mo lang ang sinayaw niya sa sala mo noong gabi na ‘yun mashed-potato lang kuno ‘di ba? halakhak, napamahal ka sa mukha niyang parang pinigang tuwalya noon hindi naman siya guwapo gaya ng lagi niyang sinasabi umaray ka, Eriko nasipa ka ng katabi mo, pero naalala mo lamang ang mga oras na nagsisipa ka ng bato sa Makati habang naglalakad kayo, at kinukwento niya ang pamumuhay niya noon sa malayong lugar, pawis na pawis kayo pero ngiti niyo’y abot langit talon, Eriko palakpak ilang buwan na rin ang lumipas noong huli kayo nagkausap binati mo siya ng maligayang kaarawan, kahit ang araw mo nun ay malayong-malayo sa maligaya, kapos sa saya, kapayapaa’y nahahanap mo lamang pag nandiyan ang barkada kalma, inom ng tubig, Eriko, kawayan ang bote ng alak, pero huwag kang lalaklak hinga, ipanalangin mo na lang na siya’y maging masaya, dahil alam mo naman na iyon ang tama.
0
Mar 29, 2021
Mar 29, 2021 at 9:24 AM UTC
Sayaw, Eriko (Tagalog)
Tayo'y muling inabot ng bukang-liwayway, lumbay at pighati sa hangin natangay. Ikaw ang tanging balakid ng kalungkutan, kaharutan ng iba'y huwag pamarisan. Sa musika ng buhay ay iindak, sa langit dadalhin habang ika'y kahamagan. Lahat ng walang kasiguraduhan, sayo magiging tiyak, ikaw ang nag-iisang liwanag sa dagim na kalangitan.
0
Nov 6, 2021
Nov 6, 2021 at 10:59 PM UTC
Silakbo
O iindak na lamang sa tibok ng puso mo At aasahan ko na lamang ba na di mo aapakan ang aking mga paa Pipikit na lamang at magsasayaw...
0
Feb 21, 2017
Feb 21, 2017 at 8:41 AM UTC
Indak- UDd
Halika na dito Tama na ang lungkot Huwag ka nang umiyak Dahil sabay na tayong iindak Sa buhay na di tiyak Halika na dito Dahil hindi na ako aalis Sa piling mo Wag ka mag alala Sayo lang ako Hindi kita iiwan Hindi ako susuko Halika na dito Sa ating mundo Na ikaw lang at ako
0
Sep 24, 2017
Sep 24, 2017 at 9:36 PM UTC
Sa Ating Mundo