Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"iidlip" poems
Nakalimot ka siguro na masungit sa iyo ang tadhana Nang ikaw ay nagmahal sa isang tao at nagpahalaga Maikling ngiti lang ang kanya ngang hatid Ngunit habang buhay nasa iyong panlasa ang pait Tuwing iidlip siya ay na riyan Tuwing paggising siya ang hanap Maging sa panaginip ikaw ginagambala ng iyong maling desisyon Hanggang sa langit ang paghingi mo ng solusyon Ikaw lamang naman ay nakinig sa tibok ng damdamin Wala ka naman talagang sala sa harap ng iyong salamin Siya ay dala ng nanlamig na hangin Sa iyong paghinga iyo siyang nakuha Kalaunan tanging hindi umayon ay tadhana
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 8:47 AM UTC
Malambing na Kaibigang Tadhana
Ang haplos ay malamig di man naninigas nanatili walang kibo Sa paghagok ay naninibago -walang malay parang nag-iidlip Isigaw ang pangalan ng mga santo, patron at lalo na  ng Diyos -magbigay pugay Ang pulso muna ay hanapin mula ulo hanggang binti Ginto at pilak, walang katumbas Ang hinirang na anak Niya'y di kinalimutan Parirala ng buhay ay papintig-pintig sa ibang dimensyon na ng daigdig Tuldukan ang kasulatan sa Libro ng mga Buhay Sapagkat buhat-buhat ang maputlang kamay Sa kuko matatanto habang nakaratay Nagiginawan pati ang laman na nasa hukay Libu-libong ektarya ang pagpapasyalan Maraming kakaibiganin maging sinuman Nakikipagkapalagayan ng loob ang lahat-nagpapatawad Pagbubuklodin ng pagsinta Nililok ang estatwa sa dibdib ay namalagi Paalalang ipirmi, di iwaksi Samut-saring emosyon ng dilim ang ginamit sa pag-ukit
0
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 6:20 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #10
Lilisan na muna sandali Iidlip lang ng maikli Para sa bukas na papakli Makayanan ko muli Ayos lang ang aking lagay Heto't sabay sa tangay Sa mga nakabibinging ingay Sa mundong patay na ang kulay Umiiwas na mag alala Nagpapanggap na abala At kahit walang napapala Gagawin upang makawala Magaling na mandaraya Sarili ang dinadaya At sa tuwing tinutuya Buhay ang tinataya Tumawa ng malakas Na waring wala ng bukas Hala! piliting pumiglas At sa sarili ay tumakas Ang araw ay natapos na muli Paalam muna sandali At ang aking minimithi Ang bukas ay di na papakli -JGA
0
Oct 7, 2021
Oct 7, 2021 at 12:35 PM UTC
Ayos lang Ako
Ibubulong sa hangin ang hiling na paghilom Sikip ang mga alaala sa iisang kahapon Maglalakbay sa hardin kung saan nagtagpo Nais nang tumalikod ngunit paano Dadapo na parang isang paru-paro Sa mga talulot na nasa palad mo Iidlip sa ugoy ng hanging malamig Liwanag ng ‘yong ngiti’y baon sa pagpikit Tinatangay ng agos ang bawat hibla ng alaala Ngayong gabi ika’y talang tinitingala Hihimbing kaya ako sa aking pahinga Kung kabisado pa rin ang hulma ng iyong mukha
0
Mar 22, 2020
Mar 22, 2020 at 5:00 PM UTC
Untitled
Takot ang tanging bumubuhay sa isipa't pusong pagal Saan man patungo, wala ng matanaw Tila natapos na ang lahat Tuluyan nang ginapos ng pasakit ng pag-asa Saglit na iidlip Hihintayin ang itim na usok Mapayapang mundo’y matatanaw Isipa’t pusong pagal muling titibok Hangin ay yayakap Halimuyak ng mga bulaklak dadampi Tuluyan nang natulog ng mapayapa
0
Nov 21, 2017
Nov 21, 2017 at 12:52 PM UTC
Mapayapa