Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"iiba" poems
At sa paglipas ng araw-araw Aking napapansin ang unti-unting pag-iiba Ng aking pag tingin sa'yo Damdami'y hindi maipinta Kung ito ba'y hanga lang o may halo nang mas malalim Ako'y natatakot sa kung anong ibig sabihin nito Ngunit aking pag tingin sa'yo ay hindi maiiba Sa kadahilanan na ika'y pinili Sinasadya man o hindi Ng aking puso't utak Pero siguro sa ngayon, mas maigi na tayo'y maging magkaibigan na muna lamang Dahil ako'y namamanhid, at iyong hindi iniisip ang ganitong bagay sa buhay
0
Oct 27, 2016
Oct 27, 2016 at 4:34 AM UTC
Nararamdaman
Sa malamig na umaga At nag yeyelong gabi Nais ko sanang humigop ng mainit na kape Sa nag babagang tanghali At mainit na hapon Kape namang malamig dulot ng yelo Asukal , gatas o kahit pa barako Nag iiba ang lasa kapag ikaw ang kasama ko Sa malamig na umaga o kahit mainit na hapon Habang nag kukuwento ka kasabay ng pag halo May kasamang saya kapeng  ihaharap mo Kagaya ng buhay natin pareho May matamis , mapakla at kahit pa mapait Basta mula ito sa iyong puso Ay lugod kong tatanggapin Tanggapin mo sana itong kape ng buhay Sapagkat itong ihahandog ay may tunay na timpla May kapaitan mang taglay Hindi mawawalan ng tamis ,  kape ng buhay Kaya sinta , samahan mo ako nawa Sa umaga , tanghali , dapit hapon at gabi Dahil ang kapeng iaalay ay kape ng buhay Na may saya ,  lumbay at sakit Ngunit pinatamis at hinalo Ng tunay na pag-ibig
0
Feb 23, 2020
Feb 23, 2020 at 7:16 PM UTC
“Kape”
Kung sakaling ikaw ay magbalik, huwag mag-atubiling hanapin ako. Hindi kita aabalahin, hindi ako sabik na buksan muli ang matagal nang sarado. Bumisita ka sa amin, kumatok sa pinto at mag-abang. Kapag hindi ka agad papasukin, dumungaw sa bintana, makikitang ako'y narito lang. Maaaring hindi ko lamang narinig ang katok **** nag-aalinlangan. Paki-usap, huwag hayaang manaig ang dudang tatlong taong napag-ipunan. Huwag mag-alala, sumisilip pa naman ako paminsan-minsan kung may tao sa labas. Hindi kita malimutan, hanggang ngayo'y sigurado ako na balang-araw magtatagpo ang ating landas. Kapag magkasalubong ang ating sulyap at tayo'y muling sapian ng pagnanasa, kimkimin muna natin, idaan sa yakap pag-isipan kung handa nang muling magtaya. Anumang daan ang tahakin, pag-ibig nati'y walang kupas Nag-iiba ng anyo, ngunit nariyan pa rin, mas naititiyak pa sa pagdating ng bukas. Kung sakaling hindi ka magbalik, sisikapin kong maghanap sa'yo. Aabalahin kita, dahil ako'y sabik na mapagsaluhan natin ang mundo.
0
Jul 25, 2012
Jul 25, 2012 at 3:01 PM UTC
Kung Sakaling Ikaw ay Magbalik (If Ever You Return)
Kape tayo. Ano ba ang gusto **** timpla? Yung naka 3-in-1 nga ba? Yung pangmabilisan at fixed na yung lasa? Yung pipili ka na lang, at ibubuhos mo lahat sa tasa kasi alam **** ganun na talaga at di na sya mag-iiba? Pwede rin yung sweet, Yung sa sobrang tamis, ngiti mo'y aabot sa langit pero di mo alam, sa ibang kamay na sya nakakapit. O kaya, yung purong-puro din? Yung matapang na at kaya kang gisingin sa katutuhanan na sa iba na sya nakatingin? Ano nga ba talaga gusto **** timpla? Eto, kape, asukal at iba pa. Ikaw na ang bahalang magtimpla. Dahan-dahan lang at 'wag madaliin, Bawat patak ay iyong lasapin. At sa tamang oras ay makukuha mo rin ang inaasam-asam ng iyung damdamin. Kahit matatagalan man ay ayos lang Kahit magkamali ay okay pa din naman, basta't makukuha mo yung lasang matagal mo nang inaasam-asam. At sa tamang panahon, yung mga tamis at paet ng kahapon ay hamak na magiging leksyon sa pagtimpla ng perpektong lasa. So ano, Tara kape?
0
Oct 11, 2019
Oct 11, 2019 at 8:31 AM UTC
Kape
At dagli na hinalikan Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan Ngunit huli na ang lahat Magpapakasal na sa ibang lakan Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo na mag-aangkin ng kanyang puso Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero bago nakuha ang minimithi Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa Kahit masilip sa tuwi-tuwina at maibulong ang pintuho sa reyna Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa Ang hinihingi'y ay ang pag-amin Sa kanya na ang desisyon Mag-iiba sana ang kapalaran sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 8:28 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #54
Ang oras ay tumatakbo, Ito ba'y hinahabol mo? Baka iba yung direksyon mo? Ikaw ba'y nakakasigurado? Baka malingat ka? Ika'y napang-iwanan na pala, Baka di mo mamalayan, Ikay matagal na palang iniwan. Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na? Magmumukmok, iiyak at magsisisi ka ba? Baka masayang mo lang oras mo, At mapangiwanan ulit ng panahong panibago. Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na? Naisipan mo bang muling mag-umpisa? Huli na ba talaga ang lahat pati sa panibago? Di ba pwedeng kalimutan ang nakaraan at gumawa ng bago? Huli na ba para sa panibagong pagkakataon? Pagkakataon upang ipakita na di ka katulad nung kahapon, Dahil araw-araw ang tinatahak na daan ay nag-iiba, Di mo alam kung ano ang sayo'y babangga.
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 2:25 PM UTC
Huli
gusto ko lang magsulat ng tula, gusto ko lang, gusto ko lang sabihin na... gusto ko lang sabihin na sana nandito ka. sana nandito ka sa tabi ko, dahil namimi-miss ko na ang mga yakap mo, sana, sana nga talaga, para masabi ko muli sa'yong mahal kita. mahal kita, at walang mag-iiba, pupwede bang pumunta na sa hinaharap? upang mapakasalan ka, upang tuparin ang mga pinapangarap? sana ang tayo'y maging totoo, sana ang tayo'y di na magbago, sana hanggang huli, mananatili, paghanga, pagtingin, pagtibok, pag-ibig.
0
Mar 10, 2020
Mar 10, 2020 at 9:04 AM UTC
random moment #1
Nagbalik tanaw, Hinalungkat ang nakaraan, Mga 'storyang, lumitaw, Binalot ng tawanan. Ngunit ang mithi ko'y iiba, Nais kong ika'y mas makilala, Sapagkat ang alam ko sayo'y ang kaunti pa, Ako nama'y pagbigyan mo, sige na. Nagulat, di makapaniwala, Bakit parang nagtutugma, Ang ating mga storya, Ang ating pagkabata. S'an nga ba ako? S'an ka naman ng mga panahong ito? Hindi ba, tayo'y magkalayo? Ni minsan, tayo ba noo'y nagtagpo? At tayo'y nagbiruan pa, Sabi natin ng patawa, "Aba, baka ito'y tadhana", Aba, sana nga. Maalala pa kaya kita? Ang tanong nating dalawa, Tanong na may kaba, Nagtatanong nang nag-aalala. Aalahanin kita, Ang sa aking bawat umaga, Ang buwan sa aking gabi, Ang mitsa ng aking mga minithi. Ang sabi kong "una", Una kong maaalala, Una kong ipinagdasal, Ang una kong minahal.
0
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 1:20 PM UTC
Kahapon: Sa Paglalim ng Gabi
Ang katapusan, Ang tuldok sa kwento, Ang kasalukuyan, Ang patuloy na paninibugho. Dahil wala nang mag-iiba, Hanggang dito nalang talaga, Kaya nga inihinto na, Ngunit bakit patuloy na umaasa, putangina. Isang talunan, isang walang alam, Ang parating nanghihinayang, Ang parating walang kwenta, Ang parating nagpapakatanga.
0
Nov 18, 2017
Nov 18, 2017 at 3:09 AM UTC
Patuloy na pag-asa
Isisigaw nang pasukdol ang pangalan-hirang Lalaya na kasabay ng paglisan Dadalhin ang mga kinikimkim Mahapding man parating bukambibig Sumisingaw nang matamis Kahapong ligaya ngayon lumiligalig Nalimbag ang pangyayaring ayaw mawaglit Sana masaya sa piling ng iba Kahit naririto na inaalala pa May saliw ang bawat salita nang ginugunita ang yaong nakalipas na Tukso ba na para kabigin Bakit parang bitag na inihain Sana'y habso ang pagkakabigkis Sa paghayo tungo sa paraiso Iiwan nang may pagkabahala Sana sa eklipse na magaganap Mag iiba ang daan bukas At di muna aalis pa Hihintayin sa pintuan ng wakas Kung saan ang mga bagay bagay ay may kanya kanyang lunas Kung nararamdaman ay di na maibsan Tatanggapin nang pagkagiliw Kahit ililibing nang di naagnas
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 1:55 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #79
Nariyan ka nanaman Parang kabuteng sumusulpot sa kawalan Pakiwari'y sa tagal ay lumisan Ngunit heto't muli nagpaparamdam Mainit kung aking natatandaan Ang pagsuyo sa aking isipan Ano't tila naglaho sa kawalan Ang anino mo sa aking kamalayan Tugon niya sa akin kamakailan Na waring mauulit ko nanaman Sapagkat tila ba ay nakagawian Ang lumisan ng hindi nagpaparamdam Babalik naman ako sunod taon makalawa At pangako, ako'y hindi nag-iiba Masanay na lamang sa aking ginagawa Sapagkat natural na yata sakin ang mangaluluwa
0
Jul 27, 2020
Jul 27, 2020 at 6:35 AM UTC
Mangaluluwa
Salamat sa iyo Liwanag mo'y kailangan ko Naiinis tuwing kulay mo'y nag-iiba Kailangan kita kaya sana nama'y makisama ka Dahil sayo ako'y napupuyat ng husto Iba't ibang impormasyon nakakalap ko Salamat ika'y dumating sa buhay ko Sana'y palaging ganito Naiinis tuwing kay hina hina mo Kaya sana nama'y wag kang ganito Gusto ko ng matulog ngunit ako'y pinipigilan mo Gusto kitang mawala ngunit ayokong magyari ito Munting liwanag ng wifi ikaw na'y naging buhay ko
0
Nov 3, 2018
Nov 3, 2018 at 10:28 PM UTC
Liwanag