Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ihehele" poems
Pakiusap, ngumiti ka. Yung tipong abot hanggang tenga. Yung tipong di na makikita ang mga mata. Pakiusap, tumawa ka. Yung para bang nakikinig ako sa musika. Yung ihehele ako hanggang sa makatulog na. Pakiusap, maging masaya ka. Yung hindi na nakabase sa kanila. Yung hindi na nakatali sa kamay ng iba. Pero higit sa lahat. Pakiusap, magmahal ka. Yung para bang wala ng bahid ng sugat at pasa, Yung para bang handa ka ng sumabak sa gyera. Yun lang tanging dasal, sinta. Kaya’t pakiusap, magmahal ka. Kahit na ibang tao pa.
0
Jul 17, 2019
Jul 17, 2019 at 11:30 PM UTC
PAKIUSAP.
May mga gabing ihehele ka ng lumbay. Magpahele ka. Makinig ka sa uyayi nito. Wag **** iiwasan. Magpalambing ka, yapusin mo, at damhin mo. Yakapin mo nang mahigpit hanggang sa kumalas. Dahil minsan, 'yon ang paraan para pakawalan.
0
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 7:47 PM UTC
Uyayi