Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ihalintulad" poems
Meron akong nakilalang babae Kung saan ay hindi ko na ipagsasabi Siya ay hindi maipagkailang kakaiba Walang ibang pwedeng ihalintulad sa kanya Kung sino ka man sa likod ng ipinapakita **** imahe Yan sa ngayon ay hindi na importante Marinig ko lang ang boses mo na kay tining Na nagpapaganda nang tulog ko hanggang sa muling paggising Kung dumating man ang araw na ikaw na ay magpapakilala Sinisigurado kong ika'y bibigyang halaga Sa pagtingin ko ay walang magbabago Kasi pagkatao mo naman ang aking ginusto Kaya ikaw ay huwag matakot Ako'y hindi gagawa ng dahilan para ikaw ay maging malungkot Kasi ang tanging gusto ay lumigaya ka Lalo na kapag ako ang may likha
0
Jan 22, 2021
Jan 22, 2021 at 6:42 PM UTC
Estranghera
Para sa taong lihim kong minamahal “Maging akin ka sana” aking munting dasal Pag-ibig ko sayo’y lumalalim habang tumatagal Mahalin mo lang ako pangako hindi ako magiging sagabal Masyado na bang luma ang ihalintulad ka sa isang bituin? Kita ko pero di ko kayang abutin Tanaw ko pero kailanman di magiging akin Oo, Tanggap ko yun kahit dala nito’y sugat na malalim Sana nga naging bulag nalang ako Para di na ko tuluyang nahulog sa’yo Pero paano ba yan tao lang din naman ako Nagmamahal rin kahit alam kong hanggang ganito na lang tayo Hindi ka naman siguro manhid para di mo randam Para di mo maintindihan at di malaman Sadyang di mo lang talaga kayang masuklian Ang pagmamahal na matagal ko nang inaasam-asam Sabi nga nila tanga raw ako Umaasa ng pagmamahal sa isang katulad **** wala namang planong mahalin ang isang katulad ko Eh anong magagawa ko? Malalim ang pagkakahulog ko sa’yo At tila ba nalulunod na ako sa pagmamahal na ito Na kahit di na ako makaahun basta’t alam kong mahal, nandyan ka lang sa tabi ko Pero alam kong hanggang pangarap nalang ito Alam kong kahit kailanman di magiging totoo Kasi may iba kang mahal at hindi yun ako Kasi kahit magunaw man ang mundo Mahal, alam kong di magiging tayo
0
Nov 11, 2017
Nov 11, 2017 at 7:01 AM UTC
Love in the Shadows
Masyado nang luma ang ihalintulad ka sa isang bituin Kita ko pero di kayang abutin Tanaw ko pero kailanman di magiging akin
0
Sep 30, 2017
Sep 30, 2017 at 7:17 AM UTC
Between