Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"iginawad" poems
Anim na letrang salita magwawakas ang lahat Ayoko nang paalam Ayoko nang luha ngunit ika’y malaya na sa mga rehas na iginawad ko sayo bukas makalawa maaring limot mo na ang lahat patawarin mo ako sa hindi pag suko umaasa na sana’y may iaabante pa ang lahat oo nga pala, walang tayo kasi hindi naman naging tayo damang dama ko parin ang mga init ng iyong halik na iginawad sakin ang mga yakap **** yumayapos saken kaluluwa ang bawat ngiti **** matatamis ang lahat ng yan ay akin’ mamimiss akala ko ako lang ang nag iisa para sayo ngunit hindi ko inaasahan ako’y pangalwa lang sayo Mahal kita dalawang salita pero mas pinili mo ang anim na letrang tatapos sa lahat Gusto kong makalimot ngunit ayokong ibaon ang mga alaalang napagsaluhan naten Alaalang mas pinili kong itago Matatapos na ang lahat matatapos narin ang tulang isinulat ko para sayo Ang tanging hiling ko lang Maging masaya ka Isa Dalawa Tatlo Salamat, Paalam.
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 4:21 AM UTC
Paalam
H-alaga ng buhay A-y kanyang ipinamalas P-ag-aaruga't kalinga'y P-atuloy niyang ipinadarama Y-akap at halik ang laging niyang ibinibigay, ngunit tila M-arami ang sa ati'y nakakalimot na magpasalamat O- o nga't tayo'y abala sa pang araw- araw nating pamumuhay upang mabigyan siya ng masaganang buhay, ngunit sa T-uwing siya'y nalulungkot at nalulumbay ni H-indi natin magawang aliwin man lang E-wan kung saan ba siya nagkulang upang pasasalamat sa kanya'y hindi magawang maisambit man lamang R-amdam ang pangungulila ng isang Inang napagkakaitan ng pagmamahal at pasasalamat ng isang anak S-akripisyo'y kanyang iginawad upang bigyan tayo ng magandang buhay D-ugo at laman na sa ati'y kanyang ibinigay, kaya A-ting alalahanin na tayo'y may isang Inang handang magmahal at magbuwis ng buhay, kaya ngyong araw ng mga Ina hayaan **** ika'y aming pasalamatan Y-ou're our Mom who gave US life. N-atatanging INA, sa A-ming siyam na magkakapatid na si N-anay A-DORACION LOYOLA TIMAJO- ARCENAL a.k.a DORY OCAMPO
0
May 12, 2018
May 12, 2018 at 6:01 AM UTC
HAPPY MOTHER'S DAY MOM
pilit na ngiti ang iginawad ko sayo sabay sabi ng pangalan mo nanginginig na mga kamay nakatago sa likod ko ang mga daga sa loob ko'y nagwawala ganito ang epekto mo sa sistema ko hindi lang halata ayaw ko kasing makita mo kung gaano ako kahina pagdating sayo ang mga kalamnan ko na halos nanamlay nang makita ang mga ngiti mo kahit asiwa marinig ang boses mo maliban sa telepono andito ka sa harapan ko puso ko'y kabado utak ko na blangko kung ano sasabihin ko ang boses kong pagal kasi nerbiyoso hindi ko alam kong ano gagawin ko habang naglalakad tayo tinatanong mo ako kung kamusta na ba ako? ang sagot ko sayo ay ayos lang ako pero kung alam mo lang hindi ako sigurado sa sagot ko matatawa ka at sasabihin **** nagbibiro ako sana nga biro lang ang lahat ng 'to sa sobrang seryoso ng nararamdaman ko natatakot ako para sa sarili ko nahuhulog ako ng sobra sobra sayo hindi ko alam kung kaya kong bumangon sa kababagsakan kong bangin ng emosyon na sobrang lalim na para bang pati katinuan ko kaya nitong higopin pati kaluluwa ko Ah sobra na hindi ko man lang naisip kong pareho ba tayo nang nadarama? sana naman umamin ka pipilitin ko na lang itatago ang lahat ng 'to baka sakali hanggang sa dulo ng buhay ko maiibabaon ko sa likod ng pagpapanggap ko na sinabi kong ayos lang ako nung kinamusta mo mga ngiting pilit na nakikita mo kay tagal kong ininsayo sa harap ng salamin habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko
0
Aug 12, 2019
Aug 12, 2019 at 10:21 AM UTC
Pakunwari
Utang sa’yo Ang aking palad na ito Sa kabila ng kapalaluhan Hindi pinabayaan Mga taong mabubuti Sa’kin ipinalamuti Mapagbigay na mga amo Sa’kin iginawad mo Matatakbuhang kapitbahay Sa’kin inialay Masunuring mga alaga Sa’kin ipinaubaya Mapagpatawad at tuwid na pinuno Sa ami’y biyaya mo Panginoon, lahat ng palad na maganda Ikaw ang may likha. -11/29/2011 (Dumarao) *self-consoling mood & consolation to others
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 9:50 PM UTC
Utang Sa’yo
Nang mabatid ang kinatatakutan Galit bumalot sa maselang katauhan Nais panghawakan inarugang puwesto Dahil sa kagalakang naidulot nito Kaya nang agawin ito sa tuwina Binitiwan isang mapaminsalang sumpa Mula sa lupain ng perpektong bulkan Nagbadya ang galit sa kaloob-looban Sa taon ng kabayo – tag-init, tagtuyo Itinanim ang binhi ng panibugho At sa muling pagyapak sa lupaing itinadhana Iginawad sa tuwina ang halik ng sumpa Para sa mga nais akong pabagsakin Sila ay nararapat na aking singilin! -11/13/2014 (Dumarao) *My Cursed Poems Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:18 PM UTC
Binhi ng Sumpa