Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"igawad" poems
Sa aking lupang tinubuan Na sinakop ng mga dayuhan noon pa man Ang una'y mga espanyol na mananakop Dala daw nila'y kristiyanismo Upang ipakilala sa ating mga katutubo Ngunit ang tanging hangarin pala'y manakop at gawing kolonyanismo Kaya ilang daan taon tayong hawak ng mga ito Ating mga katutubo walang nagawa kundi ang sumunod at magsawalang-kibo May ilan ding nagsisipag aklas upang makalaya Ngunit sa kalauna'y sila'y bigo sapagkat pawang malalakas at makapangyarihan silang mga nilalang Nariyang si Gat. Jose Rizal na kinulong at binaril sa bagong-bayan Na tinatawag na natin ngayong (LUNETA/RIZAL PARK) At si Gat. Andres Bonifacio na hanggang ngayo'y hindi alam kung sino ang pumatay Ang tanging alam natin sa kanya'y siya ang "Ang Ama ng himagsikan" Sa kabilang banda'y hindi nagpatinag ang ating mga katutubo Nagbuo ng mga samahan upang mapag-aralan kung kailan ang tamang panahon para lumaban Kaya nung dumating na ang tamang panahon upang sila'y magsipag-aklas Marami ang sa kanila'y naghimaksik upang ang kalayaa'y makamtan Kaya noong taong Hunyo labing dalawa, isang libo't walong daan, siyam na pu't walo Nakamtan ng ating mga katutubo ang kalayaan na kanilang pinaglalaban Sa bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Kabite Kanyang iwinagayway ang ating watawat Sagisag ito ng ating kalayaan sa kamay ng mga mananakop na espanyol Sa mga nakalipas na taon, tayo'y naging malaya na Ngunit, ano ba ang kahulugan ng isang malaya? ''Ito ay ang pag-gawa sa isang partikular na bagay ng walang humahadlang o kumokontra sayo at may kakayahan kang kumilos batay sa kung ano ang iyong gusto o nais'' Oo nga't malaya kang gawin ang iyong gusto Subalit, labag naman ito sa karapatang pantao At nakapapanakit ka na ng kapwa mo Marami ang sa ati'y nakakalimot na sa mga paglapastangang ginawa sa ating mga katutubo Marapat nating pagkatandaan na ang ating kalayaa'y utang natin sa ating mga bayaning nakipaglaban At ang kalayaa'y dapat igawad sa lahat Magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang bawat nilalang Mapa mayaman o mahirap man Mapa babae o lalaki man Mapa bata o matanda man Maging tunay sanang malaya tayong mga pilipino Hindi lamang sa salita, kundi sa isip at sa ating mga gawa.
0
Jun 12, 2018
Jun 12, 2018 at 5:48 AM UTC
Araw ng Kalayaan

Continue reading...
38
Naaalala mo pa ba? Naaalala mo pa ba yung una tayong nag kita? Hindi na? Pwes ito ipapaalala ko muli, ihahalintulad ko ang aking sarili sa isang libro, ako ang libro at ikaw ang tagabasa. Ako ang libro na minahal mo sa lahat ng koleksyon mo Ang libro na noong una iniingatan mo Ako ang pinaka magandang libro na napa saiyo, Iyan ang sabi mo. Sana libro na nga lang ako, bagay na kahit ipagpalit mo, hindi nasasaktan, bagay na kahit anong ingat na ipadama mo, hindi ko bibigyang kahulugan, bagay na kahit anong uri ng pag mamahal na igawad mo, hindi ko mararamdaman. Ikaw na tagabasa ng mga nilalaman ko, ang mga nilalaman ko na sa sobrang dami ng hinahakit na naroroon ay inayawan na. Nakakasawa daw sabi sa akin ng mga unang bumasa. Noong ikaw na ang mag babasa, sabi ko sana ito na ang huli, ito na ang huling babasa sa akin, babasa sa lahat ng pinag daanan, sa lahat ng hinanakit na may roon, sa lahat ng hindi magagandang nangyari, sana ito na. Natakot ako sa ekspresyon na naka ukit sa iyong mukha, ekspresyon na hindi ko mawari kung ito ba'y nalulungkot, napapagod, nasisiyahan o kung ano ano pa, pero noong ika'y ngumiti, para akong nabuhay muli. Na sa dinami daming tao na naka alam ng tungkol sa akin, ikaw, ikaw lang ang tanging hindi nag sawa. Pero tao ka, tao ka na alam na alam ko na ang ugali Mga tao na kahit gaano kalaking pag mamahal ang iparamdam sayo ay tila ba parang bula na mawawala. Pero mahal, salamat. Salamat sa pag babasa, Salamat sa oras, oras na alam kong sinayang mo para lang malaman kung anong may roon ako. Salamat at napahalagahan mo ako, pag papahalaga na sa iyo ko lamang nadama. Salamat sa sandaling iyon, sa sandaling iyon kahit papaano ay napasaya ako, at naramdaman ang pag mamahal ng isang tao.
0
Feb 6, 2018
Feb 6, 2018 at 4:21 PM UTC
Libro

24