Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"idelohiya" poems
Naihasik na ang luhang dugo Sa tigang na lupa ng ating mga ninuno. Mga alingawngaw na daing, Mga daing ng gatilyo, Sanlaksang katotohanan, kayo'y Hindi mga bayani, bagkus mga Biktima ng huling uwak ng Takipsilim, unang kalapati ng Bukangliwayway. Sanlaksang katotohanan, kayo'y Hindi mga bayani, bagkus mga Moog sa pedestal ng idelohiya't Pananampalataya ng digmaan. Naihasik na ang luhang dugo Sa tigang na lupa ng mga Pangako.
0
May 19, 2016
May 19, 2016 at 3:42 AM UTC
44
Napatag na ang hindi mapatag ng Sanlaksang idelohiya't pananampalataya. Panata ito ng kalawakan. Lilinisi't lilipulin Yaong hindi umaayon sa itinakdang Orden ng katutubong balanse ng ulan At hangin, ng dagat at pagkamulat, Ng  lupa at pagtatangka. Hindi sasapat Ang libu-libong bangkay na nakahundasay Sa mga lansanga't simbahan dahil malaon Nang naagnas na bangkay ang ating Kamalayan. Malaon nang umahon si Kamatayan sa anyo ng kasakiman sa Kayamanan, at tayo bilang mga kalakal Na nagpapatiwakal sa ngalan ng kaligayahan Sa anyo ng kasaganaan. Hindi sasapat ang Mga pagtangis ng mga ama't ina, ng mga Anak at kapatid, dahil matagal nang Tumatangis ang Inang unang naghandog ng Paraiso sa atin. Saan nga ba tayo patungo? "Tayo'y mga punong matayog ang pangarap, Ngunit sa lupa'y laging nakaugat..."
0
Nov 13, 2013
Nov 13, 2013 at 5:43 AM UTC
Pagkatapos ni Yolanda
Idelohiya sa talunan Digmaan ang labanan Buhay ay kawalan Mundo'y katapusan.
0
Mar 19, 2018
Mar 19, 2018 at 11:20 PM UTC
Tapos