"huwaran" poems
Nilikha silang kaagapay ni Adan,
Sa hirap at ginhawa, sila'y naririyan,
Maging gabay sa hinaharap man o nakaraan,
At punuin ang gabi ng walang pag-aalinlangan.
Isa kang dakila at isang huwaran,
Isang ina at ilaw ng tahanan,
Mga anak mo'y iyong inaalagaan,
Winawasto ang bawat nilang kamalian.
Babae, ika'y kapita-pitagan.
Babae, ika'y hinahangaan,
Babae, ika'y karunungan,
Babae, ika'y kayamanan.
Katalinuhan mo'y lumalabas,
Katapangan mo'y naipamalas,
Kasikatan mo'y pumapaibabaw,
Kagandahan mo'y umaapaw.
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 10:30 AM UTC
Lumipas ang labindalawang taon
Nang tayo'y huling nag-kasama
Ako'y nilayuan, iniwasan
Dahil akala mo ay gusto kita
Ngunit kaibigan lamang
Ang pag tinigin sa isa't isa
Oo't ikaw ang huwaran
Sa bawat lalaking hinangaan
Hindi nasagi sa isip kailan man
Na ang tunay na mithi ay ikaw pala
Kaya't siguro nga, tama ka
Tama na ikaw ay lumayo at lumisan
Ako'y umibig sa isang tsinito
At ika'y nabighani ng haponesa
Nagkaroon ng sariling mundo
Mga kasintahan ang siyang naging pruweba
Mula elementarya at kolehiyo
Patuloy akong umasa at nag tanto
Kung ang ating mga destino
Ay muling magtatagpo
Sa loob ng labindalawang taon
Ikaw ay may mahal paring iba
Malapit man sa'kin, ika'y malayo parin
O giliw, hanggang pangarap na lang ba?
Apr 18, 2018
Apr 18, 2018 at 4:16 AM UTC
Simula ng makilala ka,
Buhay ko'y sumisigla,
Lagi akong masaya,
Nalaman ko ang tunay na kahulugan ng tuwa at ligaya,
Aking pagsinta,
Bakit nga ba?
Naranasan ko ang mga pambihirang bagay,
Ang mundo ko'y naging makulay,
Binuhay mo ang diwa kong matamlay,
Ikaw ang aking lakas,
Pinakita mo ang aking magandang bukas,
Mula sa simula, gitna, dulo at wakas,
Ang isip at puso ko'y iyong pinatalas,
Madapa man ako'y iyong hinawakan,
Binangon mo ako mula sa lupang aking kinasasadlakan,
Napuntahan ko ang dulo ng kalawakan,
Ang mga puno't halaman,
Ang berdeng kagubatan,
Ang ganda ng kabundukan,
Lahat ng ito'y aking nasisilayan,
Daan ka nga ng pakikipag-ugnayan,
Ika'y gamit sa pakikipagtalastasan,
Daan tungo sa kaunlaran,
Ngunit ako'y nanghihinayang,
Dahil ika'y di kilala ng maraming kabataan,
Sabi nga nila hindi ka magandang pagmasdan,
Di nila namamalayan,
Ika'y maaari nilang maging kaibigan,
Taglay mo ang naiibang kapangyarihan,
Ika'y iniregalo ni Rizal sa kanyang buthing may bahay,
Kay Josephine Bracken ika'y ibinigay,
"Kempis "ka kung tawagin,
Ika'y,"Tagalog Christ" naman para kay Ferdinand Blumentritt.
Alam kung di matatawaran,
Ang iyong kasiyahan,
Kapag ang mga pahina mo'y binubuksan,
Mabuti kang sandigan!
Sayo nagmumula ang di matatawarang panindigan,
at di-natitinag na katwiran,
Mabuti kang larawan,
Nagsisilbing huwaran,
Magpakailanman!
Maipagmamalaki kahit saan,
Pangako ko ika'y aking dadalhin,
Pupurihin, I-ingatan at papahalagahan,
Hanggang sa aking huling hantungan,
Sayo lamang...... Minamahal kong----aklat!
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 12:10 AM UTC
"TAHIMIK!" sigaw ng mga nasa itaas,
mga taong gumagawa ng batas,
ngunit ang hustisya'y hindi patas,
'pagkat sa kanila ang batas ay may butas.
"TAHIMIK!" sigaw ng mga may kapangyarihan,
mga taong inaasaahang maging huwaran,
sa panahon na sila'y ating kinakailangan,
ang tanging naitatanong ay "saan?"
"TAHIMIK!" sigaw ng mga mapagmanipula,
mga taong ginagawang hanapbuhay ang pulitika,
pondong mga winawaldas at nawawalang parang bula
ang mga sagot ay tanging paghuhula.
"TAHIMIK!" sigaw ng mga ayaw sa kritisismo,
mga takot sa hinaing at nagrereklamo,
mga tutang kinain ng koloniyalismo,
sa ibang bayan sila ay tila maamo.
ngunit sa kabila ng lahat ng pagtatahimik,
patuloy kang umimik,
sa hustiya at paglaban ay maging sabik,
sa mga mapanakot huwag magpapitik.
ipagpatuloy ang pagiingay,
sa masa ika'y sumabay,
magising ka sa iyong malay,
pagkamakabayan huwag sanang mawalay.
huwag **** hayaang kunin ang boses natin,
'pagkat ang pag-aaklas ay pilit na isinalin-salin,
mag-salita ka pa rin,
hindi lang para sa'yo kundi para rin sa akin.
ialay ang mo ang salita mo sa mamayan,
ikaw ang maging tunay na huwaran,
susunod na henerasyon iyong ipasan,
mag-ingay sa kahit anong paraan.
"TAHIMIK!" ani ng taong bayan,
sawa na sa pagmamanipula na naghahari-harian.
"TAHIMIK!" ani ng mga mamamayan,
tandaan na laging buksan ang mata at isipan.
Jul 3, 2020
Jul 3, 2020 at 5:22 AM UTC
Ngayong araw ako'y siyang naatasan
Na ipakilala ang ating kaybigan
Mahirap sabihin, ang inyo nang alam
Kaylangang galing nya'y bigyang katarungan
Sikat sadya itong ating kaibigan
Pang-showbiz ang dating, pinagkakagul'han
Pagkat nang magsabog d’yos ng kagwapuhan
Tabo lang dala ko, sa kanya'y "orocan"
Ngunit bahagi lang 'yon ng katangian
Kung bakit sya'y tunay na hinahangaan
Talino at t’yaga ang kanyang puhunan
Sa pag-aaral ng buhay, kalikasan
Sya'y taong tunay ang angking kabaitan
Na dama ng tao, hayop at halaman
Sa dami ng kanyang lathalaing-agham
Sierra Madre'y nginig, kapag nagtimbangan
Palaka, butiki, ahas at butaan
Nang dahil sa kanya'y lalong natutunan
Lumaki't lumawak ating kaalaman
Kung kaya't umani laksang karangalan
Alam kong sa bawat uri ng palaka
O ibang buhay na sa mundo'y mawala
Kasama natin s’yang lungkot na luluha
Pagkat magkaugnay ang lahat sa lupa
Dedikasyon niya ay dapat tularan
Ipakilala s’ya'y isang karangalan
Si Arvin Diesmos po, Syentistang huwaran
Samahan n'yo akong siya'y palakpakan!
Sep 28, 2017
Sep 28, 2017 at 4:54 AM UTC
Isang araw na nang naulila ay hindi lumalabas ng kwarto
Sa kulungan pinagdudusahan ang kasalanan - ang mahuli sa pagkagising at nang hindi nabantayan hanggang sa pagtilaok ng mga manok para matiyak ang kaligtasan
Nagdalamhati ang nagtipon sa misa ng patay
Tuyong lupa ay nadiligan ng luha nang ibinaba ang kabaong sa ibinungkal na lupa
Ibinaon ang pagdaramdam pati ang pagsisi sa kasarilihan
Huling mga salita ay sariwa pa sa pandinig
"Agosto, buwan na madalas dalawin ng bagyo"
Ang papel na kinuha ay siyang rekwerdo
Ama na nagpalaki ay huwaran sa mga pamilya
Labing isang taon inalipin ng pag-ibig
At sa kanyang pagbalik panibagong bukang-liwayway sa marahas na buhay ay tumingkad
Ganap ng abogado - Reyna ng kanyang pangarap ang binibini
Nang sinadya na dumaan sa kanyang bakuran
Nakita sa bintana, isang manliligaw kasama ang buong angkan
Hinayaan ang pagmamahal na maghintay
Datapawa't may mali sa natatanaw
Hindi na masiyahin ang dilag
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:34 PM UTC
Sa kasaysayan ng aking bukas na pagkamulat
Hindi lamang kaalamang pang-ibabaw kundi pati panloob nami’y binulabog
Hindi lang hinayaang sumakay sa bangka kundi pati pagsagwa’y itinuro
Binuksan ang inaakalang hindi na mahihigilap o matatagpuan man
Pero higit pang liwanag ang iyong ipinadama, at ipinahamon sa dilim na nagtuturo
Binusog mo kami ng kasaganaang higit pa sa inaasahan
Sa yakap ng pag-irog, pang-unawa at pagtuklas
Pamilyang naging karamay sa bawat hirap, gutom at pagsubok
Tunay na tahanan ng mga propeta, tunay na naging huwaran sa aming kalagitnaan
Hinubog mo kami ng may pagkakakilanlan buhat sa aming pagkakaiba’t iba
Kinalampag mo hindi lamang ang aming tenga, bibig at mata
Ngunit buong pandama nami’y iyong ginigising
Pati ang kaibuturan ng aming mga laman at buto
Inilubog kami sa karanasang nakakapagpabago
Upang konkretong sumaksi na may tapang at dangal
At dahil dito, sama-sama’t magkaagapay tayong kumikilos
Nakikiisa sa tanging layon ng Kristong sinusundan
Ang bukal ng kasaganaan at kahulugan ng buhay
Patuloy na bibigyang kulay at padadaluyin sa ugat’ dugo ng pakikibaka
Hayagang ipalalaganap at isasabog sa buong sangnilikha
Na may pagkilala sa Diyos na Buhay, ng Kasaysayan, Kaayusan, at Pag-ibig
Pagpupugay sa Tahanan ng mga Propeta, Union Theological Seminary!
Sa Sampung Dekada at Labindalwang Taon
“Masaganang Nananahan,
Buong Diwang Sumasaksi,
Bukas-palad na Naglilingkod!”
Nov 21, 2019
Nov 21, 2019 at 4:16 AM UTC