Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hurado" poems
Marilag na kasuotan ay itakip sa pagkalamat para di mabigyan pansin, masundan ang lingas Mag-aani ng papuri ang mapagdamdam na muslak Ang mga bakas ng kahapon ang pumipigil sa paghakbang Nakamtan man ang kaluwagan ay matagal pa rin bago nakapagpapasya Di magagawa ang pithaya                       (KWENTO) (Sa barangay, doble-doble ang bantay sa tarangka Masusubukan ang matalas na kampilan Matatalo ang sinumang dayuhan Masinsin sa pagbabantay sa pook na magiging libingan Maalat ang komposisyon ng sipol Nakakarindi ang taghoy ng mga kalaban Nagdiriwang sa loob nang matapos ang digmaan Ang datu at mandirigma ay iisa maging sa hangarin na tinagumpayan nila Kinokondena ang kaaway Ibibitin nang patiwarik Walang awa ang magsasalubong sa sentensiya Mga bihag ay ipapasok sa kulungan araw-araw bibigyan ng kakanin Sa takdang oras sila'y bibitayin magiging palamuti sa poste ng bahay ng Datu) Namangha sa kwentong bitbit Sa katunayan nagdibuho ng sitwasyong kathang-isip Sila'y hurado na hinuhusgahan din Binabatikos ang ugali Kinukurot ng imahe ng repleksyon
0
Dec 18, 2018
Dec 18, 2018 at 5:49 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #16
Agosto at Setyembre 2015 – Ika-19 ng Agosto, Crim. Mini Intrams na pinaka-una Naging hurado si Mi sa pagguhit at pagpinta Ika-10 ng Setyembre, ika-28 kaarawan ni Jo Ipinagdiwang sa Crim., si Mi ay dumalo Ika-15, nagbukas si Jo ng unang account sa BDO Nananghalian sa Mang Inasal ang MiJo! -11/11/2015 (Dumarao) *4th MiJo poem
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:41 PM UTC
400. Agosto at Setyembre 2015 ng MiJo
Aakyat sa entablado Dala dala ang aking talento Haharap sa mga hurado Habang ako’y kabado Magsasalita sa harap ng maraming tao Kahit ako’y problemado At nangangamba kung ano ang magiging grado Ako ba’y bagsak o pasado
0
May 5, 2020
May 5, 2020 at 10:56 AM UTC
Entablado