Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"humuhikbi" poems
Nagising ng Alas tres ng madaling araw tila wala ng araw na sisilaw Iniisip ang mga salita na binigkas mo sa araw na hiniwalayan mo ako Bakit hindi napansin ang iyong mga galaw Na ayaw mona at pagod ka na kaya nag-paalam Nabigkas mo ang mga salitang hindi ikaw ang dahilan kundi ako sinta Mga sandaling kay saya napalitan ng lungkot at luha Nakita ang luhang sanhi ng kalungkutan na nagmarka sa aking unan Na tila magmamarka na rin sa aking puso at isipan Bakit hindi napansin na hindi ka na pala masaya aking sinta Lumipas ang ilang araw, linggo at mga buwan Nakita kitang masaya at hindi na lumuluha kasama ang aking kaibigan Ako'y parang isang tangang tumatawang humuhikbi Basang basa sa ulan na umuwi Parang wala ng humpay ang sakit Gusto ng mawala sa mundong puno ng pait Kailan kaya ako makakakita ng isang taong hindi ako ipagpapalit Na magiging masaya kung ano ako at kung ano ang meron kami
0
Jun 19, 2019
Jun 19, 2019 at 1:54 AM UTC
Kwento ng isang sawi
Hinahanap ka kapag di kita nakikita Namimiss kislap ng yung mga mata At sa bawat pagising ikaw ang unang naalala at ninanais na muli kang makasama Kahit wala ka saking tabi pinipilit kong isang tabi mga lungkot sa aking mga labi at sa bawat gabi akoy humuhikbi dahil wala ka sa aking tabi maari bang humingi kahit isang gabi na ikaw ay makatabi? Paulit ulit kong inuukit sa aking isip na sa bawat iyong pag alis ako ang laman ng iyong isip at sana sa iyong pag tulog ay iyong naalala bawat halik at yakap na aking iginuhit oh aking mahal patawad kung akoy naging hangal dahil sa aking kaduwagan di kita maprotektahan pero ito lamang ang iyong tatandaan may salitang ikaw at ako lamang at walang iwanan pangako yan! Simpleng tula para sayo regalo na galing sa aking puso mga salitang hindi pangako at ni minsan di mapapako kaya iyong bigyang halaga ang bawat letra dahil dito mo makikita at madarama ang tunay na saya At nga pala mahal kahit masakit na hindi kita katabi sa bawat gabi yuon ay aking naiintindihan pangako yan kaya wag mag alala dahil hindi ako sayo mawawala saan man ako mapunta
0
Dec 10, 2017
Dec 10, 2017 at 11:27 PM UTC
mahal