Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
PandaPao Jul 2018
#11
Wala nang lumalabas na salita
Di na ako makagawa ng tula
Pinipilit basahin ang sarili
Ngunit walang tugmang mapili

Alam kong dapat walang ganito
Pagpiga ng damdamin para sayo
Diba dapat natural lang daw
At hindi magtutunog mababaw

Pero mahal bakit ganito
Bakit biglaan na lang huminto
Dahil ba nabasag ang ideyalismo
Mga makalumang aspirasyon ko

Pero mahal wag kang mag-alala
Mabubuo ko tong aking talata
Katulad ng Pag-ibig ko sayo
Gumulo lang isip hindi ang puso

Di ito hihinto tumibok para sayo
Nandito lang ako lagi para sayo
Ako nang sasalo sayo mahal
Pipiliting maging sagot sayong dasal

Mamahalin kita ng buong buo
Hinding hindi magkukulang sayo
Kaya tatapusin ko tong sulat ko
Pero hinding hindi ang pagmamahal sayo
Cepheus Jan 31
Gaya ni Fidel,
ako'y pinaasa mo.
Pero 'di gaya ni Fidel,
'di ako gumawa ng isang daang tula para sa'yo.
Sapagkat pangalawa pa lamang ito,
at sana'y dito na ito huminto.
#2

— The End —