"huminahon" poems
*Ang bilis ng panahon
Malapit na palang mag isang taon
Simula nang ating ikahon
Pag-iibigan nating hindi nakaahon
Huminahon na ang bagyo na iyong dala
Buo na muli ang puso kong nasalanta
Naghilom na lahat ng sugat na mahapdi
Hindi na pilit ang aking mga ngiti*
Mar 13, 2016
Mar 13, 2016 at 11:54 PM UTC
ARMAS MO'Y PANALANGIN.
Bago natin hangarin ang pansarili hiling,
Hingin na bawat isa'y makabangon at gumaling;
Sa gabay Nya, walang maiiwang nakabitin
Pagkat ang DIYOS ay mas higit pa sa bituin.
Mataimtim na dasal ang mainam na gawin.
Isuko sa kanya ang lahat ng masamang gawain;
Talikuran at wag na nating ulit-ulitin
Ang Kanyang utos ay di dapat balewalain
Normal lang matakot, pananalig mo'y wag hawiin
Boung pusong pananampalataya - Sya'y purihin;
Huminahon at sa kanya tayo'y manalangin
Handa syang makinig, naghihintay lamang sa'atin.
Simpleng pagsubok lamang ito kung tutuusin
Kung sa kanya ang tiwala mo'y hindi bitin;
May dumating mang hadlang at ika'y sirain
Itanim sa isipan - armas mo'y panalangin.
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 6:39 AM UTC
mahirap makipagsapalaran
sa sitwasyon na alam mo
umpisa pa lang ikaw ang talunan
mga bagay na dapat dina dahan dahan
sabi ko sayo wag mo masyadong galingan
pwede naman tumigil muna saglit
wag papadala sa sobrang galit
huminahon ka at mag isip
baka sakaling mawala ang inip
Aug 9, 2019
Aug 9, 2019 at 12:52 PM UTC
kahit sabihing sandali
hindi ako nag-atubili
bakas sa mga labi
ang aking mga ngiti
makasama ka'y nag pauwi
sa aking pighati
kaya kahit sa sandali
pangamba ko'y pinawi
kahit sabihing sandali
oras nama'y bumabagal
at gustong ulit-uliting muli
at sa iyo'y sumandal
kaya't sandali
huminahon ka man lang
wag mag madali
nais kang samahan
at nasa alaala ko parati
na bago umuwi
mga kamay nati'y nagdampi
kaya sa pagtalikod ay nakangiti
at ang puso ko'y humihikbi
sa tuwing ako'y iyong nilalapitan
kaya sa mga susunod na sandali
makasama'y aking aasahan
Dec 14, 2020
Dec 14, 2020 at 1:51 PM UTC