Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"humina" poems
Natuyo na ang kaalatang pumapalibot sa kanyang mga mata Ilang papel na ang nasira sa pagtulo ng mga basang kalungkutan sa mga salitang pinagsikapang idikta't ibuga Umaasang, balang araw Ang sakit na kinikimkim ay tuluyan ding maiibsan Ngunit Lumipas ang mga buwan, humina ang katawan Nagkulong sa loob ng sariling kasakiman't kadiliman sa takot na muling masaktan. Pero tama na. Sa wakas, dumating na ang realisasyong matagal nang inaasahan: Nakakasawa nang magtiis matulog sa mga basang unan. Panahon na para ito’y labhan.
0
Mar 7, 2018
Mar 7, 2018 at 6:21 AM UTC
Sa Wakas, Babangon Na Siya
Kabado; Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan. Ang malumanay na ihip ng hangin ang naging pampakalma. Bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa ay seryoso. Walang pagkukubli ang puso Ang hindi mapirming mga yapak ay katumbas ng pagkasabik sa’yong yakap. Gabi, muli akong tumingala Walang palya ang ihambing ka sa mga tala. Kinukwento sa’kin ng mga kuliglig kung paano tatahakin ang ‘yong pag-ibig. Hindi ko kabisado; ‘Di alam kung pa’no babagtasin ang dagat na ito. Wari nila’y diyan matatagpuan ang pagmamahal mo ngunit, paano? Sinasamahan akong maglakbay ng inggit at takot Hindi madaling pamamangka ang sa aki’y bumabalot. Ang bigat ng pag-aalala ang maaaring magpalubog at malunod sa luha at panaghoy. Paano mapapanatili ang ningas ng apoy? Ano’ng solusyon sa pagkabahala upang magpatuloy? Hanggang sa itulak ako ng sapat na panahon. Muling humakbang ang hindi mapirming mga paa Humina panandalian ang ihip ng hangin Marahan ang pagkulbit ng mga buhangin. Matapang kong nilisan ang pampang Lakas ng loob, isang bangka’t panagwan Sabay naming idinawdaw ang aming mga sarili sa karagatan. Hayagang ibinubulalas ng langit na ako’y maging handa Malayo na ako sa pampang ngunit tanaw ko pa rin ang kaba. Ang pagkulog ay nagsimula na. Biglang pumatak ang ulan ng pagbabanta Dinig ko ang bulungan ng mga isda. Sambit nila’y masasayang ang pagbabakasakali Hantungan ng pakikipagsapalara’y wala. Galit na sumasayaw ang alon Ang kidlat ng kawalan ng pag-asa’y sa aki’y humahabol Pataas nang pataas ang sumasalubong na alon. Ang ‘di mawalang pagdududa ay nakikipag-unahan Umaakyat ang mga tanong sa’king isipan Kailan ko ba matatagpuan? Sabik na akong salubungin ang pag-ibig mo… … ang pag-ibig **** nasaan? Subalit, naghintay ako; Walang humpay ang paghampas ng mga alon Hindi natatapos ang pagtaas. Bawat pulgadang nadadagdag ay ang mga sagot sa’king katanungan At bigla ang pagtaob; Tama ang bilin ng mga kuliglig Ito nga ang natatangi **** pag-ibig Mapanghamon; ngunit presko sa pakiramdam. Ang sarap palang makamit ang matagal mo nang inaasam Pipiliin ko ritong manatili hanggang ako ri’y iyong matagpuan papagingdapatin **** ako rito’y manahan ‘pagkat kahit sa daluyong, kalmado akong magsasagwan. Kabado; Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan. Ang malumanay na ihip ng hangin ay naging pampakalma. Seryoso ang bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa. Walang pagkukubli ang aking puso ‘pagkat dito pa lang sinta, mahal na kita.
0
May 3, 2020
May 3, 2020 at 1:03 AM UTC
Daluyong

Continue reading...
65
Minsa'y gumawa ng himig ang langit, Mga notang hinabi ng pulang sinulid, Sa kumpas ng hangin at sayaw ng tubig, Lumipad, lumaya ang awit ng pag-ibig. Ngunit may sariling ritmo ang tadhana, Banayad na himig sandaling nag-iba, Umakyat, bumaba, bumilis at humina, Makulay, mabigat ang awit ay kumawala At unti-unting narinig mga lirikong nakatakda.
0
Mar 9, 2021
Mar 9, 2021 at 9:41 AM UTC
Himig ng Pag-Ibig