Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hulaan" poems
Ikaw at ako alam kong wala namang tayo. Sino ba ang talo? Hulaan natin kung sino. Isip ko'y nalilito ano ba ang gagawin ko? Mananatili o lalayo? Alam ko namang malabo. Di na lang kikibo Hahayaan na lang siguro kahit di naman talaga sigurado Kung magiging tayo.
0
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 7:20 AM UTC
Ikaw. Ako.
Ang love story natin Ay parang kwento ng theme songs ng JaDine Di ka fan, di mo siguro maaappreciate Pero kinakantahan tayo ni Nadine Lustre at James Reid Ang daming tanong nung umpisa Ang daming pagdududa Game na ba? Ano na? Sure na ba? Ang hiling ko, sige na *Para ngang isang pagsusulit Bawal magbura, one seat apart, walang kopyahan, Right minus wrong, kung di alam 'wag hulaan, Kumpletuhin ang patlang, bawal ang tyambahan* *Para ngang isang pagsusulit Pinag-isipang mabuti* Hanggang sa sabi mo, "Oo na.". Yes! Oh, *wala ng bawian, mamatay man, period no erase*! Matapos no'n, nagdagsaan ang mga pagsubok Katulad din naman sa kahit kaninong relasyon *Pero dahil naniwalang sayo'y may forever Pareho tayong hindi sumu-render* *Pagkat sayo natagpuan ang ipinagkait sa akin At sakin mo naramdaman and di mo akalain Ipaglalaban ko Ipaglalaban mo* *Wala na tayong **** basta bahala na Alam lang kasi natin mahal natin ang isa't isa At kahit pa sabihin na, tayo'y di itinadhana Na na na na na na na na na na na bahala na* Pero katulad din ng ibang relasyon Lumalamig, parang kapeng napaglipasan ng panahon Tumitigas, parang pandesal na naiwan sa kahon Tila di na alam kung san tayo paroroon *Piniling lumayo Ngunit pilitin man ay bumabalik sayo Di matatago kahit magpanggap Ang iyong yakap, ikaw, ang hanap-hanap* *Ikaw ang hanap-hanap Dahil ang puso'y nangangarap Na magsasamang muli Na may happy ending bandang huli* Pero di pa tapos Ang kwento natin hindi pa tapos Sana'y hindi pa tapos At sana'y di na matapos Tatlong kanta pa lang naman No Erase, Bahala Na at Hanap-hanap Sana ay kumanta pa sila Sana ay marami pa At sana, kahit gaano man karami Masayang kanta ang maiwan sa huli Yung may forever, may happy ending Kaya sige, mag-duet pa kayo JaDine
0
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 1:56 AM UTC
Kinakantahan tayo ng JaDine

Continue reading...
52
Paano ko nga ba sisimulan ito? Dahil ayokong malaman ninyo. Kahit na ako’y pilitin Hindi ko pa rin sasabihin. Nakapagtataka, Naku! Nasabi ko na ba? Hindi ko talaga mapigilan. Subalit hulaan niyo na lang. Walang amoy ngunit napakabango Hindi nag-iingay ngunit may tono. Walang lasa ngunit aking inaasam Hindi ko makitta ngunit kulay ay di kailangan Pero ang bagay na ito Ay nararamdaman ko Alam kong pati rin kayo Namamngha sa isang sinestetiko Kaya hahayaan kong kayo ang maghusga Iiwanan sa inyo ang pasya Pero hindi ko sasabihin sa inyo Na pag-ibig ang tinutukoy ko.
0
Jan 18, 2014
Jan 18, 2014 at 3:06 AM UTC
Sinestetitko
--Hulaan Nasa tabi at nagtatago Tila isang pusa na takot mabigo Pagbilang ng tatlo Hulaan mo kung sino ito. Sa larong hulaan Na ating kinababaliwan Ikaw at ako ang nakakaalam Ng tunay na kahulugan Hulaan ang naramdaman Tinago at sinilid sa isang liham Hulaan at nataguan? Laro kung saan aking larangan.
0
Apr 3, 2017
Apr 3, 2017 at 7:24 AM UTC
HULAAN
Minahal kita higit pa sa inaakala ko Minahal kita higit pa sa sarili ko Minahal kita higit pa sa buhay ko Minahal kita higit pa sa pamilya ko Minahal kita higit pa sa oras ko Lahat nang 'yong minahal kita kasi akala ko mahal mo din ako. Ibinigay ko ang lahat ng meroon ako. Subalit, ako'y tila nagkamali. Tila na pa-isip ako... Balang araw makakalimotan din kaya kita? Balang araw makakamove-on na ba ako? O kaya naman, balang araw mamahalin mo na rin ba ako ? Hulaan ko, hindi. Kasi... alam ko naman, sa simula palang talo na ako. Masaya ka sa mga taong kaya kang pangitiin, patawanin, paligayahin, at higit sa lahat kaya ka nilang mahalin, sapagkat malapit na sila sa puso mo. Ano nga ba ako sayo ? Ako lang naman 'yong tao na nag bibigay ng effort para lang makita ka. Ako lang naman 'yong tao na, pupuntahan ka kasi alam ko nalulungkot ka. Sa tuwing magtetext ka ng... "Good am/pm gawa mo ?" "Tara, Kape tayo ?" "Tara sa tabing dagat?" Ako namang itong si engot... "Sige ***** na ako after 5mins" "Wait lang paalam lang ako kay mama." Dali-dali ako pupunta sa bahay niyo, dahil sabik akong makita ka. Ewan ko ba, hindi ko alam kung anong meroon sayo ? Kahit anong pilit ko na iwasan ka, pero sadyang mahal talaga kita.
0
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 9:52 PM UTC
Balang araw