Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bryant Arinos Sep 2017
Nagsimulang mangarap ang karamihan
Ngunit bigo ang iilan
marami ang naghangad ng pagpapala
ngunit ang iba ay halos walang napala

ang sabi "Ilabas mo ang nararamdaman mo!"
pero ang pagkakaintdi nila "Sige lang tago mo!"
natakpan ng pagkatakot ang tainga ng bawat Pilipino
binulag ng maling galaw ang lahat ng papanaw ng tao.

Ika ni Gat Jose Rizal, "mahalin ang sariling wika"
ngunit panay ibang lenguwahe ang gusto ng iba.
Simpleng paalala, nais ng karamihan ang pagkakaisa
pero sa sariling pagtangkilik ng atin, ayaw rin ng iba.

"Lipstick na pula", "Damit na may hati sa gitna"
"kantang di maintindihan ng bata", at mas masakit sa pandinig
ang tanong na ngayon ng mga bata, "Ano po ang ABAKADA?"
at ang nakakainis, ang pinagtanungan hilig rin ang wikang banyaga.

Pader ng pagiging malaya? Oo, may kalayaan ang bawat isa kung ano ang pipiliin nila, pero tandaan na sa bawat kilos at galaw,
mayroon itong kapalit pagdating ng araw.

Pader ng pagiging malaya? Oo, may nais ang lahat, may pangarap ang lahat pero isaisip di lamang sariling kagustuhan,
Maaaring makuha ang tagumpay pero maaari ring mayroong ibang taong madamay.

Pilipino ka, panindigan mo ang nais ng lahat ng kapwa mo.
di mo piniling maging Pilipino, pero ito ang biyayang binigay sayo
kung ang isda nahuhuli sa bungaga
ang bawat tao nahuhuli naman sa bawat salita.

Pader ng pagiging malaya, ilista mo rito lahat ng gusto mo, lahat ng ninanais mo, at lahat ng pangarap mo.
Pader ng pagiging malaya, di man ito ang huhusga ng kung anong pagkatao mo pero makakatulong to.

Pader ng pagiging malaya, sabihin mo lahat ng nilalaman ng puso mo
Pader ng pagiging malaya, ilantad mo dito ang ginagawa mo
Pangako bilang pilipino mababago dito ang pananaw mo.
at Pangako bilang Pilipino, ingatan mo rin lahat ng malalaman mo.

Pader ng pagiging malaya.

FreedomWall ika-nga.
Hayaan **** itong Pader ng pagiging malaya ang maging sandigan mo at gabay patungong pagkakaisa.
pauline Mar 2019
Minsan makakatagpo ka ng taong una pa lang click na kayo
Yung trip mo trip din nya
Kapag nagjoke ka ng corny tatawa pa din sya
Yung tipong ang gaan lang 'pag kausap mo sya

Ang sarap sa pakiramdam na di kailangang magpasikat o gumawa ng image na ipapattern mo sa magugustuhan nya
Yung kung ano at sino ka, yun lang ang ipapakita
Walang itatago kasi wala din namang huhusga

Buti na lang pareho tayo ng dinaanan
Nagkasabay sa pagtambay
Sa mga simpleng kwentuhan alam ko nakatagpo ako sa iyo ng tunay na kaibigan.
112622

Balikan natin ang mga pahina ng kasaysayan
Bagamat may iilang tekstong isinawalang-bahala na.
Mga pahinang hindi na nagawaran
Ng konkretong kalinawagan
Bunsod sa kusang pagpapasakop natin
Sa mga banyagang hayagang dumidikta
Sa ating kultura maging adhikain.

Hindi man natin nalimot
Na tayo’y minsang nakipisan sa mga bahay kubo,
Tayo pa rin ay tumawid sa lubid ng kamangmangan —
Ilang ulit na‘t tila ba hindi na tayo natuto sa mga kamalian ng nakaraan
Hindi lang tayo basta nabitag,
Bagkus rehas ay atin pang ipinagtibay.

Oo, tayo lang naman ang bumihag sa ating mga sarili
Kusang sumiping at nagpatali
Hanggang huli na nang mamalayang
Hirap na pala tayong kumawala
Sa mga buhol na tayo mismo ang may sulsi.

Iniibig natin ang Pilipinas gamit ang ating bibig
Ngunit ang bandilang ating iwinawagayway
Ay hindi na pala ang sariling atin.
Hindi masamang makisabay sa uso
Ngunit wag nating kaligtaan na tayo’y mga Anak ng Bayan.

Hindi rin mainam na tayo’y magpasakop
Sa samu’t saring ideolohiyang inihahain sa atin.
Pagkat hindi porket nasa hapag na’y
Ito’y para sa ating upang nanamnamin.
Wag kang hangal, Inang Bayan!

Isinisiwalat natin na tayo’y tunay na mga kayumanggi
Gamit ang mga sandatang hiram
Ngunit sa ating pakikibaka’y
Hindi ba sapat ang ating armas
At kailangan pang umasa sa kanilang lunas?

Pluma ang naging sandata noon
Ngunit maging ang ating Bayani’y
Hinayaan na nating maging pipi.
Mga lata’y maiingay
Sa araw-araw nating pakikipagkalakal.

Kahit saan tayo sumipat,
Tayo’y natutukso pa rin —
Bumibigay at bumibitaw, nalilimot maging tapat.
Aahon nang nakapikit,
Maging lenggwahe’y pahiram na rin.

At kung tayo ang huhusga
Sa ating walang modong mga nagawa’y
Linisin natin ang sarili nating mga dumi’t
Wag nang hayaang maging pabigat sa iba.

At Bandilang ginula-gulanit
Ay sama-sama nating susulsihing muli
Nang ang mga galos ng nakaraa’y
Maging umaapaw na pabaon sa ating mga iiwan.

Sa pamamagitan ng ating pagbubuklod,
Tayo’y magiging isang buong Pamilya.
At magbabalik ang sigla
Na minsan nating hinayaang kainin ng mga bukbok
At anay ng ating pagkawatak-watak.

— The End —