Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hirap" poems
Hindi ako marunong tumula Hindi ako marunong tumula Kahit tinuruan ako ng **** ko sa wika Ng tamang pagsulat Ng may tamang sukat Ng may tamang sukat ng salita Ng may tamang salita Hindi ako marunong tumula Dahil iniwasan kong gumawa ng isa Dahil ayoko ng konbensyunal Dahil ayoko ng sukat-sukat Dahil ayoko ng bilang-bilang Dahil ayokong nahihirapan Kung paano ko ipapahayag ang sarili ko Hindi ako marunong tumula Dahil alam kong ang mga makata lamang Ang may kakayanang makapagsulat Silang mga nakapag-aral ng wika Silang mga matagal nang nagsusulat Silang walang sawang nagsusulat ng mga salitang Kasing bango ng mga bulaklak Kasing tingkad ng langit Kasing linaw ng mga tubig sa dagat Kasing sarap ng paglanghap ng sariwang hangin Hindi ako marunong tumula Kahit naririnig ko sa radyo Ang mga kantang binibigkas Ng mabibilis na mga bibig Ng mga magagaling na mang-aawit ng tula Hindi ko inibig ang tumula Dahil alam ko sa aking sarili Na marunong lang akong magsulat ng kung anu-anong kwento sa buhay Mga kwentong binibigyan ko ng buhay Na akala ko sa isip ko lang maninirahan Ngunit dumating ang araw Natulala sa isang bagong kwaderno Blangkong kwaderno Ni hindi ko alam Kung ano ang isusulat Walang maisip ni isa Maliban sa isa Ikaw Ikaw lang ang laman ng isip ko Nakapaglakbay patungo sa unang pahina Ang salitang aking hinahanap Hanggang sa nagtawag siya ng mga kasama Ng ka-tropa Ng ka-barangay Sunod-sunod silang nagsisidatingan Ikaw lang ang laman ng isip ko Ikaw na lagi kong kasa-kasama Ikaw na lagi kong gustong kasama Ikaw lang Pero sunod-sunod ang salitang naisulat ko At nagulat ang nanlalabong mata ko Tula na pala ang naisulat ko At nagsulat ako Nang nagsulat tungkol sa mga ngiti mo Tungkol sa kung paano kita nagustuhan Tungkol sa kung kelan lahat nagsimula lahat ng nararamdaman ko Tungkol sa kung paano ko nilalabanan 'to Tungkol sa pagkagusto na akala ko hindi dapat Dahil magkaiba tayo ng gusto Nagsulat ako nang nagsulat Hanggang naisulat ko na pala Na mahal kita Hindi ako marunong tumula Ayaw kong gumawa noon ng tula Pero dahil sa'yo Marunong na akong gumawa ng tula Gumawa ako ng maraming tula May maikli May mahaba May hindi tapos May walang kwenta lang Halos lahat ay patungkol sa iyo Minsan sa buhay ko Pero sa'yo lang umiikot ang buhay ko Totoo Ang sarap palang gumawa ng tula Akala ko mahirap Akala ko laging may batayan Akala ko laging may sukat Tulad ng itinuro sa akin ng **** ko sa wika Pero hindi pala May iba palang paraan Basta't may emosyon kang nararamdaman Mahalaga na may emosyon tulad ng Malungkot kasi hindi kita nakasama Mahalaga na may emosyon tulad ng Masaya kahit na tinititigan lang kita nakikita ko na mangiyak-ngiyak ka na sa tawa Mahalaga na may emosyon tulad ng Pagkasawi kasi alam kong walang patutunguhan 'tong lahat Katulad mo ako Isinusulat mo kung anong nararamdaman mo Ang nararamdaman **** hindi katulad ng nararamdaman ko Ikaw na siyang nagmamahal ng taong Hindi ka gusto Katulad mo ako na Nagsusulat ng laman ng puso mo Kung pwedeng ako na lang na ang tinutukoy mo Marunong akong gumawa ng tula Ikaw ang may dahilan ng lahat Nasabi ko na sa'yo lahat Hindi pa pala lahat Marunong akong gumawa ng tula Pero hirap na hirap ako ngayon Dahil wala na akong maramdaman Wala na ang pinanghuhugutan Wala na yatang dapat paglaanan Wala na Habang isinisulat ko ito Wala akong emosyon Walang emosyong nararamdaman Sa'yo Tapos na ata ako sa'yo Wala na rin akong masulat para sa'yo Pero marunong akong magsulat ng tula Kaya Maghahanap na lang ulit ako Ng taong paglalaan ng mga salitang Hindi makatotohanan sa pangdinig kapag isinambit Hindi makatototohan habang binabasa ng mga mata At hindi makatotohanang isinulat ng isang hamak na katulad ko Maghahanap ako Ng isang tulad mo Mahaba-haba na ang aking naisulat Napatunayan ko na atang marunong akong magsulat Pero hindi ako marunong tumula.
0
May 29, 2015
May 29, 2015 at 5:50 AM UTC
Hindi ako marunong tumula

Continue reading...
129
Ako'y mailap Pag si Ina'y kapiling Kung ako'y umasta parang Hindi sya nakikita Parabang sa isip ko'y ako lang Mag-isa Anong mali? Tanong ko sa  sarili Anong mali at ganito ako Umasta, Sa harap ni Inay na nagbigay Buhay sa kagaya kong walang Kwenta Pero bakit ba? Gusto ko ba na isilang nya ang Kagaya kong basura na ay wala pang kwenta? Sukdulan na siguro Ang hinanakit ni Ina sa akin Kayat luha nya'y hindi na napigil Ako'y sinumbatan Lahat ng kamalian ko'y Sinambit Sa unang pagkakataon Si Ina ay nagalit Ako'y nagtaka Sa aking nadarama Ang puso ko'y bakit tila sasabog na Sa nakitang luha Na umagus pababa Isang gaya ko Ang nagpaluha sa Kanya O, anung hirap at Sakit pala Ang makitang lumuha Ang Ginang na nagpalaki't umaruga Sa gaya kong walang kwenta Ngayu'y alam kuna Ang damdamin ni Ina Ako ay nangakong Magbabago na, upang damdami'y ni Ina hindi na masaktan pa At brilyante  nyang mata'y hindi na tumangis pa Ang mahal kong Ina nasa malayo na Paano na ang pramis ko Tila naging abo na Masakit isiping Pagmamahal ay di naipadama Sa nag-iisa kong Reyna Na nagpahalaga sa kagayakong basura na'y wala pang kwenta Sumilip ang Araw Sa mata kong nakapikit Kahit natakluban na ng luha ang mata Batid kong si Ina'y nasa tagiliran ko pala Nakatayo at nakangiti,may alay na pagmamahal ang brilyante nyang mga mata Hinagkan ko si Nanay Tudo bigay ang dabest kong yakap Sabay dampi ng matamis kong halik sakanyang pisngi Batid ko si Nanay ay nagtaka Tila nagulat pa nga sa bago kung pag-asta Labis akong nasaktan Sa panaginip na handa ng may kapal Tiyak ako'y kanyang sinubok Upang malaman ko na ang halaga ni  Nanay ay di lamang sintaas ng bundok Kundi sinlawak din pala dagat Ang mahagkan pala si Nanay Ay Walang kasing sarap Sa haba nang panahon sanay Noon kupa nadanas Ang mayakap si Nanay kahit gaano pa katagal Ay hindi ako magsasawa Ohh,kay saya maranasan ang ganito Ang makapiling si Nanay Buo na ang araw ko Ang pramis ko Nay ay isa lang Mamahalin kita higit pa sa buhay kong taglay basta ba dito kalang at hindi lilisan
0
Apr 26, 2017
Apr 26, 2017 at 2:22 AM UTC
Promise ko inay

75
Umiibig akong matapat ang puso, sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo. Dilag na bulaklak sa harding masamyo, sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro. Tinataglay nila’y mararangyang pakpak, subalit ang nasa’y tanging halimuyak. Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak, sa mata ng iba’y isa lamang hamak. Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba, sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba. O! ang saklap naman, umagos ang luha, pagkat lumilihis ang ating tadhana. At niring landas ta’y lalong pinaglayo, nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo. Buong taglay niya’y di tapat na puso,  tanging hangad lamang ang kagandahan mo. Sinta ko ano pa ang aking magawa, kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na? Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t, panaho’y balikang ikaw’y malaya pa? Bihag ka na ngayong walang kalayaan,  hawak ang mundo mo ng lilong nilalang Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan, at ang yamang pakpak, dustang tinalian.  Paano O! Sinta yaring abang buhay? Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay. Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay, Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay. Subalit nasa kong lumawig sa mundo, sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko. At ikaw O! Sintang namugad sa puso, napanagimpan kong pinaghintay ako.  Sa harap ng hirap na di masawata, tanging asam ko’y lalaya ka Sinta. At itong pagtiis ay alay ko Mutya, mula sa puso kong nagdadaralita. Maghihintay ako sa pagkakahugnos, sa tanikala **** higpit na gumapos, sa kalayaan na lubhang nabusabos, at mariing dulot, galak na di lubos. Ang aking paghintay akay ng pag-asa, lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa. At ang dukhang pusong batis ng dalita, tila pinagyakap ang pag-asa’t luha. O! aking minahal ako’y maghihintay, kahit walang hanggang paglubog ng araw. Magtitiis ako sa gabing mapanglaw, hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway. Yaong sinag nito’y ganap na tatapos,  sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos. Sinag na tutuyo sa luhang umagos,  niring mga matang namumugtong lubos. Yaong pamimitak ng mithing umaga, araw na mabihis ng mga ligaya, ang buhay kong abang tinigmak ng luha, mula sa kandungan niring Gabing luksa. Maghihintay ako sa gitna ng dusa,  kapiling ang munting kislap ng pag-asa. Magtitiis kahit sanlibong pagluha, hanggang sa panahong muli kang lalaya. Maghihintay akong di hadlang ang pagal,  kahit ang panaho’y lalakad ng bagal. Magtitiis ako pagkat isang tunay itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal. Maghihintay kahit dulong walang hanggan, na pagdaralita’t mga kapanglawan Kahit di tiyak kong muling sisilang, ang bukang liwayway na tanging inasam. ©Raffy Love Canoy |May 2019|
0
May 28, 2019
May 28, 2019 at 6:21 AM UTC
Bukang Liwayway na Hinihintay

69
Sino ba ang modernong vincentiano? Ano ba ang kanyang pagkatao? Nagtatanong sa sarili ko Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay Kung anong magawa ko Dito ba sa munting palad nakahimlay Ang lahat ng kakayahan ko? Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman. Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot” Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot Dahil sa disiplina tayo y nililok Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok Mula sa Mga **** nating tinuturing na magulang, Mga mababang tao na ating ginagalang, Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan Ang tanggapin ang katotohanan, At hangganan ng kakayahan Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban Ng walang hinihintay na kapalit Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent) Na sa pagtulong ay di napagod Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod Salamat sa  Amang nasa itaas Na nagbibigay ng lakas Ang lakas na di nauubos Para sa aming misyon na di pa rito natatapos Sandata ay ang panalangin Lakas ng loob at damdamin Dahil sa Diyos na mahabagin Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan Pagkat ating ramdam ang bawat hirap Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan Handang makiramay at ibigay ang anuman Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan Pagkat sa bawat taong ating natutulongan gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman Sino ang gumagawa nito? Sino ba ang modernong vincentiano? Isa ba ako sa mga ito? Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:26 AM UTC
Modernong Vincentiano

47
Kaibigan, pinakamasakit na tinawag mo sa akin, Na lubhang kumirot at tumusok sa damdamin, Isang bagay na tumuldok sa aking naisin, Isang kirot at hapdi na kay hirap alisin. Kaibigan, isang taong laging nandiyan, Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman, Lahat ng sakit at luha mo’y maiintindihan, Hindi ka matiis kahit mapunta saanman. Kaibigan, isang mapagpanggap na kaaway, Na palagi sayo’y nakangiti’t kumakaway, Ngunit sa iyong pagtalikod hanap ay away, Iyong pagbagsak ay kanyang tagumpay.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 7:40 AM UTC
TATLONG LEBEL NG KAIBIGAN.
Hindi alam kung pano sisimulan, nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan, Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan, Ilapat sa mensaheng ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan. Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula, Itoy dili iba't hindi inaakala, Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan, Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan. Mga pagsubok biglang dumarating, Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin. Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan, kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan. Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod. Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling kaloob, sa Maylalang aking utang na loob. Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad, magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
0
Jun 10, 2019
Jun 10, 2019 at 11:09 AM UTC
Di Tugma
Wala Akong Magawa Nagsimula lahat ito noong nabasa ko ang sulat mo Unti-unti kong binasa ang bawat letra na sinasambit mo Ramdam ko ang sakit, pagmamahal at panghihinayang na iyong nararamdaman Pero wala akong magawa dahil ako ay may kasalanan. Akala ko sa una lang to pero bakit habang tumatagal ay lalong bumabaon sa aking puso. Ang hirap kalimutan ang mga panahon na tayo'y pinagtagpo Lagi kung pinagdarasal na balang araw ay mapatawad mo ako Pero ito ay iyong tatandaan, gagawin ko ang lahat para matupad ang aking pangako.
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 1:38 AM UTC
Promise
Dalawang taon na ang nakalipas Ang aking unang nakitang liwanag, Isang liwanag na ako’y nasilaw At nahimala sa ‘king natagpuan, Ang ilaw na ito ay mahalaga, Mas mahalaga pa sa milyong pera, At hindi ko ito inaakala Na ito pala’y aking makikita, Isang araw ako ay may tiwala, May tiwala na magiging akin s’ya, Itong tiwala ay isang tadhana, Tadhanang ika’y mapapahimala, Itong ilaw ay aking binitawan, At pinagpalit sa ibang liwanag, At ito ay aking napagsisihan, At bumalik sa ‘king unang liwanag, Nung ako ay nakabalik sa ilaw Hindi ko ulit ito mabibitaw, At ang aking problema ay gumaan At hindi ko ulit ito iiwan Ang tula na ito ay maliwanag At di kailangan ng paliwanag, Itong tula ay isang kwento lamang At ito ay nagsisimula palang, Kapag ako’y na sa gitna ng dilim Ikaw ay nandoon para saakin, Para ako ay kumintab sa dilim Tuwing ang araw ay ‘sang makulimlim, Ako’y natutuwa sa ‘yong itsura Tuwing ikaw ay naging masaya, Pati ako ay nagiging masaya Ang iyong saya ay nakakahawa, Kung ika’y nakita kong nakangiti Ang damdamin ko ay gustong ngumiti, At maraming taong gustong humingi Nang iyong tuwa sa iyong pagngiti, Dahil sa’yo, hindi ko mapigilan Na tumingin sa iyong kagandahan, Na hindi ko kayang makalimutan Ang kagandahan na ‘king minamasdan, Sa ‘yong ugali ay ‘king nagustuhan Dahil sa iyong pagka-orihinal, At sa ‘yong magandang kaugalian Na di kayang magaya ng sinuman, Ang iyong mata ay isang bituin Dahil sila ay magandang titigin, Na walang plano para lang tumigil Kahit ito’y nasa gitna ng dilim, At isang araw na nakita kita Ikaw ay ang aking naging tadhana, Kahit pinakaunang pagkita Ikaw na agad ang aking nadama, Kahit hindi pa tayo magkaibigan tangi ‘kaw na ang aking nagustuhan, Na walang kahirap-hirap maghanap Sa iyong nakatagong kagandahan, Sa ilang taon na aking pasensya At ito ay sulit na hintayin kita, Dahil ikaw ay walang kasing halaga Nang kahit anong halaga ng pera, Ikaw ay isang tunay na liwanag Dahil ang aking buhay ay kuminang, Na walang tigil para lang kuminang Para Makita ang aking daanan, Ilang taon ko na itong tinago Para lang ikaw ay hindi lumayo, Na sa aking pag-iisip sa iyo Na damdaming ito ay di matuyo, Di ko ipipilit ang ‘yong pagmahal Na ako ang iyong karapat dapat, Na mahalin, para sa iyong buhay At ako’y may respeto sa ‘yong buhay, Ang aking nakatagong pakiramdam At ito ay para sa iyo lamang, Ako ay swerte nawalang kaagaw Dahil ako ay mag-iisa lamang, At ako ay hindi titigil dito Dahil ito ay para lang sa iyo, At wala kang kaagaw para dito Dahil ako ay para lang sa iyo, Sa puso ko’y hindi kita mabibitaw Dahil para sa ‘kin ika’y espesyal, At ikaw ay hindi mapapahamak Dahil ako ay naririto lamang, Ako ay nakapili ng seryoso At hindi nagkakamali sa iyo, At ikaw ang aking sariling mundo, At hinding-hindi ko ‘to magugulo, Kung ikaw ay wala, ako’y madilim Hindi magbabago ang ‘king damdamin, Sapagkat ito ay hindi titigil Dahil ikaw ay ang aking bituin, Kahit malawak ang ating paligid Tayo ay magkikita pa rin ulit, Dahil ito ay ang aking damdamin At ‘tong damdamin ay para sa atin, Ikaw ang nagbigay sa ‘kin ng pag-asa, At ito ay nagamit ko ng tama, Hindi ako palaging umaasa Dahil ito’y bihira lang tumama, Tuwing ako ay may nalilimutan Ikaw agad ang aking natandaan, Kahit ikaw ay ang aking iniwan Ikaw ang lumabas sa ‘king isipan, Ang tula na ito ay magwawakas Ngunit ang damdamin ko’y walang hanggan, Tatlong saknong nalang ang katapusan Dahil ito ang huli kong sagutan, Para saakin ikaw ang liwanag Kung ika’y wala, ako’y isang bulag Tuwing kumintab ang ‘yong kagandahan, Ang mga bulaklak ay namulaklak, Ilang taon ko na itong hinintay, Para lang ang damdamin ko’y malabas, Itong pagkakataon ang dumaan Para malaman **** ‘king naramdaman, Hindi ko inakala ang ‘yong ganda Na ang ibang tao ay di makita, Ito na ang katapusan ng tula, At salamat sa iyong pagbabasa.
0
Dec 13, 2019
Dec 13, 2019 at 6:02 AM UTC
Liwanag ng Aking Buhay

120
Tanghali na at nais ko sana magsulat, Ibuhos ang lahat ng aking gustong ipagtapat, Ngunit wala, walang lumabas ni isang letra o salita, Nahihirapan na kahit hindi halata. Isang lapis at papel ang aking hawak, Ang daming bumubulabog sa aking utak, Nais ko sanang iparating sayo, Binighani mo ang puso ko. Kaso ang hirap, ang hirap hirap isulat ng aking nadarama, Na parang magiging katawatawa o masyadong madrama, Hindi ko alam kung paano pero ito ang naisip ko, Naisip kong paraan para masabi sayo. Ang pagsulat. Dahil ito ang aking bibig, Ito ang tanging paraan para mailabas ko ang aking hinanakit o pag-ibig, Nakakatawa man o ang "corny" pakinggan, Pero kahit ganoon pa man, ipagpapatuloy ko sa paraan na makakagaan. Makakagaan sa akin at sa mga taong makakabasa, Na hindi ito sinulat ng basta basta, Isang blankong papel at isang ordinaryong katulad ko, Isinusulat ang lahat ng mensahe sa paraan na alam ko. Gagabihin nanaman kaka-isip, At bibisita nanaman  ang mga talang gabi gabing sumisilip, Nakakatuwa dahil sila ang laging kausap, Habang natutulog ang mga ulap. Isang blankong papel ang aking hawak, Walang kawala sa magulo kong utak
0
Aug 9, 2016
Aug 9, 2016 at 9:44 AM UTC
BLANKONG PAPEL
Inukit ko ang pangalan nating dalawa sa isang puno Simbolo Ito kung gaano kita ka mahal, mahal ko Naka ukit sa punong iyon lahat ng ating mga pangako Mag mamahalan tayo pang habang buhay kahit labag man sa atin pati ang mundo Sabay tayong nangarap noon At alam kung balang araw matutupad iyon Pero tila labag talaga sa atin ang mundo Mga pangako'y bigla nalang nag laho at na pako Tinangay ng malakas na hangin ang munting pangarap natin Tila kahit saan ito tangayin ay kay hirap na itong hanapin Bakas ang pangungulila at lungkot sa aking mga mata Dahil kahit katiting na pag-asa'y di ko na makita Umalis ka at ako'y iyong iniwan Lungkot at pananabik na sanay babalik ka at hinding hindi na kita bibitawan Para akung pulubing palaboy laboy kahit saan Tulad ng pag mamahal natin di ko alam kung saan ang patutongohan Iyong ngite na parang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ko Pero ang ngiting iyon di ko na nasisilayan kaya biglang nag dilim ang mundo Mga yakap mo gusto kung madama muli Mahal ko bumalik kana at alam kung hindi pa ito ang huli Madalas akung pumupunta doon sa may puno kung saan naka ukit ang ating mga pangalan Dahil alam ko na doon mo ako iniwan at doon mo rin ako babalikan Tila buhay ay parang sentonadong guitara Wala nang direksyon ang mga nota dahil nawala na pati yong kopya Lumipas ang ilang araw hindi ka parin bumabalik Mas gustohin ko nalang sumoko dahil dito sa sakit May bagong pangarap kana ata diyan mahal dahil di muna ako binalikan Masakit pero sige sisimulan narin kitang kalimutan Tumanda na ang munting kahoy na ating pinag ukitan Kay tanda narin ng pag-ibig natin na iyong tinalikuran Ilang taon na ang lumipas at kay rami na ang nag bago Pero pag mamahal ko sayo pang habang buhay naka ukit sa punong ito Ngayon may kanya kanya na tayong sariling buhay Buhay na pinangarap natin Pero ito'y namatay Masaya na ako mahal sa buhay kung ito Sana ganon karin katulad ng nararamdaman ko sayo Mahal ang punong ito, ay mananatiling simbolo at Manana tiling naka ukit ang ating na udlot na pangako
0
Dec 20, 2016
Dec 20, 2016 at 11:20 AM UTC
Puno ng Pangako (Tree Of Promises)

37
Natuklasan ko na pagkatapos ng lahat ng hirap at sakit na iyong naranasan Makakangiti ka pa rin pala muli Pagngiti tulad noong unang beses **** makatanggap ng laruan galing sa iyong magulang Tulad noong unang beses **** makausap si crush with matching blush Tulad noong pinagtripan nyo si classmate na uto uto (mga bully!) Tulad noong sinagot ka na ng nililigawan mo Tulad noong nalaman mo na crush ka rin ng crush mo at ayun naging kayo Tulad noong nalaman mo na wala kang grado na singko Tulad noong natanggap ka sa una **** trabaho Tulad noong pagtanggap ng unang sahod na pinaghirapan mo pero sa magulang mo lahat mapupunta Tulad noong napromote ka at unang salary increase mo! Tulad noong sinurprise ka ng mga kaibigan mo nung kaarawan mo Tulad noong pagkatapos ng una niyong halik ng iniibig mo Tulad noong nakikita mo na unti unting natutupad ang mga pangarap mo Sa paglipas ng mga araw Matutunan mo Na pwede kang gumawa ng mga bagay na makakapagpasaya sayo Tulad ng isang ibon na lumilipad kasabay ang hangin
0
Feb 3, 2016
Feb 3, 2016 at 10:21 AM UTC
Pagngiti
Ito na ang una't huli ang una at huling tula para sayo sapagkat ang tagal na dapat ko tung tinigil Tinigal ang pag ka tanga ko. Ang hirap diba sa simula pa lng para na akong sira kasi sa simula pa lng wala na akong magawa bigla na lng ako nahulog sayo at sa lahat ng iyng pinag gagawa kahit maliit na mga bagay ay napapansin ko sa pag kumpas ng iyung mga kamay sa matatamis **** mga ngiti sa mapupungay **** mga mata ako talaga ay na bighani pero anu ba't ang hirap talaga pero sinabi ko na may paghanga ako sayo ayun na ang pang gitna nagkakilala tayo ng lubos ang paghanga ay naging pagmamahal d mo naman ako binigo minahal mo din ako pero bakit ganun d naging tayo? ang hirap diba kasi kahit ikaw d mo yan nasagot ilang taon din ako nag hintay aking sinta pero sa mga taong yun hirap na hirap na ako pero ako ay naghihintay parin na parang tanga umaasang may tayo parin sa huli pero wala pala kaya nag paalam ako kasi d ko na kaya nanliliit na ako sa sarili ko bakit d kita mapa oo tapos biglang sinabi mo minahal mo talaga ako akala mo makakahintay ako kahit gaano katagal sabi ko oo kaya sana kitang hintayin kahit gaano katagal kung sana sa paghihintay ko wala kang kasamang iba. kaya ito na ang una't huli na tula para sayo kasi pagod na ako sa paghihintay sa wala salamat sa iyo at nagising na ako.
0
Oct 8, 2018
Oct 8, 2018 at 9:33 AM UTC
Una't Huli
Bumalik tayo kung saan... Paano nga ba nagsimula? Nagsimulang ang mga pangamba ko ay mawala, nagsimulang pangamba ay mapalitan ng pag-asa't pagtitiwala. Mga pagluha sa aking mata, ay tila naglaho na Napalitan ng pagtawa, lumbay ay lumisan na. Paano nga ba nagsimula? Mamuhay nang kasama ka Sa mga araw na kapiling ka—- bawat araw ay puno ng galak at pagsinta. Tinuruan mo akong, mamuhay nang may saya Pait ng kahapon ay naitapon na, mula nang ikaw ang makasama ko, sinta. Samahang walang papantay, punung-puno ng buhay! Pag-aalaga ay damang-dama, suporatado ang isa't-isa. Paano nga ba nagsimula? Malalim na pinagsamahan Masasayang ala-ala, na tila hindi maaantala—-     ng kahit anong problema, sa atin man ay naka-amba Magkahawak mga kamay, tayo ay hindi bibitaw. Mga gala at lakad natin, na minsan ay biglaan pa Mga oras na hindi natin alam, kung paano napagkasya. Basta't alam nating... tayo ay masaya—- kahapon man o ngayon, at kahit na bukas pa! Ngunit dumating ang panahon, tayo'y sinubok na ng pagkakataon Masasaya nating bukas ay nagsimula na ngang kumupas Hindi alam kung paano, tayo'y biglang nagbago Tila nalagas na puno, hindi na lumago. Akala ko ba ikaw ay "KASAMA?" Hindi lang kaibigan o basta-bastang kasintahan Kasama sa lungkot at pighati, kasiyahang hindi mawari Pagkatalo man o pagkapanalo—- tayo pa rin ang magwawagi. At ngayon... Bumalik tayo kung saan... Paano nga ba nagsimula? Nagsimulang mawala ang paniniwala na tayo ay para sa isa't-isa Nagsimulang matalo sa digmaan at piniling wag na lumaban? Nagsimulang maglaho ang mga katagang "mahal kita" Nagsimulang magbulag-bulagan sa katotohanang b a k a   t a y o  a y  p w e d e   p a ? Isip at damdamin ay di makaunawa Hirap pagalingin ang sugat na sariwa Sugat na iwan ng ating pinagsamahan Pinagsamahan na akala ko ay aabot sa simbahan Paano nga ba nagsimula? Paano at kailan nagsimula? Nagsimulang matapos ang ating pagmamahalan? Kahit kailan pinangarap ko, maging ikaw at ako—- hanggang sa dulo Paano mangangarap kung ako ay gising na? Gising sa katotohanan na tayo ay w a l a  n a? © LMLB
0
Jan 16, 2019
Jan 16, 2019 at 9:02 AM UTC
Paano Ba Nagsimula

50
Nilikha silang kaagapay ni Adan, Sa hirap at ginhawa, sila'y naririyan, Maging gabay sa hinaharap man o nakaraan, At punuin ang gabi ng walang pag-aalinlangan. Isa kang dakila at isang huwaran, Isang ina at ilaw ng tahanan, Mga anak mo'y iyong inaalagaan, Winawasto ang bawat nilang kamalian. Babae, ika'y kapita-pitagan. Babae, ika'y hinahangaan, Babae, ika'y karunungan, Babae, ika'y kayamanan. Katalinuhan mo'y lumalabas, Katapangan mo'y naipamalas, Kasikatan mo'y pumapaibabaw, Kagandahan mo'y umaapaw.
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 10:30 AM UTC
Babae
Mga pangako **** nakakaakit, Mga pangako **** nagpapangiti saakin. Ang pangako mo saakin na "Hindi kita iiwan." Ang pangako mo saakin na "Hindi kita kayang saktan." Ang pangako mo saakin na "Tiwala lang sabay tayong tatanda." Ang pangako mo saakin na "Tayo'y magpapakasal pa at bubuo ng masayang pamilya." Ang pangako mo saakin na "Ikaw lang at wala ng iba." Ngunit bakit? Bakit lahat ng pangako mo ay napako? Nasaan ka nung mga panahong nahihirapan na ako? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng atensyon mo? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng iyong oras? Pasensya na kung maraming tanong na sumasagi sa aking isipan. Pagkagising ko may iba ka na pala di mo manlang nabanggit saakin sobra akong nalungkot nung mga panahong iyon. Napakatanga ko dahil ako'y naniwala sa mga matatamis **** salita. Napakatanga ko dahil minahal pa kita. Napakatanga ko talaga! Bakit pa kasi kita nakilala? Ang hirap kalimutan ng mga masayang ala-ala nating dalawa, Napakasakit! Sobra parang tumigil ang aking mundo simula ng ika'y nawala. Naalala ko pa noon lagi mo akong pinapangiti sa tuwing ako'y malungkot. Lagi mo akong dinadamayan sa aking mga problema. Lagi mo akong kinukulit at nilalambing. Miss ko na ang mga panahong iyon, Yung mga panahon na napakasaya nating dalawa para bang wala na tayong pakealam sa mundo. Bakit ganon? Bakit sa isang iglap bigla nalang itong nawasak? Bigla ka nalang nawala ng parang bula. Bakit naging kabaliktaran ang lahat? Bakit bigla mo nalang ako iniwan ng walang dahilan? Hindi ko na namalayan na may tumulo na palang luha sa aking mga mata. Bakit kasi iniisip pa kita? Bakit hindi ko parin matanggap ang nakaraan? Bakit hindi parin kita makalimutan? Ang hirap hirap **** kalimutan! Bakit? Naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon nagpapakatanga parin ako sayo! Masaya ka na sa piling ng iba diba? Hindi ko na guguluhin pa. Kitang-kita ko sa iyong mata kung gaano ka kasaya sa piling niya, Kung gaano mo siya kamahal, Kung gaano mo sya iniingatan. Katulad ng pagtrato mo saakin dati. Bakit kasi ikaw parin? Ikaw parin yung taong mahal ko? Diba dapat na kitang kalimutan katulad ng paglimot mo saakin? Kelan ba kasi ako mamumulat sa katotohanan na wala na tayo? Kelan ba ako makakalimot? Hanggang ala-ala nalang ba ang lahat?
0
Dec 2, 2016
Dec 2, 2016 at 11:28 PM UTC
Pangako

1:40 am, Ganitong oras mo ‘ko sinagot Ganitong oras mo pinaramdam sa’kin na mahal mo rin ako Ganitong oras ko narinig ang mga katagang mahal kita mula sa’yong mapupulang labi Kaya naman, sa ganitong oras ko din isisiwalat kung gaano kita kamahal Matagal ko na ‘tong pinaghandaan Di ko nga tansya kung ilang letra, ilang salita o ilang talata ang nasulat ko Di ko na tansya kung ilang araw ko ‘tong kinabisado para lamang maging perpekto sa harapan mo Di ko tansya kung ga’no nga ba kita kamahal, nung tinanong mo ‘ko Pero ngayon, ito na. Ala-una kwarenta ng umaga, ginising ako ng isang panaginip Panaginip na nagbigay init sa puso kong natutulog. Ito din yung oras kung kailan ako’y natataranta kasi nga may pasok na naman. Ito rin yung araw kung kalian kita unang nakita. Di ko alam kung tadhana nga ba, na napaniginipan kita bago kita nakilala Tandang-tanda ko pa… Yung mga ngiting binigay mo sa’kin nung ika’y nasa panaginip ko pa lamang Tandang-tanda ko pa… Yung mga ngiti mo Nung tinanong mo ‘ko kung kailangan ko ba ng tulong sa mga akdang-araling binigay sa’tin ng ating mga **** Tandang-tanda ko pa…. Na hirap akong makatulog kasi nga di ako makapaniwala na ang babaeng napanigipan ko’y Magiging kaklase ko Kaya naman Sinet ko na ang alarm sa 1:40 am simula nung araw na yun Araw-araw Para lamang itext ka ng goodmorning at gulat naman ako Kasi nga, nagrereply ka pa sa ganoong oras Destiny at meant for each other nga naging mantra’t mentality ko noon. Di ko nga alam kung ako ba’y nasa loob pa ng isang panaginip O ito ba’y kathang-isip na lamang Masaya ako! Hindi, Mali Sumaya ako simula noon Kaya naman ginagawa ko ang lahat ng gusto mo at pinipilit gustuhin ang mga ito Para lamang matugunan ko ‘tong pag-iisip ko na TAYO NGA’Y PARA SA ISA’T-ISA Nakakatawa kasi nga dumating yung araw na para nalang akong tangang Di ginagamit ang kokote dahil nagpakabulag na sa tinatawag nilang pag-ibig. Tangang, pinabayaan ang sarili para lamang mapasaya ka Tangang, pinaubaya ang lahat sa mga salitang “Mahal kita” Tangang, akala na ang lahat ng bagay na ginagawa mo at ginagawa ko ay Si tadhana ang may pakana Ngunit di pala, ito pala’y purong katangahan na lamang Ang akala kong nagpupuyat ka rin para lamang makareply sa text ko pagsapit ng 1:40 am Ay di pala talaga para sa’kin Ang akala kong panaginip na nagbigay init sa pusong malamig na natutulog Ay panaginip pala na sinunog ang natunaw ko nang puso dahil sa malaanghel **** boses Ang akala kong pananginip na nagbigay kulay sa buhay kong matagal nang matamlay Ay panaginip pala na sa sobrang kulay ay nagbigay kadiliman na lamang Ang akala kong perpektong panaginip Ay panaginip palang maraming butas at naging isang masakit na bangungot na lamang Mahal, sa ganitong oras mo ‘ko sinagot Sa ganitong oras mo binigkas ang mga salitang matagal ko nang inaasam-asam At sa ganitong oras mo din binigkas ang katagang “Tapos na tayo” 1:40 am Nagising ako sa isang panaginip Panaginip na purong kadiliman na lamang Panaginip kung saan ang kasiyaha’y naging purong kalungkutan na lang Mahal, sa ganitong oras ko isisiwalat ang lahat Kaya maghanda ka na, Kasi di ko tansya kung ilang salita, ilang talata o ilang araw ko tong pinaghandaan Para lamang maging perpekto sa harapan mo Di ko tansya kung gaano nga ba mo ko minahal O kung minahal mo ba talaga ako Pero ngayon, ito na…. 1:40 am Malapit nang masira ang aking tainga dahil sa pagtunog ng orasan. Ginising na ako ng katotohanang wala nang ‘TAYO’ Kaya naman ako’y Bumangon, tumayo’t binago na ang alarmang inilagay, Gising na ako, gising na gising. Masaya, masayang-masaya!! Kahit wala ng ‘TAYO’ Time Check: 1:41 am
0
Jul 7, 2016
Jul 7, 2016 at 1:32 AM UTC
1:40 am

82
Saya, yan lang naman ung gusto kong maramdaman ngayong 2020 na kasama ka Bakit parang hindi ko ito dama gayung kakasimula palang ng taon Pait, sakit, hirap ilan lamang yang nadama ko simula ng pagpasok ng bagong taon Ang hirap, ang hirap isipin kung ikaw pa ba ung minahal ko? Bakit parang pagpasok na pagpasok palang ng taon ika’y nagbago? Pait kasi hindi ko na maramdaman ung tamis at kilig sa bawat yakap at halik mo. Sakit, ang sakit sakit isipin na ako pa ba ung babaeng laman ng puso mo? Hindi ko alam kung paano ito sabihin sayo Dahil napakasensitibo **** tao Mahal,mahal na mahal kita ng buong buo, Ayaw kitang saktan sa mga salitang gusto kong ibahagi sayo Kaya sa tula ko idadaan ang mga to Susubukang maghinay hinay sa mga salitang bibitiwan Mahal ikaw pabayan? Bakit parang hindi? Kung magbiro eh hindi ko alam kung akoy sisimangot o ngingiti Pero sige na nga akong ngingiti nalamang ng Makita **** ayos lang saakin Habang nakangiting naisingpang sa iba nalang tumingin upang hindi mo Makita ang mga lungkot saaking mga mata tatawa para di mahalatang akoy nasasaktan na baka kase pagsumimangot ako ay iyong sabayan mga sumpong na aking nararamdaman eh tatakpan nalamang ng mga tawa. Sige patuloy akong magpapanggap na maging masaya kahit ang aking nararamdaman eh sobrang sakit na kaya ko lamang ito ginagawa upang hindi ka mawala, mahal, sana pag ito’y iyong nabasa wag ka sanang mawalan ng gana o di kaya ay sisihin ang iyong sarili sa kadahilanang ako’y iyong nasasaktan na. ayos lang ako wag kang magalala patuloy na kumakapit upang ang relasyon natin ay hindi masira mahal na mahal kita sana iyong tandaan ngunit ako’y makikiusap lang sana wag ka sanang panghinaan ng loob sa aking mga nasabi at patuloy na lumaban dahil hindi ko na alam ang gagawin pag ika’y nawala pa alalahanin ang saya, tuwa, kulitan na ating nagawa at patuloy na kumapit at subukang ayusin itong problema wag ka lang mawala. Madami pang oras, araw, lingo, buwan,taon o kahit dekada. Wag ka lang bumitaw saaking kamay mahal. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan Mahal na mahal kita kahit ika’y ganyan Madaan yan sa lambing Wag natin ulit sayangin etong pagkakataon Dahil mahal ako na ang nagsasabi na tayo hanggang dulo Away, problema, ilan lamang yan sa mga pagsubok na ating dadaanan Dahil pagtapos ng mga iyan Maganda ang surpresang naghihintay satin. Mahal kapit lang, laban pa. malalagpasan din natin yan.
0
Jan 10, 2020
Jan 10, 2020 at 7:58 AM UTC
Tayo

45
Bayani sa bayan meron pa nga ba , tuluyan nga bang nawala o bulag ka lang talaga Nawawala na nga ba ang mga bayani o meron naman masyado lang tayong nagiging utak talangka, Sa bansang to hindi umuunlad , sinisisi ang gobyerno bakit hindi mo sisihin ang kapwa mo Kapwa mo mahal mo ano ka siraulo , dito sa bayan na ito hindi uso ang ganyang pagkatao Mas gugustuhin pa nilang kapwa ko mas angat ako , dahil ang sukatan dito ay estado nang pagkatao, Mahirap ka at walang salapi subukan **** ipaglaban ang karapatan mo , masama ang tingin saiyo Mayaman ka lumaban ka pera pera lang naman ang laban dito tiyak na ikaw ay mananalo Ganito sa bayan ko hindi balanse ang mga tao , kahit nga kumayod ka nang sobra sobra para makamit ang pangarap mo kung ang nasa paligid mo ay hihilahin ka pababa para lang bumalik ka sa simula at maging problemado, Ano sisihin mo lang kapwa mo?sisihin mo din sarili mo maghapon kang nakatunganga sa modernong teknolohiya hindi mo kayang mag reklamo sa ginagawa ng mga **** mo sa paraalan na nakatunganga din dahil hangad mo lang ay masarap na buhay at hindi mo hangad ang matuto sa paaaralang ito. Masyado ka nang nilamon nang sarap hindi mo danas ang hirap , tumingin ka naman sa ginawa nang mga nagpaaral sayo Naghirap sila humanap nang solusyon para lang ipamukha sayo na kahit malayo sila sayo o wala silang oras para sayo handa silang gawin ang mahirap na trabaho at kahit kokonting oras lang ang ibigay nila para makasama mo, makita ka lang masaya at masaksihan ang tagumpay nang buhay mo, yun ang pinakamagandang sukli na ibibigay mo Napaisip ka na ba sa ginagawa mo , palagi ka nalang dada daig mo pa ang telepono na walang sumasagot tunog lang nang tunog,at Galit ka pa , todo dabog kapag di napagbigyan ang gusto mo .Puro nalang tayo ganyan maliit na bagay pinapalaki Bakit di mo tignan mabuti at pagaralan ang iyong sarili ang kapaligiran tama bang magreklamo nang magreklamo kung ang sarili mo nga hindi mo parin maitama , tandaan mo na ang buhay ay parang isang gulong pero minsan nangangamoy din pakiramdaman mo nang mabuti baka sunog na at amoy goma na ang gulong na sinasabi mo , tignan mo din kung yung hangin masyado nang madami ang lumalabas para naman sa susunod hindi ka puro pag aaaklas.
0
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 10:39 AM UTC
Hatak,Ihip,Tago,Hanap

22
Dala na din ng pagod ako ay humandusay ng walang kaabog abog Sa bangketang madumi, ang katawan ko ay pinabayaan. Basa ng ulan, ang pag ubo'y walang alangan, Hanggang sa muli, hanggang sa makasakay Dala na din ng pagod sa pagkayod at hanap buhay At pakikipagtunggali sa mundong walang tigil, puro tagay. Ang pag aasam maging karaniwan at humanay ay 'di mawaglit. Hindi parin labis na masanay. Bakit nananatiling lumalaban sa tamis at pait? Dala na din ng pagod, ay hindi man lang mkapag ahit. Ang pagod na wari sa sabog na balbas ay di alintanang lumago, Buhok na primitibo ay minsan 'di na mailitrato. Sapagkat napakaraming bagay ang naikot sa isip, Upang sarili ay ihuli at sadyang balewalain; Dahil minsa'y di mapigil ang sariling takbo ng ideya, Sa pagkain ng isip sa puso, minsan ikaw ay madidismaya. Sapagkat ako ay tumatanda ng paabante Na walang iniisip kundi ang mabilis at walang kasiguruhang bukas , Na walang oras man ang pwedeng malibre at mabakante. Dala na din ng pagod ako'y biglang natuturete sa ingay ng maduming palengke, sa mahal ng kuryente, Sa araw araw na madugong pagbyahe, pamamasahe; Sa mala sinaunang Kastilang amo. Mga taong may ugaling dyahe. Ang pakikisamang hinog na alam nating importante. Dala na din ng pagod, alam nating hindi pasko parati. Sa ambisyon at oras, ginagawa ang lahat at pilit naghahabol, Kapag isipan ay nalason. Bilisan at ang oras ay nagagahol. Dala nadin ng pagod, nagiiba ang pangangailangan bakit ang dating madali ngayon sa hirap ay saksakan? ang maliit at lumalaki, ang punong kahoy **** matikas, ay sadyang binabato sa tuwing ito ay namumunga ng wagas. Sa kabilang buhay, huwag **** kalilimutan. lahat ng paghihirap ay sadyang mawawala. Mga maling desisyon huwag kaagad itulak, mga iniisip huwag sadyaing ibalak. Dala lang yan ng iyong saloobin at pagod iho, matatapos din ang pait sa sa paglaklak ng alak
0
May 14, 2013
May 14, 2013 at 1:01 PM UTC
Dala na din ng pagod

may diskusyon na galing sa nakaraan tungkol sa pagsisisi sa naganap na hiwalayan ang higit na pagmamahal ay sadyang maparaan nagbalik itong muli ng di namamalayan kung sa hinaharap ay walang kasiguraduhan bubusugin kita ng pagibig sa kasalukuyan at kung tayo at panahon ay magkasubukan hihintayin kita upang sa dulo'y magkatuluyan ang pagulit sa kawangis ng kahapon ay ligaya ito ang dahilan sa sarap ng muling pagsasama huwag maglilikot pagka't di na magagaya ang inayos na daan papunta sa iisang kama sa di mapigilang kabaliwan at kalokohan sa dalas **** maubos ang aking pisi at kahit hirap sa pagsunod sa aking kagustuhan ikaw pa rin ang pipiliin at di magsisisi ♥
0
Jul 4, 2011
Jul 4, 2011 at 2:12 AM UTC
Di Magsisisi
Salamat sa malasakit, sa araw at gabi Sa mga oras na kailangan ko ng kakampi Sa mga sandali ng aking paghikbi Palagi ka lang narito sa aking tabi Salamat sa pag-asa, sa patuloy na paggabay Sa mga sandali ng aking paglalakbay Hindi ako nag-isa, mayron akong kasabay Sa hirap at ginhawa, ikaw ay kaakbay Salamat sa mga salitang aking kalakasan Naging inspirasyong ituloy ang buhay Mga mata'y namulat sa katotohanan Ang mundo'y kayganda at mayroong kulay Salamat sa lahat ng kabutihan mo Mayroon ng lakas na mula sa iyo Anuman ang hamon ng mapaglarong mundo Maliit man at hamak ay lalaban ako Salamat, salamat, aking kaibigan Pag-ibig na busilak aking iingatan Hanggang sa pagtanda, hanggang kamatayan Pagkakaibigan ay walang hangganan.
0
Mar 2, 2016
Mar 2, 2016 at 10:07 PM UTC
Salamat
Ang bansang pilipinas sadyang magtatagumpay Kung nanunungkulan dito,mahinaho't malumanay, Matalino't masipag,may prinsipyo sa buhay, Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay. Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit, Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit Mistulang preso nang kahirapan humagupit, Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok? Bakit hinayaan niyang pilipinas ay malugmok Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok? Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok. Kung minsan ay talagang napapaisip ako Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno? Para ba mangurakot at magbalatkayo? At hayaang maghirap ang sariling bansa ko? Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata, Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda Hirap na mamamayan ang iyong makikita, At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura Nasaan na ang pondo ng ating bayan? Bakit naghihirap ang mamamayan? Katwira'y marami daw pinaggagastusan Ang mga departamento ng pamahalaan Isa daw dito ang 4p's kung tawagin Na tumutulong daw sa mga kababayan natin, Pero ang nakikinabang,mayayaman lang din, Sa halip na yung pamilyang walang makain. Bakit katarungan ay hindi makita Sa gobyerno ng bayan kong kawawa? Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay, Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay? Kung ako ang tatanungin,ang akin lang masasabi, Mga kurap ay laganap at plastic ang marami Tapat na tao'y kanilang hinuhuli At pamamalakad nila ang nais mamalagi Kaya sana sa halalang papalapit, Yung matitino naman ang ating ipalit Mga tapat at di manggagamit At kaunlaran ng pilipinas ang nais makamit..
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 1:41 AM UTC
Untittled

40
Palagi kitang pinag-mamasdan sa bawat araw dna dumaraan, lahat ng kaya kong gawin upang iyo'ng bigyang pansin aking ginawa ngunit kahit anong pagsisikap ang aking gawin, nasa iba pa rin ang iyong mga mata bakit ba ang hirap kunin ng iyong pansin, di ko naman hinihinging maging tayo gusto ko lang sana'y magi kitang kaibigan kase alam ko'ng wala kang maibibigay sa aking pagkakataong maging tayo ika'y prinsesa at ako'y dukha sabi pa nga nila'y nangangamo'y akong sukha ikaw nama'y amoy rosas kahit na ika'y pagpawisan nung una kitang nakita, sa isang tingin mo lang, nabihag mo na ang aking puso sana'y bigyan mo akong pagkakataon na maipakita sayo na di ako isang halimaw alam ko naman ikaw ay isang prinsesa na nakatira sa isang kastilyo na tad tad ng diamante, at pinag kakaguluhan ng mga prinsipeng maskulado at handang ibigay ang mga luho at kayamanang gugustuhin ng kahit sinong babae, ang maibibigay ko lang sayo ay ang aking buong pusong pagmamahal at katapatan na mamahalin kita hanggang sa katapusan ng ating mga araw.
0
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 11:10 AM UTC
Prinsesa/Princess (tagalog poem)
May isang bagay na nais kong sabihin May mga salita akong nais na bawiin, Di ko alam kung dapat ko pa bang banggitin Pero kahit saglit, ako sana'y iyong dinggin Naaalala mo pa ba nitong araw na nagdaan? Isang tula mula sa akin ang iyong napakinggan Huling Mensahe kuno kaya ako nagpaalam Ipinangako na pipilitin kong maparam Na pipilitin kong mawala Itong damdamin na di ko alam kung paano ba nagsimula At mas lalong di ko alam kung paano mawawala! Ano ano pa ba ang mga dapat na gawin? Bakit ba kay hirap nitong tanggalin? Inunfriend ka sa fb, dinelete message mo Di ka pinapansin,umiiwas na ko ng todo Lahat na yata ng paraan ginawa ko Pero di ka pa rin talaga natiis ng puso ko Kanina lang kausap ulit kita Napapangiti tuloy ako ng para bang tanga Nagsasalita na ako dito mag isa Mga tao sa paligid ko para bang nagtataka Mga kasama ko bigla na lang napapanganga Eh ano bang **** nila? Minsan na nga lang maging masaya, Papakialaman pa ba? Minsan na nga lang magkaroon ng sigla Itong mundo kong puno ng lungkot, ng takot,ng pangamba, ng kawalang pag asa, Kaya salamat talaga at nariyan ka Picture mo pa lang ang laki na ng epekto, Para akong sira ang ulo, malaki ang depekto Sa isip na walang ibang laman kundi ikaw At puso na walang ibang sinisigaw Kundi ang pangalan ng nag iisang ikaw At magdaan man ang maraming taon O lumipas ang mahabang panahon, Ikaw lang at walang iba Sasabihin ko lang naman talaga Gusto kita.
0
Apr 4, 2017
Apr 4, 2017 at 7:21 AM UTC
Gusto kita (spoken poetry)