Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Angel Mar 2018
Walang tigil ang luha
Walang tigil ang dusa
Tila parang parusa

Sa mahabang panahon
Piniling magtago
Magtago sa isang pagkatao
Pagkataong walang hintong,
Sumisira ng aking isip at puso

Ngunit ikaw ay bumalik
Pinasalubungan ng yakap at halik
Tila isang panaginip
Ang mayakap kang mahigpit

Ngayon ay piniling magbago
Dahil sa iyong pangako
Na tayo ay magkasama hanggang dulo

Sa gabing ito
Walang nang gumugulo
Hindi na nalilito
Alam kong hindi ka na muling lalayo
Claudee Jul 2017
may buwang di kayang abutin ng kahit sinong astronota
at walang hintong paikot-ikot lang sa bakanteng kalangitan
hanggang kailan kaya mananatiling buwan
dito sa banyagang kalawakan?

— The End —