Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hinalik" poems
Kung di kaya tayo nagkita, Paano ko mahahanap ang lihim na palasyo ng saya? Ang alam ko lang musika noon ay namamatay na sigaw galing sa milyong-milyong bangin Kuntento na sana ako malunod doon Paulit-ulit... Hanggang narinig ko ang boses mo na hinalik nang payapa ng isang mitikal na kagubatan sa gitna ng gabi Hinaluan pa ng bagyo ng rebelyon at init na tamang-tama sa akin Nakaka-excite ka... Hinahanap ang iyong tunog sa kahit anong anyo Sa kahit saang lugar Naaaliw sa iyong misteryo Bakit kasi rin ang angas mo noong sa munting sandalian na nag-usap tayo? Planado ko na ipantay ang ihip ng hangin sa direksiyon mo Ang tanglaw ng tadhana Naaabot ko na I-ikaw din pala? Gusto mo ipantay ang direksiyon Hindi pala ako nag-iisa... Hindi na tayo mag-isa. Nabunyag ko pa na may tamis na tago sa iyong pigura Di na kita mabura Paano ka burahin... Paano ka ba buburahin?! Hanggang naintindihan ko na wala nang magpapantay Hinawakan ka na Paulit-ulit Inuulit sa kamay Sa labi Sa isip Napabangungot noong isang gabi na maghiwalay Luha naman ang nahalay Wala man "silang" gusto sa ideya natin Mahihimatay na lang sa tamlay Ng mga nagtatalampasang emosyon nila na walang malay Hahawakan ka hanggang di hulihin Hahalikan ka kahit babagyuhin Walang kahulugan ang pagpigil ng damdamin Unang-una ko itong pag-iibigan Akala ko hindi ko maiiwasan ang kasaysayan ng dugo ko na puro sa maling tao napunta ang pagmamahalan Akala ko wala nang mag-aalaga sa sirang tao na katulad ko Napaka-haba ng iyong pasensya Kasi ako wala na talagang pasensya sa sarili ko Ang presko nang may nagtatanggap sa aking konsensiya Na walang kapalit na hinihintay Na walang sampal na hinihintay Dami dami mo nang ginagawa pero Wala ka talagang kailangan gawin Para pasayahin ako Mamasdan ka lang Kasi hindi kita papakawalan Pumantay ang linya Pumantay ang oras Pumantay ang agos Pumantay ang dagat Sa iyo na ako lulunod magpakailanman Sa bilang ng isa, Dalawa, Tatlo.
0
Oct 16, 2022
Oct 16, 2022 at 7:45 AM UTC
Wala nang Magpapantay

Continue reading...
58
Ang bawat tao may kai-kaibigan, Palaging magkasama at nagtutulungan, Handang makinig sa bawat problema, Hanggang sa ikulong nila tayo sa selda. Sa isang grupo o magkakaibigan, May isang maiiba at galing sa kadiliman, Kagaya ni Hudas na tuluyang nadulas, Hinalik si Kristo para kay Caiaphas. Kung sino pa ang iyong malapit na kaibigan, Sa huli, hindi ka rin niya matutulungan, Siya pa ang tutulak sayo sa bangin, At hahayaan nalang idakip ng hangin. Sa huli, laking galit mararamdaman, Pagkat ika'y kanyang sinaktan, Unti-unting may balak makawasak, Hanggang sa mukha ng ahas masapak.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 2:36 PM UTC
Taksil