Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hihinayang" poems
Iniwan, pinabayaan at di na muling nasilayan Nasaktan at umuwing luhaan Gaano ba kasakit ang masaktan Pati ako ay nahahawaan Kasama kita kanina pero bakit ngayon wala ka na Kay bilis ng panahon na nagdaan Hindi namamalayan ang pusong sugatan Dahil sa dulot ng iyong paglisan Sana pinahalagahan ang mga sandali Mga panahon na ikaw pa ang kapiling Ayan tuloy akoy ng hihinayang Dahil pinabayaan na ikay mawalay Kung magkaroon man ulet ng pagkakataon Iingatan ko ang bawat minuto Upang hindi na ulet masayang ang mga ito At pahahalagahan ang presensya mo
0
Aug 30, 2016
Aug 30, 2016 at 4:39 AM UTC
Iniwan
Kung mayroon akong pinakaayaw na almusal Iyon ay yung lulunukin kong katotohanan na lilipas ang bawat oras, papatak ang bawat segundo ng napakagulong buhay ko na wala ka. Sayang lang, Ang ganda kasi nung mga eksenang pinangarap ko Na buo na ang bahay na ang palapag ay tatlo, Pagpasok mo rito, ikaw ay nakaupo sa sala na binuo ng mga pangarap mo at oo. Nang hihinayang ako, paglulutuan sana kita tapos gigising ka sa umaga na may mainit na kape ka nang nakatimpla. Pero inabot na kasi tayo ng takipsilim Nagwakas ang mga pangarap na almusal nang magsimula ka nang maglihim Nang umalis ka na lang dahil hindi mo rin naman kayang magkwento at umamin Noong humingi ako ng ilang segundo ng katotohanan matapos ang ilang taon kong inakalang hinding-hindi ka magiging sinungaling. Alam ko balang araw, masaya kana sa iyong bagong kasama. Sa mga munting eksena na nag lalaro sa isip ko, gusto ko na yung eksenang masaya ka na lang sa iba. At balang araw hindi na tayo masusuka sa mapakla at mapait na almusal ng ating pag-ibig, salamat, totoo. Salamat sa hindi na manguyang pag-ibig mo.
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 11:34 AM UTC
U M A G A H A N